Nang matapos na ako sa aking morning rituals, well what a teen like me usually do. Bumaba na ako sa kusina kung saan nagluluto si mama
well obviously, kusina nga diba? I just rolled my eyes sa mga naiisip ko.When I got there mama is already putting foods on the table.
"Oh anak, umupo kana at kumain. Anong oras ba ang simula ng klase ninyu?" umupo muna ako bago sagutin ang tanong ni mama.
"7:30 pa naman ma," nagsimula na akong kumuha ng mga pagkain well I mean pagkain. Bacon lang naman yung kinuha ko|;-)|.
Pagkatapos kung kumain ay 6:30 na kaya nagmadali na akong nag toothbrush at nagpaalam kay mama.
Pinagbuksan ako ni mang Pito, ang aming family driver.
Well we are rich, I mean my family is rich to be exact. Nag-iisang anak lang ako kaya lahat ng gusto at kahit di ko gusto ay nakukuha ko. I am not a goody two shoes nor a bitch, my attitude depends on people I meet. Kung mabait ka, mabait din ako, kung di naman eh anong rason ko para maging mabait rin sayo? They call me maldita and pilosopo, well what can I do? Its natural na maging pilosopo kung ang kausap mo ay walang common sense. Right? My name is Palm, by the way, and wag nyo nang itanong ang full name ko kasi tatawa lang kayo.
Nang nasa school na kami ay lumabas na ako at nag pasalamat sa driver.
Nang papasok na ako sa gate ay may sigaw na talaga namang nakapag-pagiba ng umaga ko.
"PALMOLIVEE!!!!!" sumimangot nalang ako.
"Ano ba Vanessa! Will you please shut your mouth!" naiinis kong saway sa kanya. Tumawa lang ang walang hiya! Well, now you know my full name. Itanong ni'yo kay mama kung bakit yan ang pangalan ko.
"Well it's true naman na pangalan mo eh!" sabay pout pa ni Veronica. Well they are twins, what would I expect? Aghhh!
"Ewan ko! Di ko kayo eli-libre mamayang lunch! Bahala kayo!" sabay belat ko sa kanila.
"Huyy! Palm naman eh! Joke lang yun, hehe. Si Vanessa lang ang wag mong ilibre kasi siyang nagsimula. Ako love kita kaya libre mo na 'ko Palm." inirapan ko si Veronica. They are not poor, they are just kuripot.
"Hey, hey! Di naman ah! Ikaw talaga Nica! Palm, libre na! Wala akong pera ngayon!" apila naman ni Nessa.
"Haha, oo nga pala Palm. Grounded pala si Nessa ngayon kasi na----" di na natuloy ni Nica ang sasabihin dahil tinakpan na ni Nessa ang kanyang bibig.
"Hehe, ahmm pasok na tayo Palm baka ma-late pa tayo," pero di na niya ako pinasagot at agad na na hinila si Nica at nauna silang dalawa sa akin.
Agghh! Secrets! Malalaman ko rin yan.
Nang nakapasok na kami ay wala namang ibang ginawa sa room kundi ang magpakilala. Nang ako na ang tinawag ay pumunta na ako sa harapan.
"I am Palm Vivien Sy, I a----" di ko na natuloy ang pagpapakilala ko dahil sa lakas ng tili na nanggaling sa labas.
"OHHHH EMGEEEE!!! GIRLSSS! THEY ARE HERE FOR REAALLL!"
"GEEZZZ! THEY ARE SOOO GWAPOOO"
"GODESSSS!!"
"AAAAHHHHHHHH" sabay-sabay na talaga nilang tili kaya napa-takip na ako sa aking tenga.
Lumabas na ang prof para sawayin ang mga maiingay kaya umupo muna ako. Nasa second to the last row ako naka-upo kaya lalakad na sana ako papunta ruon ng pumasok si sir.
YOU ARE READING
I'm Falling
Teen FictionKapag tumama ang pana ni kupido sa iyo ay siguradong wala ka nang kawala. Paano kung pahulog ka na? May makakapitan ka pa kaya, o tuluyan kang babagsak? May sasalo kaya? O, wala? I'm falling