MEGAN.
Kahit kailan talaga. Akala ko matatahimik muna ang buhay ko sa limang araw ko dito. Pero bakit parang umpisa palang ito ng pambubulabog ng isang tao sa buhay ko?
Nagtaka ako kanina nang bigla niya akong tawagin sa pangalan ko. Sino ba naman kasi ang hindi magtataka? Hindi niya ko kilala at lalong hindi ko siya kilala. Pero nang inabot niya sa akin ang name tag ng baggage ko, hindi na ko nagtaka.
Nagpakilala siya bilang si Joel. Pero parang nakakapagduda dahil parang ang bait ng pangalan niya kumpara sa itsura niya. Hindi ko pa man din tuluyang nakakalimutan ang ginawa niyang pangbabastos kanina. Sabi niya hindi niya raw yun sinasadya. At ako pa ang sinisi niya. Grabe! Pero may point siya. Ang bobo ko lang talaga.
Nandito ako ngayon sa kuwarto ko. Matapos ang maghapong paglilibot ko kanina, naisipan kong magrelax muna.
Hinubad ko na ang damit na nakatakip sa aking katawan at humakbang patungong banyo. Binuksan ko ang heater ng bath tub at nagsimulang magbuhos ng body wash. Nang mapuno na ito, agad akong sumampa.
Pinikit ko ang aking mga mata.
Kumusta na kaya si Papa? Alam kong nag-aalaala siya ngayon at kahit noong paalis palang ako. Mahal na mahal ko si Papa. Lumaki ako na walang Nanay. Kwento ni Papa namatay daw si Mama sa isang walang lunas na sakit. Inisip ko na baka katulad ko siya na hindi maintindihan kung ano ba talaga ang meron sakin. Hindi na nagkwento pa si Papa kaya hindi narin ako nagtanong pa.
Kung minsan napag-usapan namin ni Papa na mag-asawa na ulit siya, para kapag nawala ako, may mag-aalaga sa kaniya. Pero bigla lang niya akong sinimangutan. Wag na wag daw akong magsasalita ng mga bagay na hindi pa tapos. Pero ano ang magagawa ko? Limang araw nalang at matatapos na ang buhay ko.
Ay. Hinde. Mag-aapat na araw nalang pala. Ang bilis pala ng oras.
---
Matapos magbihis, lumabas ako ng hotel para kumain. Gusto ko kasing kumilos-kilos para naman hindi ko masyadong maisip kung ilang araw nalang ang nalalabi ko. Dati nasanay ako sa paghahatid sa akin ng pagkain ni Papa, pero ngayong wala siya sa tabi ko, ako ang kikilos para sa sarili ko.
Pumunta ako sa isang Filipino Restaurant hindi kalayuan sa Hotel. Namimiss ko na kasi ang mga lutong bahay. Bago kasi ako pumunta dito, nagstay ako ng ilang araw sa Hospital sa Pilipinas kaya hindi ako nakakatikim ng mga lutong bahay.
Teka. Mukhang umaayos ang pagnanarate ko ah. Di tulad sa unang kabanata. Naks Meg! Level up talaga.
Umupo ako sa isang sulok katabi ng bintana. Ewan ko ba kung bakit ang hilig hilig kong maupo sa tabi ng bintana.
Lumapit agad sa akin ang waiter at bumati ng "Magandang Gabi po". Ang cute naman dito. Pinoy na pinoy talaga ang dating. Lalo ko tuloy namiss ang Pilipinas.
Umorder ako ng Bulalo at Pritong Adobo. Ito kasi ang mga paborito kong ulam. Ilang minuto pagkatapos umalis ng waiter, biglang may umupo sa harapan ko.
"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya. Sinusundan niya ba ako? Una kasi, sinundan niya ako sa Hotel. Tapos ngayon, heto na naman siya. Pero wag ka ng magtanong Meg, baka isipin ng lalaking yan, asyumera ka.
"Masama ba?" Sagot niya sa akin.
"May sinabi ba ko? Ang daming table dun, bakit nandito ka?" Inis na sagot ko sa kaniya. Hindi na sana ako maiinis sa kaniya kung hindi lang siya ganyan makipag-usap. Pero dahil ayokong masayang ang panahon ko sa kaniya, hahayaan ko na lang siya.
"Nevermind" Pahabol ko.
Nang dumating na ang order ko. Nagsimula na akong kumain.
Habang sumusubo, naaaninag ko ang pagtitig sa akin ni Joel. Medyo naiirita tuloy ako. Di kasi ako sanay na may nakatitig sa akin habang kumakain.
BINABASA MO ANG
FIVE DAYS LEFT
RomanceLimang araw nalang ang taning ng buhay ni Kath, pero mas naisip niyang lumayo sa kaniyang mga minamahal upang mag-isa niyang harapin ang hirap na kaniyang daranasin. Paano kung sa paglayo niya ay muli siyang makahanap ng bagong minamahal? Paano kung...