Pagkaluto ni Nanay ng pansit ay agad akong inutusan ni Tatay na ihatid na ito kay Mrs. Tuazon.
Pagkababang-pagkababa ko pa lang ay agad na akong sinalubong ni Mang Jose, ang hardinero ng mga Tuazon.
" O, Cinderella iha, napasyal ka? Pasok, pasok. " Nakangiting bungad ni Mang Jose.
" Magandang hapon po, Mang Jose. Ibibigay ko lang po sana to kay Mrs. Tuazon. " Sagot ko dito.
" Pasok ka na lang iha. May gagawin pa kasi ako, di na kita ihahatid sa loob, okay lang ba? "
" Sige po, ok lang. "
Papasok na sana ako sa front door ng bahay nila Ryan nang mapansin ko ang malaking asong naka-abang sa may pinto. Nakatingin sakin at animo lalapain ako anumang oras. Dahil sa takot ko, di ko na napigilang tumakbo, at sumigaw.
" Ahhhhhhhh.... Nanay, Nanay. " lumuluhang sigaw ko habang tumatakbo. Naitapon ko pa tuloy ang pansit na dala ko.
Dahil sa ako'y desperado nang makalayo sa malaking aso, ay umakyat ako sa di kataasang puno ng mangga.
" Nanay, Nanay, tulungan nyo po ako. " sigaw ko, habang patuloy na tumutulo ang tubig sa mata ko...
" Derrick, come here. " utos ng boses na nagpatigil sa pagkahol ng aso.
" Anong ginagawa mo dyan? " waaahhh,, si Ryan pala.,, naman ehhh, nakakahiya.
RYAN"S PoV
Nakarinig ako ng sigaw mula sa labas. Dali-dali akong tumakbo sa labas para lang magulat kung kanino galing ang sigaw na narinig ko. Si Ella pala ang tinatahulan ni Derrick at ngayon ay nangunyapit pa sa sanga ng maliit na puno ng mangga. Actually, nakakatawa syang tingnan, pero kawawa at the same time.
Sinaway ko ang aso na patuloy pa rin sa pagkahol at ngayon ay nakatanghod pa kay Ella.
" Anong ginagawa mo dyan? " tanong ko kay Ella.
" Hinabol kasi ako nyang malaking aso nyo eh. " sagot ni Ella na umiiyak pa at halatang takot na takot.
" Bumaba ka na, nasisilipan ka eh. " tinulungan ko syang bumaba.
Pinulot ko ang dala nitong bilao na may lamang pansit. Malamang itinapon nya ito sa pagmamadaling makaiwas sa aso namin.
" Mabuti na lang at maayos ang pagkakabalot nitong dala mo, kung hindi. naku malamang di na natin to mapapakinabangan. " nakangiting sabi ko dito.
" Oo nga eh, salamat pala. " nakayukong sagot nito. Nahihiya.
" Lets get in, para naman makainom ka ng tubig. "i smiled when she looked at me.
Papasok na kami nang salubungin kami ni Manang Adela.
" Ryan, Ella, anong nangyari sayong bata ka.? " nasa tinig nito ang pag-aalala.
" Hinabol po ni Derrieck," sagot ko.
" Takot kasi ako sa aso eh. " sagot naman ni Ella.
" Princess, di naman kasi nangangagat si Derrick . Malamang nakikipaglaro lang sayo yun, pero akala mo kakagatin ka nya kaya ka tumakbo. At dahil sa ginawa mo, hinabol ka nya. " Paliwanag ko dito.
" Oh sya, halika muna sa kusina iha, nang makapagpunas ka ng katawan. Naku ang dungis dungis mo. "
" Sige po. "
Habang papasok sila sa kusina ay hindi ko mapigilang mangiti. Ella is really innocent. She never fail to impress me.
Di ko namalayang nakabalik na pala sya. Kung di pa sya tumikhim, di ko talaga malalaman.
" Ang mama mo pala? " tanong nya sakin.
" Wala eh, pumuntang maynila, kasama ni Dianne. " sagot ko.
" Ay, ibibigay ko sana yang pansit sa kanya eh. "
" Bakit naman? "
" Bilang pasasalamat doon sa ibinigay nyang bag sakin. "
" Ah ganun ba? Wag munang intindihin yun. Sasabihin ko na lang kay Mommy pag-uwi nila. "
" O, sige tutuloy na ako. "
" Wag muna, magkwentuhan muna tayo. "
" Sige, tungkol saan naman? "
" Alam mo para kang si Dianne. "
" Bakit? Di naman kami magkamukha ah, ang ganda ganda kaya nung kapatid mo. "
" Silly. Pareho kayong maganda, ano ba. Pero ang ibig kong sabihin is, you have the same treats.... "
Naputol ang iba ko pang sasabihin ng may dalawang pulis na pumasok, kasama si Mang Jose.
" Ano pong sadya natin? " nagtataka kong tanong sa kanila.
" Ibabalita lang po sana namin na naaksidente ang kotseng sinasakyan ng pamilya mo iho, kasalukuyan silang ginagamot ngayon sa ospital. " sagot ng isang pulis.
" Saang ospital po ba sila dinala? narinig kong tanong ni Manang Adela sa mga pulis. Di ko na nagawang magsalita dahil sa pagkabigla.
Di ko inalam pa ang ibang mga detalye, basta na lang ako tumakbo palabas. Hilam sa luha ang aking mga mata na umalis at nagtatatakbo.
Wala akong ibang gustong gawin kundi puntahan ang aking pamilya.

BINABASA MO ANG
true love waits
Teen FictionI hope you fall in love with someone who always calls you back and never lets you fall asleep making you feel unwanted. I hope you fall in love with someone who holds your hand during the scary parts of horror movies and burns cookies with you while...