025

586 48 38
                                        

Naglog-out na kaagad si Jihoon pagkatapos niyang isend ang message niya kay Seungcheol. Aaminin niya, medyo nasaktan siya sa hindi pagsagot ni Seungcheol sa tanong niya.

Alam naman niya kasing si Jeonghan ang gusto ng binata pero umasa pa rin siya nang konti na pwedeng magkatotoo yung sinabi ni Wonwoo sa kanya.

He likes Seungcheol. Yun ang totoo. Sa sobrang in denial niya pati sarili niya hindi alam na si Seungcheol pala ang gusto niya. Narealise lang niya ito nang sinabi ni Seungcheol na gusto niya si Jeonghan.

He did like Jisoo. Nagustuhan niya talaga si Jisoo pero mas matindi pa rin yung nararamdaman niya para kay Seungcheol. Minsan gusto niya talagang maging si Jeonghan dahil gusto ng mga taong gusto niya ang binata.

Natulog na lang si Jihoon dahil magaala-una na at kailangan pa niyang gumising bago mag 4:30.

Bago siya matulog, inayos niya muna ang mga dadalhin niya. Pati yung regalo niya para kay Seungcheol nilabas na niya para ibibigay na lang niya bukas.

________________________________________

Nagising siya sa tunog ng alarm ng phone niya. Nagulat ito dahil unang beses siyang nagising ng alarm niya. He guessed he really wants to go to home this christmas.

Tumingin siya sa orasan and it's exactly 4 o'clock in the morning at narinig din niyang tumunog ang doorbell sa labas.

It must be Seungcheol hyung, sabi niya sa isip habang naglalakad papunta sa pinto.

Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kanya ang Choi Seungcheol na sobrang lalim ng eyebags at halata mong walang tulog.

"Bakit ganyan ang itsura mo hyung? Hind---" Seungcheol cuts Jihoon.

"Oo ang sagot ko." The older one said.

"Sagot saan?" Jihoon asked the elder with a confused look on his face.

"Sagot dun sa tanong mo kahapon." Seungcheol answered that made Jihoon speechless.

Hindi niya alam kung anong sasabihin niya kaya tumango na lang ito at nagsabi ng okay.

Pumunta naman siya sa kwarto at doon inilabas ang ngiting kanina pa niya tinatago. Nagbihis siya nang mabilisan at kinuha na ang mga gamit niya at regalo para kay Seungcheol.

Binigay na niya ang regalo sa nakatatanda. "Sorry kung yan lang nakayanan ko." sabi ni Jihoon dito. "Okay lang sakin yung kahit ano basta galing sayo." sabi naman nito. Hindi mapigilan ni Jihoon ang ngiti niya pero nakaya naman niyang pigilan.

"Buti naman hyung. Alis na tayo?" tanong nito kay Seungcheol at hawak hawak na ang mga gamit.

"Sige."

Naglakad lang sila hanggang sa marating nila yung sakayan ng bus. Kailangan muna nilang sumakay ng bus bago makarating sa train station.

Wala namag nangyaring kung ano habnag naglalakad sila. Nanatili lang silang tahimik hanggang sa makasakay sila ng bus.

"Wala ka man lang bang sasabihin tungkol dun sa confession ko sayo kanina?" tanong ni Seungcheol nang makaupo sila sa bus.

"Nag-okay naman ako ah. Pero may isa pala akong tanong, bakit mo sinabing si Jeonghan hyung yung gusto mo?" Tanong nito. Yan ang kanina pa niya iniisip.

"Ha, eh kasi you ship us right? So siya yung sinabi kong gusto ko para hindi mo mahalata na ikaw talaga yun." pagpapaliwanag ni Seungcheol sa nakababata.

"Ah ganon ba? Kailan mo pa ako nagustuhan?" tanong ni Jihoon. Nagkaron siya ng lakas ng loob na magtanong kahit na gusto na niyang magpakain sa lupa.

"Ever since i met you. Yung mga panahong bago palang tayong magkaibigan, i like you na." Sabi ni Seungcheol.

Hindi na sumagot si Jihoon pagkatapos non at naging tahimik na ang biyahe nila. Mabilis silang nakarating sa train station dahil wala gaanong mga sasakyan ang dumadaan.

Bumili na ng ticket si Jihoon at sinamahan naman siya ni Seungcheol.

5 minutes na lang bago dumating yung train kaya binigay na ni Seungcheol ang regalo niya para sa nakababata.

"So pano ba yan, bye na. See you next year Jihoon!" Pamamaalam ni Seungcheol.

"See you next year hyung. Thank you sa regalo." sabi rin ni Jihoon sa nakatatanda.

Paalis na sana si Seungcheol nang bigla siyang tawagin ni Jihoon. "Hyung!" Lumingon naman ang binata at kasabay ng paglingon niya ang paglapat ng labi ni Jihoon sa labi niya. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya dahil sa mga nangayayari.

"I like you too hyung." Jihoon said after the kiss and immediately went inside the train.

Seungcheol was left there speechless. Hindi siya mapakaniwala sa nangyari kanina. Sa paghalik ni Jihoon sa labi niya and sa confession din ng binata. But there's one thing that's sure, it was the best christmas gift for Seungcheol.

_________________________________________

merry christmas guys! Since it's christmas naman, i decided na gawing masaya ang jicheol! mabilisang update kaya panget i'm so sorry ;( Hihi

shipper ✩ jicheol (completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon