true love waits

353 12 8
                                    

HELLO PO,, SANA MAGUSTUHAN NYO PO ANG ISUSULAT KO..

COPYRIGHT_2014

BY: khieyh17

INTRODUCTION:

DI MADALING UMIBIG, MINSAN MASAYA, KADALASAN MASAKIT. PERO BAKIT NAGMAMAHAL PA RIN TAYO?? DAHIL ALAM NATIN NA ANG TUNAY NA PAG-IBIG KAHIT DI NATIN HINTAYIN O HANAPIN,, KUSANG DUMARATING ;)

ELLA'S PoV

"Akin na sabi yan eh." Asik ko sa kasmeyt kong si Allan, habang pilit kong inaabot ang notebook ko na hawak nya.

"May crush ka kay Ryan? Hahaha, sa tingin mo magugustuhan ka nya?" Sabi nito at tumawa ng malakas.

"Hoy! Allan, tigilan mo nga yan. Ke lalaking tao pumapatol sa babae." Turan ng bagong dating na nagpakaba sakin. Sino pa? Edi si Ryan.

"Alam mo bang may crush si Cinderella sayo?" Tanong ni Allan sa bagong dating,.at mapang-asar pang ngumiti..

Sa sinabi ni Allan ay bigla ang pagkapahiyang naramdaman ko,. Feeling ko umakyat lahat ang dugo ng katawan ko sa mukha ko..nang makuha ko na ang notebook ko ay minabuti ko nang tumakbo palayo. Pero narinig ko pa ang sinabi ni Nicole kay Ryan bago ako tuluyang makalayo,, "what? Did I hear it right? May crush sayo si cinderella?? " Sabi nito, I admit nasaktan ako sa sinabi nya pero binaliwala ko na lang at di na pinansin pa.tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa umabot ako sa banyo. Pumasok ako na hilam sa luha ang mga mata kaya di ko na napansin kong pambabae o panlalaking cr ang napasukan ko.

" Umiiyak ka ba? " Tanong ng pamilyar na tinig sakin.

"Di ah. " Maikli kong sagot habang inaayos ko ang nagusot kong uniform.

" Di daw, eh ano yang tumutulo galing sa mata mo? Pati nga sipon mo eh tumutulo din.. Oh magpunas ka. " Sabi pa nito sabay abot ng panyo nya..

"Salamat." Anas ko nang nakayuko kasi na nagwawala ang mga paru-paru ko sa tiyan.

" You're welcome. Anyway, don't mind what happened earlier ganun lang talaga si Allan, palibhasa anak ng pulis.". Sabi pa nito bago umalis.

Mas lalo akong humanga sa kabaitang ipinakita nya sa akin. Ni hindi ko nga maisip ang dahilan kung bakit nya pa ako sinundan hanggang dito. Naalala ko tuloy kung pano ko sya nakilala.

Grade 4 ako nung una ko syang na meet. Election for student council nun, pumasok ang grupo ng mga kabataan (including Ryan) sa classroom namin. Ryan then, was running for SC President.. At the age of 11 (grade 5), he manage to be a good leader despite of being the youngest among on his group. That only shows how his groupmates trusted him.. Kaya di nakakapagtakang siya ang nanalo for President ng SC.

" Princess Cinderella Rosales. " Untag ni miss Alice Cortez, teacher namin.

" yes miss?. " sagot ko.

" please solve the problem on the board." 

" very good." sabi nito.. buti na lang merunong na ako magsolve ng algebra.

( bell rings ) hudyat na tapos na ang klase sa umaga. -lunch break-

" Cinderella, anak, bakit sira tong bag mo? alam mo namang kapos tayo ngayon di ba? wala pa tayong pambili ng bago. " usisa ni nanay sakin, habang kasalukuyan akong kumakain sa kusina ng school canteen, kung saan ito nagtatrabaho bilang cook,.

" kasi naman Meriam, sa dami ba naman ng dalang gamit ng anak mo, paniguradong di magtatagal ay bibigay agad ang gamit nyang bag. ibili mo na lang ng bago, yung de gulong para naman di na masyadong mahirapan at magkadakuba-kuba yang si Ella kakapasan ng mga gamit nya. "mahabang turan ni aling Azon, kasamahang cook ni nanay sa Theodore's Academy canteen.  

true love waitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon