CHAPTER II

1 0 0
                                    

      Napasigaw ako ng sobrang lakas nang makita kong gumwapo si Mark overnight. Napasigaw din siya.

     "Where's Mark and who the hell are you?!" Sabi ko parin ng pasigaw.

   "First off, STOP SHOUTING! Second, who the hell is Mark? And third, I'm Daniel. And you are?" Sabi niya habang nakangiti yung mga abs niya sakin—este yung mga labi niya pala. Bakit ba to naka top-less? Wag po marupok ako!!!

   "Bakit ka nandito? Hindi, bakit ako nandito?!" Tanong ko sa kanya at umupo muna sa tapat ng counter para mahimasmasan.

   "I don't know about you, pero condo ko 'to. You came here last night and I thought you were my girlfriend. At kanina ko lang nalaman na ibang tao ka pala pagkagising ko. So I thought you could use some food so I prepared." OH MY GOD! Yun nalang ang masasabi ko. So kung inakala niyang girlfriend niya ako, may nangyari nga samin kagabi. WAAHHH!!! Anong gagawin ko. Ok, calm down girl, isipin mo nalang walang nangyari and forget about this hot guy in front of you.

   "So asan siya?" Tanong ko, at inayos ko yung sarili ko. "She's suppose to come but she didn't. Kaya inisip ko God must've found a way and sent you instead." Sabi niya sabay kain ng bacon at ngumiti ng nakakaloko. Ok, masyado na tong nakakahiya, kaylangan ko nang umuwi at masakit na din ang puson ko.

     Paalis na sana ako ng pumalakpak siya at, "Wow! You're really good at this huh. So, you do this a lot?" Uminit yung ulo ko kaya nilapitan ko siya, "Kung sino ka man...Daniel! Una sa lahat, maling pinto yung napasukan ko! Pangalawa, lasing ako kaya hindi ko alam kung anong ginawa ko! Pangatlo, hindi ka ganun kagaling!" Sabi ko sabay victorious walk palabas ng condo niya.

    Yung totoo, wala na talaga ako sa sarili ko kagabi. Hindi ko na talaga alam kung anong ginagawa ko kaya hindi ko alam kung may nangyari ba samin o wala. Pero nakangiti akong lumabas ng condo niya na akala mo nanalo ako sa lotto.

Third Person's POV

      Habang nagwowalk of shame si Maria palabas na nga ng condo, pinagtitinginan siya ng mga tao sa paligid niya. Naisip niya kung nahalata din ba ng mga tao yung ginawa niyang krimen. Maging sa elevator ay pinagbubulungan at pinagtatawanan siya ng mga tao sa likod niya. Anong problema ng mga 'to. Sabi niya sa isip niya.

     Pagdating ng lobby ay may bigla nalang humatak sa kanya galing sa likod at nilagyan siya nito ng sweater sa bewang. "Anong ginagawa mo?" Sabi niya pa sa lalaki na si Daniel pala. "May dugo ka." Sabi nito sa kanya sabay tingin naman siya sa pwet niya banda, at may dugo nga ang dress niya na puti pa man din.

     Bumalik kami sa condo niya at nagcr ako, dahil may period pala ako ngayon. Shit, shit shit! Kaya pala sila tumatawa, mga walang hiya. Wala akong dalang pad, great! "Ahm...kyah! Pwede bang..." sigaw ko para marinig niya sa labas ng cr. "What? Tampons?" Sagot niya naman. Wow, alam niya yon? Maya maya pa kumatok siya at binuksan ko naman, at iniabot niya sakin ang isang pack ng napkin. Teka, bakit may ganto siya sa loob ng condo niya? Hindi naman siya lumabas. May girlfriend nga pala siya.

     Bakit ba kaylangang mangyari sakin ang sunod-sunod na kamalasan na 'to. [face palm]

     "You bled. Did I do you that hard? Hahaha!" Sabi niya out of the blue. Pinapainit ng lalaking 'to yung dugo ko. Mamaya ka sakin paglabas ko dito.

     Binuksan ko yung pinto at sinikmuraan siya. Napabaluktot naman siya sa sahig habang hawak yung tiyan niya. At damit naman ang hawak ng isang kamay niya. "Oh wow, thanks!" Sabi ko sabay kuha nung damit, may utak naman pala siya. "Ganyan ka ba magpasalamat sa taong nagligtas sayo from humiliation?" Sabi niya pero this time nakatayo na siya.

