POEM

905 6 0
                                    

ILANG BUWAN NA ANG LUMIPAS

Ilang buwan na ang lumipas,
pero sa puso pangalan mo'y di pa rin kumukupas.
Sa isip ay di mawala at matibay na nakatatak.
Kasama ng mga alaala nating ako na lang ang nakaka alam.

Mahal, ilang buwan na ang lumipas.
Ang mga mata'y nakatitig lamang sa pagitan ng langit at dagat.
Iniisip na kung hindi sana tayo magkalayo,
baka nasalba pa natin ang relasyong nalulunod sa karagatang ito.

Ilang buwan na ang lumipas,
pero bakit patuloy pa ring hinahanap ang pag-ibig mong kumupas.
Sana nabigyan man lang tayo ng oras na magkatapat,
sa kabila ng distansya nating agwat.

Nandiyan ka nandito ako sa kabila.
Tila tayong isang guhit lamang na ayaw pagtagpuin ng tadhana.
Nagkulang ako ng tiwala sa iyo alam ko.
Pasensiya na hindi ko kinaya ang pagsubok na ito, ikaw ay malayo.

Ilang buwan na ang lumipas.
Kamusta ka na mahal?
Naalala mo pa ba ako?
Ako na ang babaeng nagkulang ng tiwala sayo pero minahal ka ng husto.

Mahal, alam mo bang miss na miss na kita.
Nagkwento sakin yung pinsan ko,
pinakita niya sakin yung huling habilin ng lalaking mahal niya.
Mahal, naluha ako dahil naalala kita.

Yung mga habilin mo sakin bago ka umalis.
Na wag ako magpapagutom kasi nga nakakaligtaan ko kumain.
Na sabi mo maganda ako kasi sinasabi kong ang panget ko.
Na sabi mo mag-aaral akong mabuti.
Kaya kong maghintay kahit hating gabi mahal, makausap ka lang gaya ng dati.

Alam mo ba pinapakinggan ko pa rin yung mga kanta mo sakin.
Pilit akong ngumingiti at sinasabayan ang bawat linya ng kanta.
Pikit mata at sinasapuso ang hatid ng bawat linya.
Mahal miss na miss na miss na kita.

Tumayo ako sa kinauupuan ko.
Kinuha ko yung dala dala kong libro.
Tinignan muli ang mga pahinang nakulayan,
at ibinaling ko sa kabilang pahinang hindi nabigyan ng buhay.
Pinilit mang ayusin ang ilang gusot,
mahirap na dahil sa naghalong luha at problemang di ma ayos ayos.
At dun mahal, dun na din tayo nagtapos.
Nagtapos tayo kasama ng mga pangakong binitawan
sa mundong iilan lamang ang nakaka alam.

Pero bakit di ka parin makalimutan.
Kahit ilang buwan na ang lumipas.
Kahit siguro nakalimutan mo na ako.
Kahit siguro may iba ng nagmamay-ari ng puso mo.
Kahit wala ng tayo.

BY: YNNA GRANDEUR

RPW FILESWhere stories live. Discover now