makakalimutan ba kitang bigyan?" tumawa sya
Its good to see him laugh. Nabawasan kahit papano ang guilt na nararamdaman
ko. Pero alam ko na nasasaktan parin sya ngayon. At nasasaktan din ako dahil alam
ko kung bakit sya nasasaktan. Isa syang mabuting kaibigan pero ako, hindi ako
naging mabuti para sa kanya. Ang gulo.
"Uy Sammy! Bakit ka nasa labas?" biglang lumabas ng gate si Maggie
"Ehh..."
"Hi JG! Nandito ka din pala? Kyaaah!"
"Hi," awkward na ngumiti si JG kay Maggie
"KYAAH! Ang gwapo mo sa personal! Baka gusto mo munang pumasok? Nag-bake
ako ng cookies!"
"Pasensya na pero kailangan ko na kasing umuwi. Siguro sa susunod nalang,
maraming salamat sa imbitasyon," pormal na sagot ni JG. "Sam, sa susunod nalang
ulit. Bye."
Umalis na sya.
"Absent?!"
- 263 -
"Oo"
"Bakit daw?!"
"Kailangan daw nyang bantayan ang pinsan nya."
"ANO?! AT NI HINDI MAN LANG NYA AKO TINAWAGAN?!!"
"Hwag kang masyadong sumigaw Sam at pwede mo na ba ako bitawan? Ginugusot
mo ang uniform ko eh."
-__-+ Nasa hallway kami ni Red. Lunch time. At ngayon ko lang nalaman na hindi
pala papasok si Top. Akala ko na-late lang sya at papasok sa hapon pero...
Binitawan ko ang kwelyo ng uniform ni Red. Nakakainis! Ni hindi man lang
nagsabi ang lalaking yon na hindi pala sya papasok? Grabe, nakakaasar! Kanina ko
pa sya hinihintay eh! Anong klase ng boyfriend yan? Ni hindi nag-paalam sakin!
-__-++
"Seriously Sam, pano ka natatagalan ni Top? Kawawa naman yung kaibigan ko,
napakabayolente mo pala," =__=
"Shut up!"
"Namimiss mo na sya kagad?"
"Tumahimik ka sabi eh! Grr! Asar!" sinipa ko yung pader
May mga lalaking napatingin sakin.
"Anong tinitingin tingin nyo dyan ha?!"
Bigla silang umiwas at lumayo.
"Sa tingin ko nahahawa ka na kay Top..."
"Nasan ba kasi sya?!"
"Malay ko," nag-shrug sya
"Hindi nya sinasagot ang tawag ko!" tinignan ko yung cellphone ko. No text. No
call.
- 264 -
"Sam huminahon ka nga"
"I cant! Ngayon lang nya ginawa to sakin! Pano kung may nangyaring masama sa
kanya? Pano kung naglalakad sya at bigla syang nahulog sa manhole at na-stuck sya
don? O kaya tinamaan sya ng lumilipad na bagay sa ulo at nagka-amnesia? O