     "Less talk, less injury." Sabi ko at pasok ulit ng cr para magbihis. Paglabas ko, kinuha ko na yung gamit ko at aalis na sana nang makita ko kung gaano kalakas ang ulan sa labas. Wait, may sumpa ba tong lalaking to. "Susundan mo ba ulit ako?" Sabi ko sa kanya nung akmang lalabas din siya ng pinto. "Hahaha, wow. You sure are delusional." Sabay nauna siya sakin maglakad. Wow! You sure knows a lot of words other than wow! Pag gaya ko pa sa kanya sa isip ko.

     Nakatingin lang ako sa kanya habang sinusundan siya. He's quite tall, handsome and he seem like the momma's boy type. Naalala ko tuloy lahat ng nangyari kagabi, kung paano ko siya hinalikan, kung paano siya nagrespond habang inaalalayan niya ko humiga sa kama at inimagine ko nalang ang mga susunod na nangyari, habang di ko napapansin nakangiti na pala ako sa kilig habang nakatingin siya sakin ng ("Okay ka lang?") look. Kaming dalawa lang sa elevator at di siya sumabay sakin bumaba sa ground floor, baka may sasakyan siya sa basement, I assumed.

    Pagbaba ko naghintay ako ng taxi, at saktong pagkaway ko dun sa parating na sasakyan biglang may humablot ng bag ko. "MAGNANAKAW!!! AHHH!!!" Sigaw ko at hinabol ko yung motor nung humablot ng bag ko, pero hiningal din ako agad at nabali pa yung heels ng sapatos ko. Kung bakit naman kasi napakalayo ng pinaghintayan ko ng taxi sa may mga gwardiya.

     This time hindi ko na napigilang umiyak. Hindi ko alam kung bakit, pero parang nagpatong patong lahat ng problema ko. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa.  Umupo ako sa tabi ng kalsada habang suot ko yung dress na pinahiram nung Daniel sakin, hindi ko alam kung san niya to kinuha pero napangiti ako, at naisip ko na may mabuti rin palang nangyari sakin ngayong araw. Napatawa nalang ako habang lumuluha parin, pinagtitinginan na ako, dahil para naman talaga akong praning na tumatawa habang lumuluha. "Lord! Bakit ba ganito?!" Sigaw ko habang umuulan pa. "Bakit kaylangan mangyari to?!" Sigaw ko parin, ubos na lahat ng pasensyang natitira sakin.

      "Hey! Want a ride?" Sigaw ng isang nakamotor sakin, siya na naman. Panira naman to ng eksena! "Ohsige na nga!" Tapos iika-ika akong lumapit sa kanya, binigyan niya ko ng helmet at sumakay na sa motor niya. "Wala ka bang kotse! O payong manlang?!" Kung bakit naman kasi motor ang lumabas kung kaylan umuulan.

   "Poor snatcher." Sabi niya at pinaandar na yung motor, basang basa na kami. "Huh? Nakita mo pala hindi mo manlang hinabol!" Inis na sabi ko sa kanya.

    "Don't worry! Wala namang laman yung bag mo maliban sa lumang phone at cheap na make up." Sabi niya sakin sabay bahagyang tumawa. "Pano mo nalaman?!" At hinigpitan ko yung yakap ko sa kanya. "I was trying to check your identity this morning so I invaded your bag, and found nothing." Sigaw niya para marinig ko siya, dahil nakahelmet nga kami pareho.

     Lalong humihigpit yung kapit ko sa leather jacket niya dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya, hanggang sa nafeel ko na yung abs niya, hihihi. "Hinihipuan mo ba ko?" At bigla akong nagulat sa tanong niya kaya hinampas ko nalang siya ng pabiro. Ang sarap niya—este, ang bango at ang init ng katawan niya, pero linuwagan ko yung pagkakayakap ko sa kanya para hindi niya isiping touchy-feeling na ko.

       Sinabi ko kung saan drop off ko at hinatid niya naman ako. "Thanks—", magsasalita palang sana ako pagbaba ko ng... "You owe me quite a lot today! Pero sabagay, it's all worth it last night. And please, don't surprise me again like that the next time you ever wanna hook up." Sabi niya sabay alis nang hindi ko manlang nasasabi yung comeback ko. Kaya naibato ko sa dereksyon niya yung kabiyak ng sapatos ko sa sobrang inis.

    "Argghhhh!!! Bwiset! Akala ko pa naman iba ka!" Sigaw ko.

Why do I know that? It's because, knowing people is a part of what I do for a living, duh! And the way he's acting right now, he don't seem like he has girlfriend. He doesn't look guilty yet he don't look like the cheater type of guy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Game ChangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon