Prolouge

11 3 0
                                    

"Sige pa mahal na reyna,lalabas na ang sanggol!!"

AHHHHHHHHHHHHHHH
Yan lang ang maririnig sa buong kwart- i mean palasyo ng mga Harvander. Dahil sa ngayon na ang kapanganakan ng Bagong itinakda.

"wah,wah,wah"

"Ito na ang sanggol mahal na reyna" Sabi ng Esmeralda,pinuno ng mga servants sa palasyo.

"Kay ganda naman po ng Inyong anak mahal na reyna!"Sabi ng Anak ni Esmeralda.

"Teka mahal na reyna ano po ang ipapangalan nyo sa kanya??" Tanong ni Esmeralda.

"Siguro bilang anak namin ito ni Xavier ay pagsasamahin ko na lang aming pangalan bilang ALEXA!!"

"Mas maganda po kung Alexandra!! Para kasama po Pangalan ko" Sabi ng anak ni Esmeralda

"Tama ka dyan Sandra" Sabi ni Esmeralda sa kanyang anak

"Haha, oh sige Alexandra na lang"Sabi ng Reyna na may ngiti sa labi.

BAM!!
Tunog ng isang bagay na kumalabog"Ang pamangkin ko!!" sabi ni Romena habang hinihingal.

"Oo Romena nandito na Si Aelxandra!" Sabi ng Mahal na reyna sa kanyang kapatid habang pinapakita ang bata.

"Teka nasaan na si Xavier??" Dagdag pa ng reyna.

Noong marinig yun ni romena ay agad syang natameme sa harap ng kama kung saan naroroon ang reyna at sanggol,tila ba may naalala syang ayaw nyang sabihin sa kanila na sya namang nahalata ng kaniyang kapatid.

"Romena, masama iyan hindi ba. Baka malasin ako nyan."Sabi ng Reyna habang may ngiti sa kanyang labi.

Tila ba hindi iyon narinig ni Romena dahil sa walang kadahilanang pagluha nya sa harap ng kanyang kapatid.

"Patawad..............Alisa" sabi ni romena at nagpalabas ng itim na mahika.

"Mahal na prinsesa Romena,paano po kayo ng karoon ng itim na mahika!?" Wika ni Esmeralda habang makikita ang takot sa kanyang mukha.

Tumingin sa kanya si Romena at sinabing "Kung Ano ang tama." At saka nagpakawala ng mahika kay Esmeralda,na siyang ikinagulat ng Reyna.

"ESMERALDA! Romena, anong nangyayari sayo!?"Sabi ng Reyna sa kanyang kapatid na ngayon ay lumulutang at puno ng itim na usok sa kanyang paligid na tanging mukha na lang at kamay ang nakikita.

"Sa wakas at ipinakita sa akin ng mga Fae ang tunay king sarili alisa! Kung sino talaga ako!" Sabi ni Romena habang tumatawa ng kasamaan.

"Hindi iyan ang tunay na ikaw Romena! Tingnan mo ang dati nating punagsamahan ang masasaya nating gawain, hindi ikaw yan..hindi ikaw!"Sabi ng reyna kay romena na para bang walang narinig dahil sa ngumiti lang ito.

"Tsk, alam mo ba inggit na inggit ako sayo Alisa! Inggit na inggit! Una, ikaw ang pinakamaganda,Pangalawa, Ikaw ang naging reyna. At pangatlo...." saka ito tumingin sa kanyang kapatid."INAGAW MO SA AKIN SI XAVIER!!"Saka nagpakawala ng itim na mahika sa reyna ngunit may nagpakalawa ng puting mahika na syang pumigil rito.

"Sandra.......kaya mong gumamit ng mahika...."Sabi ng reyna kay sandra Habang hawak ang sanggol na ngayon ay ngumangawa na.

"Mahabang kwento Reyna ganda pero....."Natigil sya ng biglang nasira ni Romena ang kapangyarihan nya

"AHHHH!!"Sabi ni Sandra na may Sakit sa boses nito.

"Di hamak na Bata ka lang,Hindi mo ako matatalo!" Sabi ni Romena at tyaka humalakhak ng mala demonyo.

"Edi wow...."Sabi ni Sandra na may ngiti sa kanyang labi.

Napatigil si Romena at ang reyna na tila ba nagtataka kung ano ang sinabi ni Sandra."Anong lengguwahe yan hampas-lupa!?" Nagtataka na galit na wika ni Romena.

Ngumisi lang si Sandra sa kanya na parang bang walang narinig.

