Epigraph

23 2 0
                                    

        "Hindi talaga ako naniniwala noon pero nakita ko sila! Mga aswang, mga mangkukulam at mangbabarang! Mga nilalang na kinakatakutan at sa siyudad ay siya nang kinalimutan."
         "Sa isang lugar sa Visayas, may babaeng na yanggaw. Nagbago ang kilos at buong pagkatao hanggang sa kumain ng mga hayop, pati na rin ng mga tao. Sa isa namang lugar ay may lalaking araw araw na gumigising na may gumagapang na mga gagamba sa katawan niya. At sa isang sitio, may batang nagsusuka ng damo, napakaraming damo. Napakaraming lagim na sa liblib at tagong lugar lang nangyayari pero wag kang magulat kung isang araw, sa lugar na sa tingin mo ay sigurado at nasa kabihasnan mangyari ang susunod na pag-atake ng mga misteryo at lagim. Wag na wag."

-pahayag galing sa
hindi nagpakilalang tao.
Bayan ng Baliuag
15, Oktubre 2011

Donnie Demakita: Ang Mata ng BukasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon