CHAPTER IV

0 0 0
                                    


Pagkatapos ko paluhain ang isang lalake na naman ay dumeretso na ako sa school matapos magbihis ng disguise. Actually, sa tinagal-tagal sakin ng trabaho ko. Hindi ko na alam kung ano talaga yung disguise ko, yung bitchesa type ba na kinababaliwan ng mga lalaki o yung simpleng university girl na nakacap, jeans at maong jacket.

At sa tinagal-tagal ko sa school na 'to, apat na taon to be exact! Ay never ako nagkaroon ng kaibigan o manliligaw manlang. Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa nakaka-intimidate ako o sadyang hindi ko sila hinahayaang mapalapit sakin? One of the reason kung bakit nasanay na ko na kapag problema ko, problema ko lang.

Minsan napapaisip nalang ako na may mga tao palang nageexist nang hindi kayang mag-isa. Samantalang, andito ako. Walang ibang kaylangan sa mundo kundi raket at libro. I'm a strong independent woman, pero pahinging pera.

Habang naglalakad ako sa hallway pagkatapos lahat ng klase ko ay may familiar akong lalakeng nakita, alam ko isa sila sa mga naloko ko. Oo! Hindi lang isa, kundi dalawa. At oo, nasa iisang school lang pala kami, at hindi lang yon. Mukhang magkaibigan pa sila. Saan ako pwedeng magtago? Eh walang ni isang locker or room manlang dito sa corridor. I'm dead! Kaya naman ibinaba ko ang cap ko para hindi nila ako mapansin, pero habang naglalakad ako ay mukhang nagkabanggaan yata kami, dahilan ng pareho kaming natumba. Well hindi ko na sya maalala at wala na kong time alalahanin pa sya kaya pinulot ko agad lahat ng libro ko, sakto namang nakipulot siya at tinanggal niya ang cap ko. "Wait, Britt? Is that you?" Umiling naman ako pilit na kinuha yung cap ko mula sa kanya. "You guys know each other?" Sabi naman nung isa. "Hahaha, this is just great. Coz I'll never forget this girl. Sinaktan at pinahiya niya ko sa maraming tao dude." Sabi nung isang tumatawa pa. "That's exactly what she did to me as well." Sabay hinila nung isa yung kwelyo ng maong jacket ko papalabas ng campus, sakto namang labasan na kaya parang walang nakakapansin samin. OMG! Lord helllpppp!!! Sabi ko nalang sa isip ko.

Dinala nila ako sa gym at medyo madilim na noon kaya halos wala nang tao. Itinali nila ako sa loob ng cr ng mga lalake habang ngumingisi pa sila pareho. "This is the best revenge for the both of us dude!" At sinimulan na nilang tanggalin ang mga t-shirts at belts nila, maya maya pa lumapit sakin yung isa at sinimulang tanggaling yung jacket ko. Sinubukan kong magpumiglas at kinagat ko pa nga yung kamay niya. "Wala akong ginagawang masama! Ginawa ko lang kung ano ang nararapat sa inyo!" Sabi ko pa. "Well, wala rin kaming gagawing masama at gagawin lang din namin kung ano ang nararapat sayo! Hahaha!" At naghigh-five pa sila.

This time pinunit na nila yung t-shirt ko at pati paa ko ay itinali na nila, sumigaw ako ng malakas kahit na may panyo na yung bibig ko. Hindi ko hahayaang babuyin nila ako. Sumigaw ako ng sumigaw hanggang may sumipa ng cubicle na kinaroroonan namin. Nakatowel lang yung babang part ng katawan niya at halatang bagong paligo siya. "What the hell?" Sabi niya sabay sipa dun sa dalawa, natumba sila pareho sa sahig pero nung tatanggalin niya na yung tali ko, doon ko lang siya nakilala. "Daniel?" At ano namang ginagawa niya dito sa school ko?

"Shut up and follow me." Sabi niya. "Pero pano tong dalawa?" Tanong ko naman dahil baka bigla nila kaming atakihin ulit katulad nung mga nasa action movie. "Don't worry, sinikmuraan ko sila kaya for sure mamaya pa babangon yang mga yan." At inalalayan niya na ko palabas ng cr matapos niyang ibalot sakin yung jacket ko. At nagbihis muna siya sa locker dahil nga nakatowel lang siya.

Tumalikod ako nung magbibihis na siya, dahil kahit isang beses hindi ko nakitang tumingin siya sa dibdib ko although simula nung dumating siya nakabra nalang ako.

The Game ChangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon