-8am, Upperlake town, Shin's residence..
Lara:"Good morning! Yaaaaaaawwnnnn..", paguunat nito sabay tayo para gumawa ng maiinit na kape.
Mr. Shin:"O', nagkakape ka nanamng bata ka??, sa lahat ng babaeng nakilala ko, kaw lng alam kong nag-kakape.."
Lara:"Bukod kay mama??", nakangiting sagot nito.
Mr. Shin:"Haha oo."-Bagamat naka-ngite, bakas sa muka ni Lara ang kanyang pangungulila sa kanyang inang yumao at pilit man nya itong itago ay unti-unti paring bumuhos ang luha sa kanyang mga mata.
Lara:"Haha pasensya na po naalala ko lng po bigla si mama."
Mr. Shin: "Anak, patawad.."payukong sabi ng kanyang ama.
Lara:"Haha ano po ba kayo tay, hndi nyo kasalanan ang nangyari kay mama, aksidente lng po ang lahat kaya wag nyo na po sisihin ang sarili nyo.."
Mr. Shin:"Anak, cguro panahon na para malaman mo ang totoo.", nangangambang sagot nito."Hindi aksidente ang pagkabangga ng sinasakyang sasakyan ng iyong ina."malungkot na dagdag nito.-Gulung gulo man at hindi makapaniwala, pabiro prng tinanong ni Lara kung ano talaga ang tunay na sanhi ng pagkamatay ng kanyang ina sa pag-aakalang ito'y nagbibiro lang.
Lara:"Kung ganon po, ano po ang dahilan ng pag-ka bangga ng sasakyan ni mama??"
Mr. Shin:"Kung ano man ang marinig mo sana'y maniwala ka na itoly totoo.
.
.
.
Nung gabing naaksidente ang mama mo nakatanggap ako ng isang mensahe mula sa taong kasama ng mama mo nung gabing matapos ang ang aksidente;"To: Mr. Shin.
Ako po si Ms. Jane, isa po sa katrabahi ni Ms. Loraine Shin. Nais ko pong ipabatid sa inyo na lubos po kaming nakikiramay sa pagkawala ni Ms. Loraine kaya't minabuti narin nmng ipagtapat ang katotohanan sa tunay na nangyari upang malaman nyo ang kadakilaang ginawa ni Ms. Loraine alang alang sa ikaliligtas namin at ang pagmamahal niya sa jnyo at sa inyong anak. Hinihiling ko po na anuman ang inyong mabasa ay inyo pong unawain na ito po ang katotohanan na batid nmn na mahirap paniwalaan--- ang totoo'y kami rn nung una ay hndi makapaniwala. Hanggang kami mismo ang nakasaksi sa pangyayari... Madaling araw noon, kasama namin si Ms. Loraine Shin nang biglang isang napakalaking nilalang na tila isang napakalaking asong lobong may nanlilisik na mga mata ang nakita kong papalapit sa aming tinutuluyan ng bilang ito'y nag anyong tao."
"Ginising ko ang lahat upang makapaghanda at sinabi ko ang tungkol sa aking nakita ngunit walang naniwala maliban kay Ms. Loraine. Shin."
"Matapos ang ilang sandali ay isang sunud-sunod na katok ang narinig namin mula sa pinto ng aming tinutuluyan. Pwersahan nmng ginising muli ang lahat upang makapag-handa at makapagtago habang patuloy ang katok ng misteryosong nilalang na tila nag babadya na upang makapasok."
"Napakabilis ng mga pangyayare ng gabing iyon at matapos noon ay iniabot nya sa akin ang isang kwintas, isang pulang kwintas at sinabing "Pakiusap, pilitin mo itong ibigay sa asawa ko at kah8 anong mangyari ay huwag na huwag mong ipagkakatiwala sa iba. Paki sabi nrn sakanila ng anak ko na mahal na mahal ko silang dalawa at laging magpakatatag kahit wala na ako.." nabigla ako sa kanyang sinabi na tila nagpapaalam na."
"Sa kanyang reaksyon, ay di' alintanang batid nyang sya ang pakay ng nilalang na iyon sakanya at dali daling kinuha ang susi ng sasakyan upang tangkaing ipain ang sarili ng biglang huminto sa pagkatok ang misteryosong nilalang. Dali dali nyang kinuha ang sasakyan mula sa garahe at dalidaling umalis. Ngunit bago ito tuluyang makalayo ay pahabol nitong sinabing "ilalayo ko sya sa inyo at pag nakahanap kayo ng pagkakataon ay umalis na kayo agad dyan!!" na tila alam nyang sya ang pakay ng nilalang na iyon.."
"Kitang kita ng lahat ang pag-habol kay Loraine ng nilalang na iyon sa kanyang sasakyan at kitang-kita ng aming dalawawang mga mata ang biglaang pagbabagong-anyo nito, mula sa pagiging isang tao ay naging isang napakalaking asong lobo na may nanlilisik at pulang mga mata."Lara:"Tay nmn wag nmn po sana kayong magbiro ng ganyan. Hndi na po nakakatuwa."
-Litong lito't hndi makapaniwala sa mga narinig nya si Lara. Pilit man nyang intindihin ngunit, hndi parn makapaniwala sa kanyang mga narinig mula sa kanyang ama.
Mr. Shin:"Nung una'y hndi rn ako makapaniwala ngunit isang araw habang naglalakad ako sa kakahuyan, nakita mismo ng dalawa kong mga mata ang isang napakalaking asong lobo."
"Hinabol nya ako hanggang sa mapadpad ako sa di kalayuang kakahuyan d2 sa Upperlake. Sa laki nya't sa dami ng puno't pasikot-sikot ay inakala kong kaya ko pa syang takasan ngunit, bigla na lamang itong nawala ng parang bula at sa muli kong pagharap mula sa aking kinatatayuan ay bigla-biglang itong napunta sa aking harapan."
"Kitang-kita ng dalawa kong mga mata ang dalawa't nalilisik nitong pulang mga mata at maya-maya ay dali-dali nya akong binalak na atakihin."
"Sa sobrang takot ay unti-unti akong nawalan ng malay, ngunit batid kong isang lalaki ang nagpakita mula sa aking likuran at naging isa ring napakalaking asong lobo na higit na mas malaki kesa sa nauna na tila isang nilalang na nilikha para pumatay sa pula't nagliliyab nitong mga mata. Ngunit, bago ako tuluyang mawalan ng malay, sa huling pagsulyap ko dito ay batid kong ito ang syang tumulong sakin at syang nag-layo sa akin papalayong kakahuyan."
Lara:"Tay, pasensya na po pero sa tingin ko haha kelangan ko na pong mauna sa inyo."
Mr. Shin:"Pasensya na anak kung bigla kung nasabi sayo ang lahat ng iyon. Pero sana maniwala ka na totoo ang lahat ng iyon."
Lara:"Opo tay."Continued..
BINABASA MO ANG
"He's A Wolf??"
Nouvelles-"Pano kung yung taong lihim na nagmamahal sayo e me iba pang lihim?? Pano kung matagpuan mo sya at makilala ng personal at malaman mong hindi pla sya tao? Iiwasan mo ba sya?? O tatanggapin kung sino talaga sya?? Kaya mo pa ba syang mahalin??" "Ta...