Chapter 7: The Fake Boyfriend

159 3 0
                                    

Two weeks na nang mangyari yung play at hindi ko pa rin malimutan yung hinalikan ako ni Alex, tama nga siguro si Vincent, in love na ako sa kanya.

Nandito ako ngayon sa bench at hinihintay si Vincent. Kitang kita kung naglalaro sila Alex sa kabilang dulo at nag che-cheer naman si Tina (Ang haba ng Christina ehh). Biglang tumabi si Vincent sa akin.

“Sino naman ang tinitigan mo dyan? Sus! Si Alex na naman?”. Sabi niya.

 “Di ahh!!! Ano ka! “.

“Sus! Deny mo pa! halikan kita dyan ehh!?”.

Na shock ako sa sinabi niya at biglang napatitig ako nang masama sa kanya.

“To naman! Di mabiro! Ahahhahahaha!”.

"Whatever".

“Ewan ko sayo! Tara na nga at gagabihin tayo”.

“Ayaw mo nun?”.

“Anong iniisip mo? Tadyakan kita dyan ehh!”.

 Out of the blue, biglang nagsalita si Vincent. 

"Akala ko ba gusto mo ng magmove on?"

 Hindi ko masagot si Vincent, gustong-gusto ko ng magmove on. Kaya lang ayaw pang sumuko nitong puso ko.

Nang pababa na sana kami nang stairs biglang may tumawag kay Vincent.

“Vincent!”. Kakaklase niya ata.

“Ohh! Timmy? Bakit? May problema ba?”. Tanong niya.

“Kasi may problema sa student's council, pwede ka ba sumama saglit?”.

“Sige, sandali lang Steph, hintayin mo nalang ako sa may baba”. Sabi ni Vincent.

“Okey, dun mo nalang ako sunduin sa may canteen”.

At tumango lang siya at bumaba na ako papuntang canteen. Wala nang katao-tao pero may mga staff pa sa loob nang canteen.  Humanap ako nang lugar na pwede kung maupuan. Inilabas ko ang mga libro ko at gumawa nalang nang mga assignments. Maya-maya lang ay may tumabi sa akin at laking gulat ko ng hawakan nila ang magkabilang kamay ko. Grupo ng mgababae ang lumapit sa akin.

“Saan niyo ko dadalhin?!!!TULONG!!! TULONG!!”. Sigaw ko.

Sinikmuraan akong nung isang babae, kaya napayuko ako at nanghina sa ginawa niya. Napakalakas niya at hindi ko namalayan nawalan na ako nang malay.

(Vincent’s POV)

Pumunta kami sa office ng student's council para tignan yung problemang sinasabi ni Timmy. Pagkapasok namin sa office.

“Ohh? Anong problema dito Timmy?”. Tanong ko.

Hindi siya sumagot at lumapit siya sa akin.

“Ano bang nagustuhan mo kay Steph?”.

“Ha? Ito lang ba yung sinasabi mong problema?”.

“Sagutin mo ako!!!!”. Sigaw niya.

“Itulog mo nalang yan Timmy, Alis na ako, hinihintay pa ako ni Steph”.

Palabas na sana ako at biglang yinakap niya ako mula sa likod.

“Timmy! !Ano ba?’.

“Okey naman tayo noon ahh! Okey naman tayo nung hindi pa dumating si steph, Ba’t nagbago ka na?”.  Sabi niya habang umiiyak.

Pilit kung tinatanggal ang mga kamay niya pero pilit niya parin akong yinayakap.

“Timmy! Ano bang problema?’.

HUmarap ako sa kanya pero laking gulat ko ng halikan niya ako sa lips.

“Ano ba  Timmy!!! Makita tayo ni Steph”. Sigaw ko.

And she just sat on the floor, crying. 

“Kung ano man yang nararamdaman mo, pasensya na at hindi ko masusuklian yang pagibig mo. Masyado kong mahal si steph at hindi ko siya kayang iwan, pasensya na talaga Timmy”.  Sabay labas sa classroom at narinig ko nalang na humagulgol na siya.

Hindi naman ako rude ng lalake, ayaw lang talaga pinapaasa ang isang babae. Kahit masaktan sila ngayon at least hindi sila nasaktan dahil naghintay sila sa wala. Mas mabigat yun na agony sa mga babae (A/N: am I right???)

Tumakbo ako pababa para puntahan na si Steph. Kaya lang pagdating ko sa canteen wala naman siya dun. Paalis na sana ako ng Makita ko yung bigay na teddy bear kaninang umaga. Lumapit ako sa may table at naroon yung mga gamit niya. Nagtanong ako sa mga staff sa canteen. Sabi nila may babaeng nakaupo kanina dito kaya lang may mga grupo nang mga babae ang lumapit at dinala siya sa kung saan.

Kinuha ko na yung mga gamit niya at nagsimula na akong hanapin si Steph.

(Steph’s POV)

Pilit kung dinidilat ang mga mata ko at napaka sakit pa nung tiyan ko dahil sa sinikmuraan ako nung malaking bakulaw kanina.

“You did a great  job”.

Laking gulat ko na yung babae sa harap ko ay yung babaeng kausap kanina ni Vincent.

“O ano na ang gagawin natin sa kanya?’. Tanong nung babaeng naka sandal sa may pinto.

“Well? Mukhang gising na siya, How was your sleep my dear?”. Tanong ni Timmy ba yun.

“ Ano bang kailangan niyo sa akin? pakawalan niyo na nga ako!” Sigaw ko.

“Chill! Ni hindi pa nga tayo nagsisimula, haahahahaha”. At biglang sinampal niya ako at tumilapon ako gilid nung upuan.

“Girls! You may now start!”. Sigaw niya sa mga kasama niya.

Tinapak tapak nila ako, mga tatlong babae yata sila at hindi ko nga sila namumukhaan. Naman ohh! Ang manhid na nang katawan ko. Muntik na akong mawalan nang pag-asa ng may marinig akong boses….

 “Sino yun?” tanong nung timmy.

“Girl!! Alis na tayo, baka may guard na umiikot sa mga rooms”.

“Paano to?”.

“Iwan niyo na yan siguro naman natuto na yan”. Sabi ni Timmy.

“Makagante lang girl”. At kumuha siya ng kahoy na galing sa gilid at akmang ipapalo na sa paa ko.

“Itigil mo yan”. Sigaw nung lalake sa labas, familiar sakin yung boses niya. Hindi ako pwede magkamali, kaya lang hindi ko na nakita ang mukha niya kasi naman nawalan na ako nang malay.

 **votes and comments muna diyan..pLeassssssssse :) hahaha nagmamakawa ehh

**also accept suggestions and violent reactions**

**dedicate ko ang next chapter sa mga mag leave nang comment**

Cha bye bye!

**somuchkiLLedrez29**



I'm Stuck on YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon