Chapter 2- The Phoenix

13 3 0
                                    

Sam Velvet pov's

Andito ako sa loob ng classroom naghihintay ng teacher, ako kasi palagi ang nauuna. Nakarinig ako ng ingay tanda na andiyan na ang mga kaklase ko.

"Guys nakita niyo ba yung apat na magagandang babae sa tingin ko bago silang estudyante dito" panimula ng classmate kong lalaki.

"Oo nakita namin. Ang swerte talaga natin may bago nanaman tayong malalandi"

"Gago basta akin ung isa dun ah"

"Sinong isa e baliw pala kayo e hindi nga natin alam mga pangalan nila"

"edi alamin dito naman room nila e base sa narinig ko"

"Talagaaa!?"

"Oo pare"

Yan nagsimula na sila sa ingay at ano daw? apat na babae? magaganda? sino naman sila. para akong naging interesado e.

dahil sa pag-iisip ng kung ano-ano ang mga itsura nila hindi ko namalayang nakaupo na lahat ng kaklase ko at nasa harap na si Mrs. Santos filipino teacher.

tumingin naman ako sakanya at nabasa ko sa isipan niya na may apat na bagong estudyante ang dadating.

"Ok class meron kayong bagong classmate mga babae sila at ang tanging pakiusap ko lang  maging mabait kayo sakanila" sabi ni mam.

"Oo naman yes mam"sabi ng chickboy kong kaklase

"Ok girls pumasok na kayo at magpakilala isa-isa"

agad namang pumasok ang apat na estudyanteng sinasabi ni mam humanga naman kaming lahat sa taglay nilang kagandahan.pero nakakapag taka naman kung kailan last quarter tsaka sila lilipat ano un trip lang nila.

naagaw ang atensyon ko ng isang babae tinitigan ko ito at binasa ko ang nasa isip niya kumunot ang noo ko sa nabasa ko.

"Siya na kaya ang sinasabi ni master na bubuo at magsisilbing lider sa grupo namin at ang gagawa ng pangalan ng grupo namin sa loob ng School of Abilities"

lalong kumunot ang noo ko dahil nakatitig sakin ang isang babaeng yun na straight ang buhok at mahinhin tignan maganda siya.nasabi ko nalang sa isip ko.

"Anong sinasabi mong Master,lider at bubuo ng pangalan ng grupo at ang school of abilities" nagulat ako kasi biglang nanlaki ang mata niya at tinititigan ko parin siya.

nabasa ko ulit sa isip niya na.

"Nababasa niya ang isip ko"

naguluhan ako para kasing parehas kaming nakakabasa ng isip.

"Oo nababasa ko ang isip mo" un nalang nasabi ko sa isip ko sinubukan ko kung mababasa niya nga at nagulat ako at ngumiti ito sakin.

Yumuko ako at dun nag  isip. Bakit niya nababasa ang nasa isip ko tumingala ako at nakita kong nagpapakilala na sila.

"Goodmorning I'm Athens Minder" sabi niya pero may nabasa ako sa isip niya at naka tingin siya sakin na diretsyo may dinagdag siya sa sinabi niya. "At katulad mo nakakapag basa ako ng isip.Mind reader ako at kaya kong magpagalaw ng kahit na anong bagay"

yun ang sabi niya sakin gamit ang isip niya so hindi pala ako nag iisa nagliwanag ang mukha ko at ngumiti kay Athens. sumunod namang magpakilala sakanya ay si ...

"Hi I'm Monica Majica" sabi niya at tumingin siya sakin kumunot ang noo ko at kagaya ni athens may dinugtong siya.

"At ang kapangyarihan ko ay pag te-teleport at paggawa ng apoy"  para akong nawalan ng hininga sa sinabi niya totoo ba lahat to bakit katulad niya meron din ako ng kapangyarihan niya.

The Phoenix Squad Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon