Chapter 1

13 1 0
                                    

Dametresse's

It's already 6:30 am. Pababa na ako ng apartment dahil pupunta na ako sa tinatrabahuan kong coffee shop.

I was about to drive when I realized I forgot my camera and my phone.

Stupid of me.

Bumaba ako ng sasakyan at naglakad na papasok ng apartment.

Hindi paman ako nakakapasok sa apartment ay may humawak sa braso ko.

Napatingin ako sa kamay nito at tinignan kung kanino 'yun.

Bigla agad nagdilim ang aking paningin nang mapagtanto kung sino 'yun. Biglang bumilis ang aking paghinga. I can feel anger arise from within me.

Ang kapal ng mukha nyang magpakita sakin. Pagkatapos ng ilang taon, ngayon lang ulit siya nagpakita sakin.

"What do you need Dad?" Matigas kong tanong.

"Come back to the Mansion." Ma autoridad nyang saad.

Pagkatapos ng apat na taon, ngayun nya pa ako pinapabalik sa bahay na 'yon? Pagkatapos mawala ni Mommy, nagkaroon agad siya ng bagong asawa. Pinalayas ako ng bago nyang asawa habang siya ay nanonood lang na tinataboy ako sa sarili nyang bahay.

Since then, galit na ako sa kanya. Akala ko si Mom lang yung nawala pero pati pala siya, I lost my Dad. Kaya ako na ang bumubuhay sa sarili ko. I worked in the coffee shop as a waitress for already 3 years. Nakapagtapos ako ng pag-aaral dahil may College plan si Mom para sakin kaya hindi ako namroblema sa tuition ko.

"At bakit naman kita susundin? After all these years Dad? Ngayon mo pa napag-isipan na puntahan ako? Ha? Pagkatapos akong tinaboy ng babaeng iyon? Hindi mo man lang naisip kung may mapupuntahan ako? Kung may makakain ba ako? Tapos ngayon pupunta-punta ka dito at uutusan akong pabalikin sa lecheng bahay na yun? Bakit? Iniwan kana ba ng magaling mong asawa?" Matapang na sabi ko. Nanginginig akong sabihin 'yun.

*PAK*

"How dare you talk to your Dad like that!?" Galit na saad ng isang babae sa likod ni Dad. Its none other than, his wife. Tita Margarette. I can see anger in her eyes.

Napahawak ako sa aking pisngi. Ang sakit. Pagkatapos nila akong tinaboy ng ganun, babalikan nila ako para lang sampalin? Bakit ganun? Wala naman akong ginawa sa kanila ah. Sinubukan kong maging mabuting anak. Nirespeto ko si Tita Margarette pero isang araw, tinaboy at pinalayas niya ako sa hindi malamang dahilan.

"I tried to be the best daughter for you Dad. When I learned that you love Tita Margarette, I supported you. I respected her, like how I respected my Mom. Tapos ngayon pupunta lang kayo dito para saktan ulit ako? Ano bang nagawa ko sa inyo ha? You know what Dad? Dapat kalimutan mo na sigurong anak mo ako at kakalimutan ko na ring naging ama kita." Sabi ko kahit na ang dami ng luhang umaagos sa aking pisngi. Nakita kong mukhang nagulat si Dad sa sinabi ko.

Tumalikod ako. Hindi ko na kayang makita sila. Puro sakit nalang ang naging dulot nila.

"You need to go back to the mansion or else, you'll lose all that you have now. I'll give you one week."
Sabi ni Dad. Kahit malayo na ako ay narinig ko parin iyon.

Hindi lang pala siya pumunta dito para saktan ako kung hindi para din i blackmail ako.

Pagkabalik ko sa apartment, napahiga ako sa kama. Nagtakip ako ng unan sa aking mukha.

Bakit ba ganito? Kung sino pa yung pinapahalagahan mo ng sobra, sila pa yung mananakit sayo. Dati naman nung buhay pa si Mom, mabait naman si Dad nun ah. He was the best Dad. Sometimes, he would be the one attending the PTA meetings. He would spoiled me. Tapos pinagluluto nya pa ako. Pero sa isang iglap, lahat naglaho. Lahat nagbago. And it creeps the hell out of me.

Love, DametresseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon