Random Strangers 2

52 2 1
                                    

"Huy, anong aawitin mo?"

Nilingon ko ang seatmate ko na may hawak na kuwaderno. Tutok siya dun habang nag mememorize ng lyrics.

"Ikaw, anong aawitin mo?" tanong ko pabalik sa kanya.

Pinakita niya sakin ang kuwaderno niya na may mga lyrics. Sa mga linya dun ay "Buko" ni jireh lim ang kanyang aawitin.

"Perfect na lang kaya aawitin ko. Ayos ba?"

Tumango siya. Tiningnan ko yung performance ni Thea sa harapan ng classroom. "Can't help falling inlove yung inaawit niya. Nakakamangha nga dahil maganda pala ang boses niya. Taas pa ng confidence niya. Dapat ako din.

Nung natapos siya ay pumalakpak sila. Ako gumiginaw na nababasa na yung kamay ko. Paano kasi--

"Okay, Tai your turn." nakangising sabi sakin ni prof Nelda.

Kinuha ko yung kuwaderno ko tas pumunta sa harapan.

"O sige, light, cam--"

"Teka ma'am, diba pwede mag dala ng copy?"

At dun na ako nagsisi kung bakit ko pa tinanong yun.

"Hindi. Pero kung gusto mo then fine, may bawas ka lang na 30 points." napasimangot ako dun.

"Lights, Camera, Action!" sila

"I found a love

For me

Darling just dive right in

And follow my lead..."

Nakatutok sila sakin na para bang gusto talagang marinig boses ko.

"Hep hep! Lakasan mo! Ulit."

Hinga malalim...

I found a love

For mee

Darling just dive right in..

Napatingin ako sa kaibigan ko sa likuran na attention seeker masyado sakin. May pagayway pa yung kamay niya kaya na distract ako!

"Cause we we're  just kids---"

"Wahahahah!"

"Lol! Bwahahahah!!"

"Pumiyok! Hahahaha!"

Spell, sh*t.

Nakakahiya! Pati si prof napatawa. Lahat sila tumatawa! Mukhang aabot na nga sa kabilang classroom ang tawa nila!

Nag ngiti ngitian nalang ako sa harapan kahit nagmumukha akong tanga. Putspa, nakakahiya!

***

"Huy Tai, perfect ng boses mo. Hahahaha!"

"Tai tai! Cause we we're just kids! Hahah!"

Amputik, ginaya pa pagkamali ko. Tawa nalang ako kahit medyo na-offend ako kahit wala naman dapat ika-offend.

Natapos ang araw na umabot pa sa kabilang section ang nangyari. You know what's worse? Nakita pala yun ng dati kong crush! At buong araw sinasakyan ko pagtawa nila. Kahit na medyo sumobra dahil di talaga sila maka move on.

Ang babaw naman pala nila..

Pagkaabot ko sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto at nahiga sa kama. Napagod yung panga ko sa araw na 'to. At mukhang ang bigat ng katawan ko ngayon.

Ayaw ko isipin ang pangyayari dahil mas lalo lang bibigat ang katawan ko. Kaya nakatulog na ako.

Nagising ako na nakabukas pa ilaw ko. Tahimik din masyado ang bahay. Tiningnan ko ang orasan ko at nakitang 12:58 na.

Bumangon ako at diretso sa kusina. Ang hapdi ng tyan ko!

Mabilis din ang pag nguya ko na para bang di talaga ako nakakain ng isang araw. Kaso nung nagkalaman na tyan ko ay napaisip ako.

'Di man lang nila ako ginising para kumain? So di sila nag aalala sakin?'

Sumapit na ng ala una sa umaga at di ko nalang inubos ang pagkain ko. Tinambak ko nalang sa kusina ang pinagkainan ko at diretso sa kwarto tas napaiyak.

'I don't get it. Ang babaw ko pero ang bigat ng dibdib ko.'

Hinubad ko na ang uniform ko at humiga. Di na ako nagbihis dahil mas kumportable na to.

Kinuha ko ang phone ko at nag fb kahit free data lang.

Alam kong di ako nag iisa. Alam kong madami kami ang nakakaranas neto. Pero di ko gets yung iba. Ba't mag status pa sila na gaya ng kunwari masaya pero ang sakit na. Ano yun, proud sila dahil kailangan yung mga feelings nila ipapalabas sa public through status? O mga attention seeker lang talaga.

'Napakajudgemental ko naman ata.'

Nagbabasa na lang ako ng mga pages hanggang sa inaantok na ko.

***

Kinaumagahan ay nagpa-load ako. Nag unli agad ako tas nag omegle. May nabasa kasi ako sa pages na may kachat siya sa omegle tas pinoy din at nagkainlaban. Pero di love ang hanap ko dito. Kausap.

Kailangan lang daw ilagay ang city mo pero paano?

I tried pero puro mga india ang nakakausap ko.

Stranger: hi m 22

Me: hi f18

Kahit na 17 pa ako, sometimes it's not bad to lie.

Stranger: So u wan sex?

Nanlaki mata ko sa nabasa ko. Anudaw? Kahit na mali yung spelling niya ay naiintindihan ko parin.

"Huy ano yan?" biglang inagaw sakin ng kaibigan ko ang phone. Hinintay ko kung ano ang irereact niya.

Kaso, napangiti siya ng nakakaloko. And that smile means something.

"Huy! Anong irereply mo?"

"Watch.and.Learn"

Siya: But I'm flat

Nanlaki mata ko, "Huy, ang sama mo!"  tinawanan niya lang ako.

Stranger: lol how do u men flat?

Siya: i mean flatchested

Medyo matagal tagal bago magreply yung stranger

Stranger: aww maybe they need someone to suck

Sinuntok ko yung tagiliran niya habang nanlaki mata. Natatawa ako na nadudumihan.

Siya: u want?

Stranger: yes i do so much.

Inagaw ko pabalik sakin ang phone ko tas inend. Siya naman ay tawa ng tawa. Kaloka.

Random StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon