Chapter 4- ang itinakda

5 3 0
                                    

Sam Velvet Pov's

Andito ako ngayon sa veranda ng kwarto ko si Athens, Monica, Maru at Volt ay natutulog na sa kwartong ibinigay ko sakanila.

Hindi ako makatulog dahil pala isipan parin sakin ang sinabi nila sakin about sa itinakda.. Hindi ako assuming o ano ah parang ako kasi yung tinutukoy sa libro pero may nagsasabi na wag akong umasa.kasi sabi nila Merong Pula at asul ang mata ng itinakda at meron itong simbolo sa noo kapag galit na galit oh di naman kaya kapag may bagong siyang nadidiskubre sa kapangyarihan niya.

Dahil hindi ako makatulog naisip kong magpunta nalang muna sa puntod nila mama at papa gamit ang kapangyarihan ko, nagsuot muna ako ng jacket tsaka ako nag teliport sa puntod nila mama, wala pang minuto ay nakarating na ako.

umihip naman ng malakas at humangin ang mga dahon na naka kalat sa puntod nila mama at papa.

"Mama papa miss na miss ko na po kayo, hindi niyo manlang nasubaybayan ang paglaki ko, nakakalungkot kasi kahit anong gawin ko hindi masagot ang katanungan ko kung bakit kayo maagang lumisan sa tabi ko" mahabang sabi ko habang naka upo at nakatingin sa langit sabay titingin sa puntod. Oo ulila na ako nagising nalang ako isang araw na si Manang Ester ang kasama ko sa bahay para ko na rin siyang nanay kahit isa kasi wala akong kaalam alam sa mga magulang ko birthday man nila hindi ko alam kapag tatanungin ko naman si manang ester ay hindi siya sumasagot lagi niyang sinasabi na "Malalaman mo din sa tamang panahon".

"Dalawin niyo naman po ako kahit sa panaginip lang, at kahit sa panaginip lang buo tayo" tuluyan ng tumulo ang luha ko kasabay nun ang pag buhos ng ulan na parang nakikiramay sakin. tumayo naman ako at nagpaalam na.

"Babalik ako dito mama papa uuwi na po ako" at tuluyan na akong nakaalis..

Kinabukasan....

"Sammmmm! Gising na oyyy samm" si Maru ata ito ang ingay e.

"Hmmmm ano ba natutulog pa ako" sabado kaya ngayon.

"Ano baa oyy tulog mantika naman to" si athens

"alam ko na guys palutangin niyo si sam at volt gumawa ka ng tubig at---" hindi ko na pinatapos si Maru dahil nga narinig ko ang plano nila.

"Oooppp anong tubig tubig at lutang na sinasabi niyo?" taas kilay kong sabi.

"Un lang pala gigising sayo, ilibot mo na kami dito dali na minsan lang kami dito sa mundo ng mga tao sam plss" nag puppy eyes pa si athens.

"Ok! ok! makakatanggi ba naman ako, sige na labas na maliligo na ako. hintayin niyo ako ah" sabi ko at aakto na akong kukunin ang towel ng .

"Ahhhhhhhhh Omg hihihi your so sweet talaga sammm iloveyou na talagaaaa whaaa" napatakip nalang ako ng tenga dahil ang ingay ni athens kahit sila Maru, Volt at monica napatakip.

"Ang ingay mo Thens nakakaloka ka" yun nalang nasabi ko.

"Im so so so exited na kasi, Mamimili ako ng marami sabay kakain ng marami at mag hahanap ng fafa whaaaa" ika ni athens habang tumitili.

napatawa nalang ako at kinuha na ng tuluyan ang towel ko at naligo... san ko naman kaya dadalhin ung mga lokaret na yun. Hmm alam ko na magpapagawa kami ng t-shirt naming lima at pare-parehas kami hahaha pero syempre surprise ko sakanila yun.

after a half hour natapos na ako sa routine ko at bumaba. nakita ko naman silang nakaupo at diretsyong nakatingin sakin si volt at monica si Athen at Maru naman parang bituin ang mga mata na kumikinang.

"God Your so pretty" ika ni Athens.

"Pero mas maganda ka"sabi ko at tuluyan ng nakababa ng hagdan.

The Phoenix Squad Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon