"Kath!" tawag ni Daniel sakin habang umiiyak?
"Oh? Anong nangyari?" sabi ko sa kanya na may halong pag-aalala nung nakalapit na sya sakin.
"Nag-away na naman k-kami n-ni M-misty." sumbong nya sakin na parang bata habang umiiyak.
Hindi na ako nagulat sa sinabi nya sakin. Wala namang pagbabago eh. Tsaka lang lalapit tong si Daniel sakin pag may problema sila ni Misty. At sobrang sakit nun sa part ko :( Mahal ko sya pero kahit kelan di nya ako magawang mahalin. Walang chance na mahalin nya ako. Kung bakit? Kasi 'unan' lang ako para sa kanya. Unan na palaging iniiyakan. Ang saya diba? *sarcasm*
"Ano na naman ba ang nangyayari sa inyo ngayon?" malumanay kong tanong sa kanya.
"Nakita ko syang may kasama na namang ibang lalaki. I confronted her and she said that it's just her friend." hindi na sya umiiyak ngayon pero kitang-kita ko pa rin sa mga mata nya ang sakit ng mga salitang binibitawan nya. "Alam mo yon? Ang hirap paniwalaan yung sinasabi nya kasi kitang-kita ko mismo yung holding hands nila. Yung mga sweet moments nila." may luha na naman na tumulo galing sa mga mata nya pero agad-agad nya etong pinunasan and mapait na ngumiti. "Pero heto pa rin ako pilit syang pinaniniwalaan. Wala eh, mahal ko sya masyado." dugtong nyang sabi.
Ang sakit. Sobrang sakit na malaman na mahal na mahal nya talaga si Misty. Sa totoo lang parehas kami ng nararamdaman ngayon pero ang pagkakaiba nga lang di nya alam na may dinaramdam din pala akong sakit dito sa puso ko. Nang dahil sa kanila. Nang dahil sa kanya.
"Di ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sayo para mapagaan ang loob mo. Kasi sa totoo lang di ko talaga alam. Pasensya ka na." paghihingi ko ng pasensya kay Daniel.
"No, don't be sorry. Sapat na sakin na andito ka sa tabi ko. Na hinahayaan mo lang akong ilabas tong mga hinanakit ko sa relasyon namin. Salamat." sincere nyang sabi habang nakangiti sakin.
Di ko alam kung anong ire-react ko o sasabihin ko kasi sa totoo lang speechless ako ngayon kasi nginitian nya ako!!! Kasi nginitian ako ng taong mahal ko :) Ang saya ko. Sobra!!
Tipid na lang akong ngumiti kay Daniel kasi wala na akong masabi.
*pagkaraan ng ilang araw*
Nakasalubong ko si Daniel na kasama si Misty at ang saya nila tingnan base sa mga mata nila. Siguro okay na sila *fake smile*
Nung malapit na sila sakin, hindi man lang huminto si Daniel para batiin ako o ano. Nilagpasan lang nila ako. Nilagpasan lang niya ako. Sanay na ako. Ilang beses ko na tong naranasan pero ang sakit pa din pala. Hindi nya ako nakita o napansin man lang. I am just an invisible person to him and it hurts..so much.
*after 1 month*
"Narinig nyo na ba ang latest news?" nasa school ground ako ng time na yan at bigla ko nalang narinig ang sinabi ng schoolmate ko sa barkada nya? I guess?
Gusto ko na sanang umalis pero parang may pumipigil sakin. Parang may dapat akong malaman.
"Bakit? Anong latest news?" singit ko sa usapan nila. Nabigla naman sila sa sinabi ko.
"Omg! Hi Kath. You're like an angel pala talaga in person." nakangiting sabi nung isa.
"No doubt why you are called as the Campus Queen." sabat naman nung isa. Nag-agree naman yung mga kasama nila.
Yes, I'm the Campus Queen. Haha. Nasa akin na 'daw' ang lahat sabi 'nila.' But that's a lie of course, ni hindi nga ako magawang mahalin ng taong mahal ko. Kaya imposible talaga.
"Salamat." I smiled at them. "Pero back to the topic. What's the latest news? Di ko talaga mapigilan na maging curious." sabi ko sa kanila. "Sorry talaga." dugtong ko habang humihingi ng paumanhin.