Coke
"Viennice! Halika na apo at malelate na tayo sa misa! Tayo pa naman ang mag-ooffer sa mga bulaklak!" Tumingin ako ulit sa salamin ng isang beses saka naglakad palabas ng kwarto ko.
"Eto na la! Palabas na!" Tumakbo na ako palapit sa lola ko at ngumiting umangkala sa braso niya.
"Ewan ko ba sayong bata ka! Ang tagal tagal mong magbihis. Nakakahiya sa pupuntang pari pag nalate tayo" patuloy na panenermon sa akin ni lola. Umirap nalang ako saka ngumisi nalang bilang sagot.
May misa kasing gaganapin sa barangay hall ngayon. Kami ang naatasang humawak sa mga bulaklak sa mga bulaklak bandang offertory at kami rin ang naatasang magpamerienda sa pari kasama ang mga kinuha nitong aalalay sa kanya.
Siyempre, nagpaganda muna ako at lahat lahat para naman mapansin ako nung crush kong sakristan kung sakaling sumama siya. Sana nga sumama siya, sayang naman yung get up ko pag ganun. Nakadress pa naman ako.
Mga 10 minuto rin kaming naglalakad hanggang sa makarating kami sa barangay hall.
Pagpasok namin sa gate, sakto namang dumating ang sasakyan ni father. Pasimple akong sumilip sa loob ng sasakyan para tignan kung nandoon yung crush kong si Rafael.
Ngumiti ako ng malapad nang makita ko siyang kasama ang dalawa pang mga sakristan. Magtatatlong taon ko na rin kasi siyang crush simula nung una ko siya makita nung grade 4 ako habang siya ay grade 5 naman.
Ngayong grade 6 na ako at 1st year higschool naman siya, hindi ko maiwasang isipin kung inlove na ba ako o puppy love lang tong nararamdaman ko.
Pagkababang-pagkababa nila sa sasakyan, agad na nagpalit ang pari at inayos ang mga gamit na kinakailangang gamitin.
Masaya akong umupo sa bandang likod kasama si lola. Nang makapag-ayos na sila, sinimulan na ng pari ang misa. Umayos na rin naman na ako at nakinig.
Habang nasa kalagitnaan ng sermon si father, hindi ko maiwasang tumingin sa bandang kanan. Doon kasi nakapwesto yung crush kong sakristan.
Hindi ko naman namalayan na lantarang tumititig na pala ako sa kanya ka naramdaman niya sigurong may tumititig sa kanya at napatingin ito sa gawi ko. Nagtama ang mga mata naming dalawa at agad na kinabahan dahil hindi ko alam ang gagawin ko.
Sa huli, nginitian ko na lang ito at saka nag-iwas ng tingin. Ang awkward naman kasi! Ang bilis pa ng tibok ng puso ko.
Pagkatapos ng misa, agad akong lumapit kay father para magmano.
"Mano ho father." Tumingin sa akin si father saka iniumang ang kamay niya para makapag-mano ako.
"Kawawaan ka ng Diyos" ngumiti ako kay father nang ngumiti ito saka binitawan ang kamay niya.
"Father, iimbitahan sana naming kayo sa bahay. May konting merienda kasi kaming hinanda para sa inyo"
"Sana hindi na kayo nag-abala. Sige, kung gusto niyo sumakay na lang kayo sa sasakyan at sabay na tayong pumunta sa bahay niyo. Nakakahiya naman kung hindi naming pauunlakan ang imbitasyon niyo."
Ngumiti lang ako at tumango saka nagpaalam na lalapitan si lola.
Agad kong sinabi kay lola na sasakay na lang kami sa sasakyan nila father pauwi. Sabay kaming naglakad ni lola papunta sa sasaknyan nila father.
Pagkatapos ng ilang minuto dumating na din kami sa bahay at nakitang handa na lahat. Naiwan kasi ang dalawang pinsan ko para magayos ng mga kakainin.
Agad kaming nag-usal ng konting panalangin bago kumain habang ako ay pumuntang kusina para tumolong sa pag-aasikaso sa mga bisita.
Habang nag-aayos, kinwento ko ang nagyari sa mga pinsan ko.
"Alam mo Vien? Sana hinintay mong ngitian ka! Ano ba yan? Ang hina mo naman!" umirap ako sakanya na agad ko rin namang binawi ng isang ngisi.
Bumalik ako sa sala kung saan kumakain sina father at umupo sa katapat na inuupuan nung crush ko.
Sumunod naman ang mga pinasan ko na pina-usod ako kaya ang labas ay ibang tao na ang katapat ko.
Inirapan kong muli ang mga pinsan ko saka tumingin sa taong nasa katapat ko. Kumukuha ito ng coke para malamang ay uminom.
Nanatili ang titig ko sakanya habang sinasalin niya ang coke sa isang baso saka uminom.
Napangisi ako at nagpipigil ng tawa nang makita ko itong nakapikit at parang ninanamnam ang iniinom nitong coke.
Malaya ko siyang natititigan kung kaya't napansin ko ang mahahaba nitong pilik mata.
Bumaba ang tingin ko sa kanyang labing mapupula nang bigla itong nagmulat.
Dahil sa gulat ay bigla-bigla akong nag-iwas ng tingin. Ramdam ko ring nag-init ang aking pisngi dahil sa nangyari.
Nang ibalik ko ang tingin ko sa kanya ay nakita ko itong nakatingin sa akin habang nakangisi.
Nahiya na ako ng tuloyan at saka tumayong naglakad papuntang kusina.
Hanggang ngayon ay nag-iinit pa rin ang aking pisngi. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko at ang lakas ng tibok ng puso ko.
Halos hindi ko na maisip yung crush kong si Rafael dahil sa nangyari.
Tumakbo ako papunta sa lababo saka naghilamos. Pinaklama ko ang tibok ng puso ko na pero saka lang kumalma nang marinig ko ang ugong ng sasakyan nila father na paalis na.
"Oh? Vien? Bakit ganyan ang itsura mo?" tanong ng pinsan ko
"H-ha? A-ahh wala. Nalalagkit lang ako kaya ako naghilamos." Agaran kong sagot.
"O siya, tumolong kana dito para naman matapos na to. Umalis na sina father, hinahanap ka pa nga. Pati yung crush mo, pasilip-silip pa sa kusina natin kanina"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng pinsan ko. Ngumiti ako ng pagkalapad-lapad.
"Talaga? OMG! Kinikilig ako!" sigaw ko.
"Sana kasi lumabas ka kanina yan tuloy. Dimo na siya nasilayan" pang-aasar ng pinsan ko.
"Hmp! May susunod pa naman. Sisiguraduhin ko nang masusulit ko na ang pag-silay. Kung hindi lang kasi dahil sa isang asungot dun eh!" Nanggigigil kong sabi.
"Ha? Ano yung huling sabi mo?"
Nanlaki ang mga mata kong napatingin sa pinsan ko saka agad-agad na umiling iling saka kumaripas ng takbo papuntang sala para mag-ayos.
----