Chapter 4

113 4 1
                                    


"First Meeting"

Marie's pov

Nagising ako dahil parang may gumigising sa akin.

Pagkabukas ng aking mata nakita ko ang walanghiyang taong gumising sa akin. Binigyan ko siya ng isang malamig na tingin, na sa tingin ko walang epekto sa kanya pero wala akong pake.

"Umalis ka sa upuan ko Babae"
sabi ni ........... Sino nga to?

Lalaki siya maputi itim na buhok at mhmmm.... masasabi kong gwapo siya pero nakasimangot Ito Hindi guro to marunong ngumiti pero sabi ko nga wala akong pake.

Hindi ko siya pinansin pero ang kulit niya.

"Babae? Naririnig mo ba ako bingi ka ba?" sabi niya

"Hindi ako bingi" sabi ko
Hindi ko na kasi matiis itong makulit na nilalang na ito kung anong problema niya.

"*smirk* Hindi ka pala bingi edi tumabi ka diyan ako ang uupo diyan" sabi niya habang nakatingin sa mata ko gamit ang malamig niyang tingin.

Sa tingin niya madadala ako sa tingin niya. Huh bahala siya.
Wala akong pake sa kaniya noh! Close kami? Hindi noh! Psh.

Hindi ko na lang pinakinggan ang pinagsasabi ng taong nasa harapan kasi sabi ko nga wala akong pake! Ano naman ngayon kung gusto niya dito umupo? Wala siyang magagawa kasi ako naman ang nauna.

Bigla ko nalang naramdaman na parang may tumulak sa akin kaya natumba ako sa sahig na mukha ko ang nauna at narining ko nalang na pinagtatawanan ako ng mga kaklase ko na hindi ko naman kilala. Mga papansin naman ang mga tao dito kita naman na may natutulog dito– ay teka natumba ako? Ibig sabihin....

"Anong problema mo?" tanong ko sa lalaking kaharap ko na ngayon matapos ang nangyari sa akin.

"Sinabi ko na kasi sa iyo nga ako ang uupo dyan. Bingi talaga hindi makaintindi" sagot naman niya na hindi nakatingin sa akin kundi sa harapan sa mga kaklase namin.

Hindi ko nalang pinagpilitan ang sarili ko sa upuan na ito, ano naman ngayon diba? Kung gusto niya ito edi sa kanya nalang wag ko nalang ipilit ang sarili ko duh. Balak ko na sanang umalis ngunit may humarang sa harapan ko, sino pa ba? Edi ang walanghiyang lalaking pilit ipagsiksikan ang sarili sa upuan na hindi naman kanya.

Kung makaangkin naman ang taong ito ay parang kanya talaga sa totoo nga hindi naman kanya. Tsk.

Aalis na sana ako dahil nabubuwisit lang ako sa mga taong nandito ng may humawak sa braso ko at hindi ko alam kung anong nangyari noong binalibag ko ang humawak sa akin. Nakaranig ako ng mga tumili at may ibang nagsitakbuhan yun pala ay natakot sa ginawa ko eh wala naman akong gagawin sa kanila eh tss.

Napadaing ang taong nabalibag ko sa sahig at tiningnan ko at ito pala iyong lalaki kanina. Ha! Buti nga sa kanya kung alam lang nila na ayaw kung may humawak sa akin at kung sana hindi ako binigla ay hindi to mangyayari sa kanya.

"I'm warning you, boy! Don't you ever touch me again" sabi ko habang nakatingin sa mata niya na mukhang naguguluhan.

Matapos non umalis na ako ng silid at hindi ko alam kung san ako napunta basta ang alam ko lang ay ito iyong garden yata? Kung saan makikita sa likod ng building namin. Mas maganda pala dito sa likod mukhang masarap bumalik matulog at sana naman wala ng umistorbo dahil mapapatay ko na talaga. Walang makapapigil sa akin.

Pumunta ako sa likod sa punong malaki na nakita kong may nakatatak na pangalan, 'Narra'. Mukhang puno ito ng narra mukha lang hindi ko alam kung ito nga. Wala naman akong kaalam alam tungkol sa mga halaman dito eh.

Ang gusto ko lang ang matulog at yon nga ang ginawa ko matapos kung humiga sa likod ng puno. Pinikit ko na ang aking mga mata at hindi ko namalayan ito nakatulog na pala ako.





Unknown POV

"Nahanap niyo na ba?" Tanong ko sa kabilang linya ng cellphone ko.

"Hindi pa po, bossing" sagot naman ng tauhan ko.

"Sige, ibalita niyo agad sa akin pag nahanap niyo na" balik kong sagot.

Pinatay ko na agad iyong tawag at walang pasabing hinagis ko ang cellphone ko sa dingding. Hindi ko na mapigilan at sumigaw rin ako. Lintek mga walang silbi!

Tumalikod ako at hinarap ang working table ko at kinuha ang picture frame. Tinitigan ko ang laman ng picture at hinigpitan ang hawal nito.

"Nasaan ka na? Matagal na rin kitang hinahanap... kailangan ka na namin aking... reyna" bulong ko sa sarili ko at tumingin sa bintana kung saan ako malapit nakatayo.

"Bumalik ka na aking... Reyna"

















A/N:
Hey, guys!
It's been a while huh?
I miss writing so I just did right now but, I'm planning on editing this story. Still planning to I'm not yet so sure if I can though.

Well, Thank you dear readers!
Thank you for the support hoping that you will continue supporting this book even though its not that good. I mean I know I did my best right? Haha
Thank you for the time and stay safe always!
God bless you all my fellow readers!
Always pray cause if we believe in Him, we can overcome this problem we are currently facing right now.

Comment and Like
Love you all! ❤️

His Gangster Queen Where stories live. Discover now