"Ha,sino ngayon ang lamang ha!?"Sabi ni Sandra kay Romena Habang nakangisi.

"WALANG KUWENTA!!"sabi ni Romena at bumuo ng Isang bolang malaki ng Enerhiyang itim.

"Duh,Kala mo matatalo mo ang isang pretty girl like me, Tsk. Such a Jerk!" Nagmamayabang na wika ni Sandra kay Romena, habang ang reyna ay hanggang ngayon ay nagtataka.

"Urgh.... Sabihin mong hampas_lupa ka kung ano ang pinagsasabi mo!!"Nagagalit ng sabi ni romena (Kanina ka pa galit noh)

"Tre...
Me...
To...
fa...
Ki...
TO!!"
Wika ni Sandra at napuno ng Usok ang buong kwarto.

sampong segundo ang nakalipas ay natanggal ni Romena ang usok."ANG ANAK KO!?"Sabi ng reyna na may pagkagulat sa kanyang mukha.

"Anong ginagawa ko rito!? Anong dimensyon ito!?" wika ni Romena ng makita abg paligid."Kailngan kong Makabalik sa palasyo" Magpapalabas sana sya ng mahikang itim ngunit walang lumalabas na kapangyarihan.

"Esmeralda,Sandra! Nasaan kayo! Tulungan nyo ako nawawala ang anak ko!!" Sabi ng reyna na may takot sa kanyang mukha.

"Mahal na reyna!" Gulat na sabi ng Guwardiya KastilyoNg makita ang reyna lumuluha.

"Ang...... A...nak....ko...Esme...ralda....San..dra....Xa.....vier"Tyaka nawalan ng malay ang mahal na reyna.

"Mahal na reyna!?"

Ilang oras nang naghahanap ang mga guwardiya Kastilyo sa buong Kaharian ngunit anino ay wala silang makita rito.

"Nahanap nyo ba ang anak ko." Walang emosyong wika ng reyna

"Hindi po ma.....mahal na reyna" Sabi ng isang guwardiya Kastilyo.

"MGA LAPASTANGAN! HINDI KO KAYO BINABAYADAN PARA LANG GUMANYAN,HA-NA-PIN NYO ANG ANAK KO!!" Galit na sabi ng reyna.
************
"Ina....Ina gumising ka...."

"Sandra!? Nasaan ang mahal na rey-Nasaan tayo sandra!?" Nagulat na sabi ni Esmeralda..

"Ay oo nga pala ina...Ehem...Ehem MALIGAYANG PAGDATING SA Planeta ng mga TAONG WALANG MAHIKA!"Pagbati ni Sandra sa kanyang ina.

Wah...wahh....wahhhhhh

"Ang prinsesa kinuha mo ba sya!?"Gulat na tanong ni Esmeralda

"Uhmmm.....Opo!"Nakangiting sagot naman ni Sandra sa kanyang ina.

"Na may pahintulot ng reyna!?"Tanong ni Esmeralda sa anak, dahil alam nyang may tinatago ito.

"Eh......hindi"Wika naman ni Sandra na hawak ang sanggol.

Sa sobrang gulat ng ina ay nahimatay ito.Ninerbyos naman si Sandra kaya't

"Yaya loi,Yaya Sisa, Yaya linda tulungan nyo ako dito!" Pasigaw na pagtawag ni Sandra sa mga katulong

"Yes po mam!" Sabay na sabi ng mga katulong.....

Isang oras nakalipas nagising na rin si Esmeralda.

"Ah, Anong nangyari?" Tanong ni Esmeralda.

"Ah eh Sinabi ko lang naman sayo ina na kinuha ko ang prinsesa na walang pahintulot ng reyna kayat nahimatay ka..hehe"Mahabang eksplenasyon ni Sandra sa kanyang ina

"ANO!?"Gulat na sabi ni Esmeralda.
"Shhhhh,ina wag kayong maingay baka magtaka ang mga katulong ko"Pagpapatahimik ni Sandra sa kanyang ina.

Inexplain ni Sandra sa kanyang ina ang lahat ng nangyari at kung papaano sya nagkaroon ng mga katulong bla bla bla bla. Pagkatapos ng mahabang Explaination ni Sandra sa kanyang Ina ay sa wakas na intindihan na ng kanyang ina na dapat talagang mangyari lahat except yung pagsugod ni Romena at ang tungkol kay Alexandra na siyang magiging MISSING: PRINCESS.

To be continued..

Missing: Princess <ON GOING>Where stories live. Discover now