"WHAT?!" Napalakas ang boses ko nang may makita ako sa script ko.
"What Aria? Your so OA! Alam mo yun?" Napairap nalang ako sa kasama ko na ngayon ay tinataasan ako ng kilay.
"Like duh! It's Romeo and Juliet. Look!" Kinuha ko ang tali ng buhok ko at saka iyon hinayaang ibagsak ang buhok ko. "Okay lang naman na ako si Juliet pero KUNG si Lloyd lang naman si ROMEO. Hell no way!"
Napairap ulit si Lavenia sa harap ko saka may tinuro sa likuran ko. Napataas ako ng kilay ng wala siyang balak magsalita kung ano yung nasa likod ko. Napairap ako sa kanya bago ako tumalikod.
Napanganga ako nang malaman na si Ms. Minchin ay este si Ms. Cultura pala yun. Adviser namin sa theater.
Dahang-dahang naglakad si Miss papunt sakin. Halata mo talagang may awtoridad sa kilos niya. Ang kaninang inis ay napalitan kaagad nang kaba.
"Psh. Aarte pa kasi. Alis nako" bulong ng malanding nasa likod ko.
"May problema ka ba Ms. Gonzalez?" Kita ko ang mata niya sa ilalim ng kanyang eyeglasses. Matang nanlilisik sa inis.
"Wala po, Maam" napayuko ako nang sabihin ko yun. Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil sa inasal ko kanina. Pero siguro naman eh may point din ako kung bakit ayaw ko sa magiging si Romeo.
"Are you sure?" Pangungumbinsi niya. "O baka naman ayaw mong maging si Juliet?" Bigla kong inangat ang ulo ko sa sinabing yun ni Maam. No way!
Napahawak ako ng mahigpit sa kabilang kamay ko. Kung ako tatanungin niyo si Ms. Cultura ang pinakastrit dito kaya ganito nalang ako kung kabahan. Pag nagdesisyon siya eh yun na talaga.
"Maam. Hindi po" Diritsong tingin ko sa mga mata niya.
"Next time pag sumigaw ka wag mong lakasan ha. Get out!" Para naman ako nabunutan ng tinik sa narinig ko. Huminga ako ng malalim habang dali-dali akong naglakad palabas ng empyerno este sa gym pala.
Paglabas ko ay nakita ko si Lavenia na naka cross-arm habang ngingisi ngisi.
Di ko siya pinansin at diritsong naglakad patungong canteen. Ramdam ko ang pagsunod sakin ni Lavenia hanggang sa linya at alam kong nakataas siya ng kilay habang nakasunod sakin. Alam ko na yun kahit di ko siya tingnan. Ewan ko ba mukhang nagka paralayze at kilay niya eh. Lagi nalang nakataas.
Pagkatapos ko mag order ay linapag ko iyon sa table na lagi naming inuupuan.
"Psh! Aarte pa kasi." Parinig ni Lavenia sakin habang nilalapag ang pagkain niya sa mesa namin. Napataas ang kilay ko dahil sa inis atsaka nag cross-arm.
"Ano?!" Napataas ang boses ko dahil sa inis ramdam ko naman na naglingunan ang grupo ng mga lalaki sa kabila kaya napalabas ko ng dila sabay ikot yun sa mga labi ko.
Kaming dalawa sa harapan ko ang hot chix dito kaya alam kong maganda at sexy kami. Pero ang di nila alam ako lang sa amin dalawa ni Lavenia ang virgin. Wahahaha.
"Landiii" maarteng sabi ni Lavenia.
"Mas malandi ka naman kung ikukumpara sayo nuh." Maarteng tawa ko habang taas-kilay na nakatingin sa kanya pero imbis na mainis ay mas lalo siyang natuwa. Ganyan talaga siya. Mas gugustuhin niyang sabihan siya ng malandi kesa sa maganda lang.
Pero alam niyo kung ano ang kinabibiliban ko sa kanya? Yung fighting spirit niya na halos malapit na sa pakapalan ng mukha.
"Hahahahaha" napatawa ako dahil sa iniisip ko. Taka naman siyang napatingin sakin. "Bwahahahaha!"
"W-What's funny?!" Maarte naman niyang sabi habang halatang takot na nakatingin sakin. Alam niyo kung bakit siya natatakot pag tumatawa ako?
Dahil daw dun sa camp namin. Malalim na ang gabi at mahimbing ang tulog ko dahil sa lakas ng hilik ko. Patulog na sana siya ngunit bigla itong nawala nang bigla akong tumawa.
Ang noong antok ay napalitan ng takot. Kinaumagahan ay namaga ang mata niya dahil hindi na siya matulog. Weirdo nu? Pero ewan ko ba. Bahala siya.
"Bakit? Bawal naba tumawa ngayon?!" Napangisi ako sa nanginginig na labi ni Lavenia. Oh diba takot siya? Kaya nga gusto ko magtanong pa tungkol sa gabi yun pero di ko magawa kasi alam kong natatakot siya pero ang alam ko..
I'm the winner now. Napikon ko siya. Hahahahaha!
Nagpatuloy ako sa pagkain ko at nang makarecover siya ay sumunod kaagad siya sakin. Maganda na sana ang araw ko nang makita ko si Lloyd at sa tingin ko ay papunta siya sa pwesto ko."Hi, Juliet." Sabi niya habang ngumingisi na parang pinipikon ako. Isa-isa niyang nilapag ang mga order niya sa table namin.
"Opps! Paupo." Sabi niya na parang may hinahanap sa mesa. "Ay walang pangalan mo. No need to ask permission."
Nanlilisik ang mga mata kong tinitingnan siya. Ang hambog talaga niya. Magsasalita na sana ako pero nagulat ako nang biglang hinampas ng malakas ni Lavenia ang mesa. Alam kong nagsisitinginan ang lahat ng nasa canteen dahil sa lakas na yun.
"LAYAS!" sigaw ni Lavenia sa mukha ni Lloyd. Napangisi nalang ako dahil sa ginawa niya. Kahit maldita siya ay alam kong mabait si Lavenia pagdating sakin.
Napatingin ako kang Lloyd na nakangisi parin hanggang ngayon.
"Ay! Nandiyan ka pala?" Sabi ni Lloyd kang Lavenia na parang ngayon niya lang 'to napansin.
"Ay?! Bulag ka?" Taas-kilay na sabi ni Lavenia.
"Hindi." Sabi niya sabay lingon sakin atsaka binalik ang tingin kang Lavenia "Kaya nga di ko nakita yung pangalan niyo sa mesa eh. Pinapalayas niyo pa 'ko." Sabi niya habang nagaarte na parang nasasaktan siya.
Nakangisi parin ako habang inalis ni Lavenia ang mga pagkain niya at nilagay sa isang sulok ng mesa namin. May tinuro si Lavenia sa parteng yun. At alam ko kung ano yun.
"PRIVATE-PROPERTY-OF-LAVENIA-DELACRUZ-AND-ARIA LYN-GONZALEZ" Madiin na sabi ni Lavenia sa mukha ni Lloyd. Halatang gulat si Lloyd sa nakita niya. Bago pa siya makarecover ay biglang inuntog ni Lavenia ang mukha ni Lloyd papunta sa bandang yun atsaka kami umalis dalawa sa lugar na 'yon.
BINABASA MO ANG
Forgetting Limits
Teen FictionAre you willing to love even you know that it is forbidden?