A Cliche Ending to a Totally Cliche Love Story

1.9K 69 17
                                    

Leo? Aba't si Leo nga!

Akala ni Car palaboy lang na paikot-ikot doon malapit sa kinatitirikan ng sasakyan nila. Kakatok-katok tapos magsasabi na "Kyah, kyah. Pembarya".

Kaso tisoy saka naka-polo. Gwapong-gwapo. Ang kinis. Parang model. Naka mamahaling watch pa na kumikinang habang nagtatatakbo sa EDSA. Pansinin masyado.

"Teh, stop the car!"

"Gaga lang, beh? Nakatigil nga tayo here saka--who the hell is that?!"

Napatingin din ang Ate Rose niya. Agad na kinuha ang phone at may tinawagan. Di niya alam kung sino kasi mukhang tigalgal din ito. "Ano? Sumunod kayo?! Asan kayo? Ba't nandito si Leo?"

"Car?! Car?! Where are you? Car!"

Kahit na nasaloob sila ng kotse, dinig na dinig niya na sinisigaw ni Leo yung pangalan niya. Lumapit pa nga ito sa isang pulang pick up truck na kamukha nung sasakyan nung tito niya. Kumatok pa at sumilip. Akala siguro andun siya. Tapos tumakbo uli sa paligid. Parang may hinahanap. Parang nawawalang bata.

Sh*t na yan, mukhang tanga!

Hindi na niya nagpatumpik-tumpik pa at lumabas na siya ng kotse. Pinigilan pa nga siya ng ate niya pero wala itong nagawa.

"Leo!"

Bigla naman itong lumingon. Humihingal pa itong tumitig nang ilang segundo, parang naninigurado pa. Tapos biglang ngumiti.

"Babe..."

Ayun na.

Kitang-kita niya ang pagbukas ng langit. Tumutok ang liwanag. Parang may mga anghel siyang nadinig na kumakanta ng Halleluja.

Kumukintab yung makinis na balat nito sa pawis. Tapos bumabakat yung tela ng polo sa katawan dahil basa, nasisinagan na niya yung malapandesal nitong abs.

"Oh my ghad!" Yung panty niya natangalan ata ng garter!

No. Kalma. Carmelita. Kalma.

Tumakbo ito papalapit sa kanya at bigla yumakap. Halos matumba na nga siya, mukhang sabik na sabik. Parang ngayon lang siya nakita.

Oh well. Ngayon lang talaga niya ito nakita uli.

Geh, keri lang siyang mabasa ng pawis nito, kahit maligo pa nga siya. Ang bango-bango parin. Cologne nga talaga nilaklaklak kaya pati pawis ganoon ang amoy.

Kumalas ito at napaluhod sa harap niya. Todo hingal, pulam-pula pa. Pero kahit ganoon di parin binibitiwan ang kamay niya.

"Babe..."

"Leo?"

"Naabutan kita, thank God."

Hala. Magpropropose na ba? Naku siya ready, ano ba ang histura niya? Ah buti nalang naka-dress siya. Naka boots siya ngayon, sana nagheels pala. Maayos naman ang buhok niya kaso wala siyang make up. Gora na. Keri na to!

Asan na ang ring? Asan ang--ah wait--sandali. Na carried away na naman siya.

"Teka, Leo."

Nagtatampo nga pala siya dito. Ngayon lang nagpakita. Di man lang siya dinalaw sa hospital. Tapos sabi ni Buddy, kahit ayaw niya paring maniwala sa loko-lokong yon, may kausap daw na babae bago ito umalis.

"I'm so sorry, babe. So-sorry..." Hingal na hinga parin. Mukhang di naman magproprose talaga. Nagpahinga lang.
Kakainis. Umasa siya.

"Magpapaliwanag ako, please. Listen, babe."

Umirap siya at binawi ang kamay. May karapatan siyang magpabebe. Naalala niya yung stress niya doon sa hospital. Tapos yung baby nila, shet yung baby nila. Tapos di man lang siya naalala? Anak din nito yon. Wala bang pake?

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon