-Taehyung-
Nasa bahay ako at paalis na, pupunta ako kina Nikki. Gusto kong ibigay sakanya tong nabili kong lightstick, fan kasi yun ng kpop eh nabalitaan ko na pinagiipunan nya yunv army bomb kaya binili ko nalang para may pag asa ako pagkatapos kong mag ayos kinuha ko na yung paper bag at nakita ko sa tabi nun yung letter na galing kay Jennilyn bakit ako ang nagustuhan nya? Marami naman diyang iba eh bat ako? Si Nikki lang naman gusto ko lumabas na ako ng bahay na bitbit yung paper bag at dadaan muna ako sa bahay nina Eunwoo kasi nandun daw yung iba, Nag drive na ako papunta kina Eunwoo at pagdating ko nandun na nga ang iba
"Bakit?" tanong ko agad sakanila pagkakita ko
"Anung bakit?" Jimin
"Bakit nyo ko pinapunta dito? May pupuntahan pa ako eh" at tinignan ko relo ko hapon na pagabi na
"Wala lang tsaka san ba ang punta mo at nagmamadali ka?" Eunwoo
"Kina Nikki" nagulat naman sila at napatingin saken tapos nakita kong tumayo si Jihoon
"Oh Ji, san ka pupunta?" tanong ni Soonyoung sakanya bigla bigla kasing tumatayo
"Jan lang sa labas" diretso lang at tingin nya at naglakad na uli
"Anyare kay Ji?" tanong ni Jungkook, nagitla naman kami ng biglang tumawa si Soonyoung
"Hahahaha nagselos yun pre" nagselos? Bakit?
Hindi kaya.......
"Nagselos?"
"Oo may gusto yun kay Nikki eh hahaha" so karibal kami
"May the best man win hahaha"sabi ni Sehun
"Sige na alis na ko pagabi na eh" lumakad na ako pero tinatawag padin nila ako pero di ko sila nilingon bahala sila jan basta gagawin ko gusto ko
Nagdrive na ako papunta kina Nikki at nung nakadating na ako bumaba na ako, isang hakbang palang ng tawagin ako ni Akia
Pagkakita nya sakin nagtanong sya kaya sinagot ko naman tapos sumunod ako sa paglalakad at nakadating na kmi sa pinto ng apartment tinawag naman nya si Nikki pagbukas nya ng pinto at ayun sya nanonood ng tv lumingon naman sya at binati ako shettttt yoko na eto na papalapit na sya kinakabahan ako.. Anung gagawin ko! Anung sasabihin taena di ko to pinaghandaan eh dire diretso ako
"Sige maiwan ko muna kayo jan" sabi ni Akia tapos umalis na sya, kami nalang dalawa ni Nikki ang nandito pero walang nag iimikan samin
Awkward.....
"Ahhhh" pagbasag ni Nikki sa katahimikan "Bakit ka nga pala nandito?" napakamot naman ako sa ulo ko at napatingin sakanya pero agad din akong umiwas kasi titig na titig sya sakin
"G-gusto ko lang sana sayo ibigay to ng personal"inabot ko sakanya ang paper bag kinuha naman nya
"Salamat" sabay ngiti niya
Letcheee! Ngumiti sya saken!!!
Ang bilis ng tibok ng puso ko! Wooooh! Mame!!!
"B-buksan mo na" pagkasabi ko nun binuksan naman nya at napatakip sya sa bibig nya at lumawak ang ngiti at nagtatatalon sya
"Waaaaahhhh! Army bomb!! Waaaah OMGGGG!!!! Kamsahamnida!" niyakap naman nya yun at maluha luha syang tumingin saken "S-salamat"
"Welcome, para sayo kahit ano" pagkasabi ko napatingin sya saakin at napataas ang isang kilay pero nginitian ko nalang siya at ginulo ang buhok "Sige na alis na ko" aalis na sana ako kaso bigla nyang hinigit braso ko at pagharap ko......niyakap nya ko.....
Dug dug dug
Ambilis ng tibok ng puso ko di ako makagalaw sa kinatatayuan ko sa ginawa nya, Nikki bat mo ko niyakap? Lalo akong nahuhulog sayo