CHAPTER 2

486 12 0
                                    

~~>>○●○●<<~~
MY BOYFRIEND IS A KILLER
-WORK WITH A ANGRY DOG
~~>>○●○●<<~~

Mara's POV

May mga dumating na na bumbero at mga pulis. Siyempre in case na magka-sunog dahil sa bomba. May mga lumalabas na ring guests ng hotel.

"Uwi na kaya tayo," aya ni Mamang.

"Mabuti pa nga," sabi ni Ninang. "Tara na sa sasakyan. Hatid ko na kayo," dagdag niya.

Nagpunta kami sa parking ng hotel. Sumakay na kami ng sasakyan at saka umalis.

"Grabe, sino kaya ang may gawa nun noh?" sabi ni Ate Carla.

"Teh, may nakita ako kanina," sabi ko habang tinapik ang hita niya. Katabi ko uli siya at si Yanna ang nasa kanan ko.

"Ano?" tanong ni Yanna.

"May nakita akong lalaki na naka-itim at naka-mask. Sa tingin ko ay 'yun ang may kagagawan nung pasabog kanina," sagot ko.

"Naka-itim kamo na naka-mask? Yun yung nahahagip sa mga CCTV ng Green Village ah," singit ni Ninang na nagd-drive.

"Oo nga po eh. Yun ang naisip ko kanina," sabi ko.

"Grabe naman yang killer na yan. Di lang ang Green Village ang biniktima. Pati ang hotel," singit ni Mamang.

"Kaya kayo, mag-iingat," sabi ni Papang.

"By the way, Mara, hindi ba wala ka pang trabaho?" tanong ni Ninang sa akin.

"Siyempre naman, my. Kaka-graduate pa nga lang eh," sabat ni Yanna.

"Ikaw 'wag mo ko pinopolosopo ha," binaling ko si Yanna at nagmake face sa kaniya at naglagot sign.

"Mara, ang friend kong si Ms. Rosales ay nagh-hanap ng bago niyang executive assistant. And sa description niya, ikaw na ikaw. I recommend you kaya bukas pumunta ka dun sa office nila for interview," saad ni Ninang.

"Nako, salamat naman po Ninang," sabi ko.

"Eh my, bakit di ako ang nirecommend mo?" tanong ni Yanna.

"Ano ka ba? Ang course mo HRM tapos pang executive assistant? Mas malapit si Mara dahil Mass Com siya. Sabi rin sa description na dapat magaling magsalita dahil ikaw din Mara ang magiging spokeperson ni Ms. Rosales," saad ni Ninang.

"Naku, nakakakaba naman po," sabi ko.

"Don't worry, nak. You can do it," cheer sa akin ni Ninang at nag thumbs up.

Nang makarating na kami sa bahay ay hinanap ko ang resumé ko. Naghanap na rin ako ng susuotin ko. Napili ko ay white long sleeves na papatungan ko ng blazer. Sa baba naman ay black pants at magt-two inch black heels ako.

Sana naman ay matanggap ako. Para makatulong na ko kina Mamang at Tatang. Pati na din kay Ate Carla.

Kinabukasan...

It's the day. Lumabas na ako ng bahay. Suot ko na ang damit na kahapon ay nilabas ko. Pumapara na ako ng tricycle.

"Hello, baby!" eto na naman si Isko! Siya ang lalaki na sobrang crush na crush ako. Tagal na niya akong nililigawan. Teenager pa lang kami pero di ko siya sinasagot. Ang totoo ay di ko talaga siya sasagutin. Hindi kasi siya ang ideal ko.

Medyo badboy kasi siya, naninigarilyo, hindi nakapagtapos at higit sa lahat, di pa tuli!

"Sakay ka na," pinapasakay niya ako sa trycicle niya.

My Boyfriend Is A KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon