7th Smudge

27.1K 361 10
                                    

NAKASANDAL si Berrie sa dibdib ni Nathan na nakapalupot ang mga braso sa baywang niya. Nakaupo sa kama ang lalaki habang nakasandal sa headboard. Pagkatapos nilang "magkalat" sa sofa kanina, lumipat na sila sa kama nito dahil wala nang dahilan para matulog pa sila nang magkahiwalay.

She wore his white polo which was too big for her so she didn't bother to put anything under. Nathan, on the other hand, only had his boxer shorts. Nakabalot naman sila ng makapal na comforter kaya hindi sila nilalamig kahit halos wala silang saplot.

"I was worried about a lot of things before," pagsisimula ng lalaki. "Hindi lang sa trabaho ko bilang instructor. Nagturo lang naman ako para hindi ako ma-bore habang nasa grad school ako. I plan to quit as soon as I finish my master's degree. Saka hindi na rin ako komportable sa career ko bilang instructor sa university dahil karamihan sa mga female and gay student ko, hindi na 'ko iginagalang bilang teacher."

Natawa si Berrie. "I know what you're talking about. Karamihan sa kanila, pino-post ang picture mo sa social media habang pinagnanasaan ka. Nag-viral ka pa nga, 'di ba?"

Hindi siya ganoon. Hindi niya ikinalat ang picture ni Nathan dahil gusto niyang solohin ito. Kaya asar na asar siya nang sumikat ang picture ng former instructor niya noon. Mabuti na lang, mabilis din iyong napalitan ng ibang viral handsome men.

"Exactly," parang frustrated na pagsang-ayon ni Nathan. "Kung gusto kong sumikat, nag-artista sana ako. But I want a quiet life. Medyo hindi ko na nakukuha 'yon dahil sa mga nagkakalat nang picture ko. May mga lumapit na nga sa 'kin noon na media people para ma-interview ako. I turned them down. Ayoko nang maulit 'yon kaya nga nag-alangan ako no'ng lumapit-lapit ka sa 'kin. Alam ko kasi na kung magkakaro'n tayo ng relasyon, posibleng kulitin na naman ako ng kung sino-sino. Kung makakarating sa mga showbiz reporter na ang dine-date ng female actress na si Berrie Diaz ay ang former instructor niya, magiging scandal 'yon. Madadamay pa ang pangalan ng school. You know my father is the chairman of the university so I don't want to give him problems. Lagot ako kay Dad 'pag nagkataon."

"Kaya ba ang balak mo sana, eh, hintayin akong maka-graduate?"

"Oo," sagot nito, pagkatapos, marahang kinagat ang balikat niya. "Sabay kasi tayong ga-graduate this year. Kung natupad sana ang plano, wala tayong magiging problema dahil wala na tayo pareho sa university. Eh, kaso, hindi ka naman makapaghintay. Ilang buwan na lang, o."

Natawa naman si Berrie. "Malay ko ba. Hindi mo naman kasi sinabing hinihintay mo lang palang mawala tayo sa university. Eh, di sana, nagpigil ako."

"Like I said, I didn't want to spoon-feed you. Siguro naging habit ko na rin bilang instructor ang pahirapan ang mga estudyante ko. Kahit 'yong mga former student ko. Kaya nag-expect ako na maiisip mo rin ang dahilan kung bakit lagi kong sinasabing hindi ako pumapatol sa mga estudyante ko." Humigpit ang pagkakayakap ni Nathan sa kanya. "Pero hindi ko naman dapat sa 'yo isisi ang nangyari. Hindi na rin naman ako nakapagpigil. I might have combusted if I chose to be self-righteous until the end."

"Oh, well. Past is past," bale-walang sabi na lang niya. Wala naman na siyang pinagsisisihan dahil nakuha na niya ang lalaki. Sulit na ang pagpapahirap nila sa isa't isa.

Napangiti siya nang may maalala. "Sir, ano nga pala 'yong sinabi mo kanina? You like me a lot?"

"Sa ginawa natin kanina, halata naman siguro 'yon," natatawang sagot ni Nathan. "Hanggang ngayon, gigil na gigil pa rin ako sa 'yo, Berrie. I don't think I can get enough of you and your body."

Biglang nag-freeze ang ngiti ni Berrie. Kung ganoon pala, hindi romantic feelings ang nararamdaman ni Nathan para sa kanya? Excuse the lack of a more proper term pero libog lang ba ang ibig nitong sabihin sa "I like you a lot" nito kanina? Hanggang kama lang ba iyon?

Something Scandalous (R18/SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon