Chapter 2

15 1 0
                                    


Girlfriend

"Oh! Viennice! Nanjan ka na pala! Tutulong daw tayo sa paglilinis ng simbahan ngayon" lumapit sa akin si Kenzee at hinila ako papalapit sa mga kasamahan naming sa choir.

Inilibot ko ang paningin ko at nakitang marami-rami na rin ang nandito sa loob ng simbahan. Ang ilan sa mga naglilinis ay mga sakristan at IYM ng parokya namin.

Inirolyo ko ang long sleeve na suot ko saka kinuha kay Kenzee ang duster. Sinimulan kong punasan ang statue ni St. Peter na nakadisplay sa kaliwang bahagi ng simbahan. Kinailangan ko pang umakyat para mapunasan ito ng maayos. Masyado kasing mataas ang kinlalagyan nito.

Patuloy lang ako sa pagpupunas nang may dumaan sa gilid ko. Si Kuya Dreinuel. Si Mr. Coke.

Umismid ako saka naiiling na napangisi ako dahil sa nick name ko para sakanya. Pinagpatuloy ko ulit ang pagpupunas dahil baka magpagkamalan akong baliw dito na nakangising mag-isa.

Nang sinundan ko ang dinaanan ni Kuya Dreinuel kanina ay nakita ko siyang naglakad palabas ng simbahan buhat buhat ang isang malaking box na pakiwari ko ay naglalaman ng iba't ibang kagamitan.

Pinagmasdan ko ang likod niyang puno ng pawis na siyang agad ko namang iniwasang tignan dahil kahit likod lang at pawis na pawis ay napakagwapo pa rin niyang tignan.

Pinagpatuloy ko ang pagpupunas at nang saktong patapos na ako ay siyang pagsasalita naman ng isang tao sa likuran ko.

"Hi!" Bati ni Rafael sa akin nang tumingin ako sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang Makita ko siya at agad na pinamulahan.

Kasalukuyan niyang inaayos ang hagdang bitbit kanina at pinasandal ito sa dingding ng simbahan.

Pinampag niya ang kanyang kamay at walang kahirap-hirap na sumampa sa sinasampahan ko. "H-hello!" Bati ko sa kanya pabalik at agad na yumuko dahil sa kahihiyan.

"Choir ka diba? Ako nga pala si Rafael! Anong pangalan mo?" Mas lalong naginit ang mga pisngi ko kasi alam ko sa sarili ko na alam ko na ang pangalan niya kahit hindi na niya sabihin.

"V-Viennice" Yumuko ulit ako saka kinagat ang labi ko.

"Viennice? Nice!" tumawa siya saka bumaba sa pinagsampahan namin. "Merienda na daw Viennice. Halika na." Inalalayan niya ako pababa saka sabay kaming pumuntang kumbento kung saan nagmemerienda na rin ang iba pa naming kasamahan.

"Vien! Nandito ka na pala! Tara kain!" Nilapitan ako ni Kenzee ng nakangisi na parang may nakitang kaaya-aya o kapansin-pansin nang pumasok kami sa kumbento. Umirap ako sa kanya at nagpahila para maupo sa tabi niya.

"Ano yung eksena niyo? Infairness hindi naman halatang crush mo siya sa pula ng pisngi mo ha?" Bulong sa akin ni Kenzee sa tabi ko. Inirapan ko siya saka pinagpatuloy ang pagkain.

Isusubo ko na sana ang pagkain ko nang biglang bumukas ang pinutuan. Saktong dumating si Kuya Dreinuel na pawis na pawis.

Siguro ay kanina pa siya tumutulong sa pag-lilinis sa labas ng simbahan. Hindi ko na rin kasi siya nakita sa loob ng simbahan pagkatapos niyang lumabas kanina. Siguro ay sa may labas ng simbahan taalga siya nakatuka ay may kinuha lang kanina sa loob.

Ngumiti ito sa aming lahat pero agad naman itong sumeryoso nang makita ako. Anong problema nito?

Nagkunwari akong walang paki-alam saka pinagpatuloy ang pagkain. Hindi ako makatingin sa kanya dahil sa hindi ko malamang rason. Kinakabahan ako at nanlalamig ang buong katawan ko dahil lang sa presensya niya.

Umiling ako at pilit na nagconcentrate sa pagkain. Tinignan ko si Rafael at nakita ko siyang nakatitig sa akin. Nginitian ko siya at nginitian naman niya ako pabalik.

Nang matapos kaming kumain ay isa-isa na kaming tumayo. Pumasok ulit kami sa loob ng simbahan at pinagpatuloy ang paglilinis.

Nang matapos kami ay nagpahinga kami ng ilang minuto saka umiwi. Habang naglalakad ako papuntang paradahan ng tricycle ay nakita si Kuya Dreinuel na may kasamang babae. 

Si Celine.

Nakangiti ito at ang aliwalas ng mukha. Hindi tulad ng pag nakikita ko siya. Tinitigan ko silang pareho at napansing si Celine pala ang kasama nito.

Mag-on ba sila?

Agad akong napailing at pinagsawalang bahala na lamang ito. Ano naman kung sila? Anong pake ko?

Tinitigan ko pa lalo si Kuya Dreinuel. Ito yung tipo ng lalaki na matatawag mong tall, dark and handsome. Matangkad ito at hindi gaanong maputi na kahit ganun ay bumagay naman sa kanya. Gwapo ito at napakasimle kung titignan.

Usually, makikita mo siyang nakaplain white shirt lang at slacks na black. Hindi siya yung pumorma pero sobrang gwapo pa rin.

Dahil sa pagiging makadiyos at taong simbahan niya ay di na ako magtataka kung magdesisyon itong magpari. Sayang naman kung ganun.

Kung titignan ay bagay sila si Celine.Isa itong IYM sa parokya namin at kasakasama namin bawat practice. Maganda ito yun lamang ay hindi masyadong matangkad. Mahaba ang unat nitong buhok. Nakakaisecure rina ng kaputian nito.

Lantad akong tumititig sa kanila nang biglang mapatingin sa gawi ko si Kuya Dreinuel. Dahil sa gulat ay agad akong sumakay sa tricycle.

"Manong, sa bahay ho." Sabi ko na pulang pula ang pisngi. Alam na ng mga tricycle driver and bahay naming dahil palagi akong sumasakay ng tricycle pauwi.

Pinaandar na nito ang sasakyan at saka nagdrive paalis. Nang makalagpas kami sa kanila ay pinalayo ko muna ng konti ang tricycle na sinasakyan ko bago tumingin sa kanila.

Nakita kong nakatingin sakin si Kuya Dreinuel nang nakangisi. Agad akong tumingin sa harap at napahilamos ng mukha. Nakakahiya!

------

Choose My Heart InsteadWhere stories live. Discover now