CHAPTER 8

275 9 0
                                    

~~>>○●○●<<~~
MY BOYFRIEND IS A KILLER
-A DAY WITH HIM
~~>>○●○●<<~~

Mara's POV

"Congratulations, Mara," bati sa akin ng mga ka-office mates ko.

"Salamat," balik ko. Ako kasi ang naka-sungkit ng Employee of the Month.

Hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala na naka-tagal ako ng isang buwan dito sa Rosales' perfumes.

Kasabay kong bumalik si Miss sa office. Naupo siya sa swivel chair niya habang ako ay naupo sa aking table kalapit ng table ni Miss.

Halos dalawang linggo na ng di man lang nagp-pakita sa akin si Valdous. Maging magtext man lang.

Hindi ko alam kung bakit pero simula nung hinatid niya ako sa bahay namin pagkatapos ng date namin ay dun ko siya huling nakita.

Aaminin ko, nalulungkot ako. Pero sino nga ba ako para magmukmok? Ako nga ang employee of the month diba?

Kaya dapat masaya ako! Lalo pa't may bonus na five thousand.

"Mara," tawag sa akin ni Miss. Oh my, ang tono ng boses niya ay parang isang mangkukulam. Nilingon ko siya.

"Yes Miss," tanong ko habang pinipilit na ngumiti.

Sandaling katahimikan ang nanaig bago ito tuluyang basagin ni Miss.

"Congratulations, you did a great job," sabi niya at saka ngumiti sa akin.

"S-salamat po," totoo ba iyon? Binati ako ni Miss? Nitong mga nakaraang araw ay parang di siya nagsusungit. Hmm, nasapian ata yun ng anghel.

Binaling ko na muli ang ginagawa ko sa laptop.

Biglang bumumas ang phone ko na dahilan para lingunin ko ito.

Valdous messaged you...

Nang mabasa ko ang notification ay agad kong kinuha ang phone ko at daling inopen ang text message.

Valdous
Let's meet.

Saan?

Maybe at a place na
malayo sa work.

Saan nga yun?

Diba half day ka ngayon?

Oo.

Pagkalabas mo hanapin
mo ko sa parking.

Hmm, ano kaya ang binabalak nito! Di ko maitago ang ngiti sa aking mga labi. Gusto ko siyang sakalin at sabunutin kasi ngayon lang siya nagparamdam.

Does two weeks enough for that? Para kasing nawala ang puso ko sa loob ng dalawang linggo.

Pero kahit ganon ay nanatili akong nabuhay at hinihintay na ang puso ko ay mapuna muli. At ito na iyon.

Twelve noon na ng makalabas ako. Medyo naw-werduhan din ako kay Miss kasi inaya niya ako na maglunch.

Pero tinggihan ko at dinahilan ko na may kailangan akong puntahan.

My Boyfriend Is A KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon