"If I profane with my unworthiest hand---" pakita niya sa kamay niya na tiningnan ko lang saglit atsaka siya tiningnan sa mukha nang seryoso ngunit nakangiti parin.
"This holy shrine, the gentle fine is this: My lips, two blushing pilgrims, ready stand To smooth that rough touch with a tender kiss." Pagpapatuloy niya. Kahit inis na inis ako nito ay kailangan ko paring magfocus sa pagaacting ko.
Andito kami ngayon sa gym at nagpapractice ng play. Ako, si Lavenia na nasa harap ng stage kasama si Ms. Cultura at ng iba pang kasamahan namin. Kami lang dalawa ni Lloyd sa stage na 'to kaya kahit nakakainis ang pagmumukha niya ay kailangan ko paring mag-focus sa play
No. 1 kapag nag aacting ka ay kailangan bantayan mo ang facial expression mo dahil kahit pag-angat lang ng kilay mo o pag-awang lang ng bibig mo kahit di naman yun dapat ang gawin mo talagang malaki ang epekto sa eksena niyo.
"Good pilgrim, you do wrong your hand too much,--" tumalikod ako sa kanya at dahan-dahang naglakad palayo sa kanya at nagpatuloy. "Which mannerly devotion shows in this; For saints have hands that pilgrims' hands do touch, And palm to palm is holy palmers' kiss."
"Have not saints lips, and holy palmers too?" aniya ni Lloyd na kinagugulat ko. Humarap ako sa kanya at naglakad pabalik sa kanya na ngayon ay nakangisi na.
"Ay, pilgrim, lips that they must u---use" Tinititigan ako 'yun nang mabuti. At nang matuklasan ko kung ano 'yun ay bigla nalang ako nanghina at di ko na alam ang sunod na nangyari.
°°°°°
Pagmulat ng mata ko ay agad ko nakita si Lavenia. Tiningnan ko ang kabuoan ng di pamilyar sakin na kwarto at napagalaman ko na nasa clinic pala kami. First time ko kaya di ako pamilyar.Bigla lumapit sakin si Lavenia na parang iiyak na atsaka biglang inangat ang kamay niya sa ere atsaka nginuso ito.
Tiningnan ko naman ang kamay niya. "Ilan to?"
Sinipa ko naman siya dahil dun.
"Baliw. Di ako bulag." Sabi ko saka umupo sa mula sa pagkakahig ko."Nakuuu nakuuu!" Pagpipigil niya sakin habang akto akong pahigain pabalik pero pinigilan ko siya. "Bawal ka daw muna gumalaw sabi ng nurse"
"Bakit? Okay lang naman na ako ah?" Pangungumbinsi ko sakanya. Agad naman siya umirap atsaka tumalikod. "Okay! Let's go!" Sabay kuha sa bag niya atsaka naglakad palabas.
Tumayo na rin ako sabay kuha sa bag ko. Di pa ako nakalabas ay ramdam kong may nagmamasid sakin ngunit di ko nalang ito pinansin dahil narin sa gutom.
It's already 3PM at di pa ako nag-lunch. Pumunta muna kami ni Lavenia sa parking lot atsaka hinanap yung sasakyan niya. Wala akong dalang sasakyan eh. Ewan ko ba ni Tita reniregaluhan ako ng sasakyan last birthday ko pero pag 18 ko na daw yun pwede gamitin. Tsk.
And speaking of...
"Lavenia, birthday ko na sa byernes punta ka ha!" Sabi ko habang nagdadrive siya. Yeah! Right! 6 days nalang at birthday ko na and means 6 days nalang at magagamit ko na ang sasakyan ko.
"Okay lang naman pero siguraduhin mong mainit ang gabi kong 'yan ha?"
"Oo na. Landi mo talaga."
"Alright. Thanks." Ngiti niya habang pinaparada na ang sasakyan sa harap ng Yours Restaurant.
Habang kumakain kami ay halata ko ang pagtingin sa bata sa amin. Bawat lingon niya ay may katumbas na ngiti. Nagtaka naman ako aa batang yun kaya lumingon ako sa likod ko pero nakakapagtaka kasi wala namang tao sa banda namin dahil andito kami gilid.
Tiningnan ko ang bata na nakangiti. Nginitian ko din siya kaya lang nagulat ako nang bigla siyang umirap.
Weirdo. Nginitian ko na nga iniripan naman ako samantalang nung tiningnan ko lang siya panay ngiti lang na parang kinikilig. Weird lang ha.
°°°°
Pagpasok ko sa kwarto ko ay kinuha ko kagad yung Pink Diary ko sa closet ko atsaka nagsulat.Dear Diary,
Hayss! Alam mo bang nagising ako sa clinic? Kasi ako hindi ko alam eh. Gusto ko din tanungin si Lavenia pero ewan ko kum bakit parang may nag-udyok sakin na wag na magtanong.Ang weird nuh? Pero ang mahalaga okay lang ako.

BINABASA MO ANG
Forgetting Limits
Teen FictionAre you willing to love even you know that it is forbidden?