11

1.2K 31 1
                                    

Sam

Saan ba kasi to magpapabili ng damit saakin, nako baka mahal pa ipabili nito, wala pa naman akong masyadong pera na dala.
Bigla siyang lumiko sa Oxygen doon daw siya papabili ng damit. Okay na din yun kasi hindi masyadong mahal dito. Tumigil aiya sa harap ng Mens Area, deritso ang tingin niya sa mga damit na nakalagay sa mga shelf at sa mga naka hang. Bigla akong napatingin sa kamay namin na magkahwak, biglang bumilis ang tibok ng puso ko, parang ang awkward na Kinikilig ako, kasi naman ang gwapo kaya ni Ian tapos matipuno ang katawan. Natauhan ako nang bigla niyang bitawan ang kamay ko at lumapit sa isang damit na naka hang sa harap namin. Nubayan sinira niya pa yung moment ko.

"Ito yung gusto ko" sabi niya habang pinapakita saakin yung T-shirt na mahaba, simply lang ito, kulay grey at may naka lagay na maliit na arrow sa gilid sa may dibdib. Maganda ito at simply lang. Tinignan ko ang presyo nito, okay lang din naman. Hahaha, jusko kailangan ko pa kayang mamili ng kailangan ko.


"Okay, sige, tara na sa counter" sabi ko at sumunod lang siya saakin. Aba mukhang mabilis lang to ah, hindi yata ako mahihirapan sakanya.

Natapos na akong magbayad, aalis na sana ako pero sabi niya hintayin ko daw siyang matapos mag bihis ng damit. Tinanong ko siya kung bakit pero hindi niya ako sinagot, ang sinabi niya lang ay 'Wala kang magagawa'. Kaya wala talaga akong magawa...

Infairness ah ang tagal niya magpalit, eh T-shirt lang naman ang susuotin niya. Ugh. 1 minuto na ang nakalipas at sawakas lumabas na din si Ian, bagay sakanya at suot niyang damit , at saka saktong sakto sa kanya. Ang gwapo niya, ang mga mata niya, damn it he's really handsome i won't deny.

Biglang may lumapit sakanya na sales lady kinausap siya, kaya naman biglang naputol yung pag-nanasa-este pag-iisip ko kung gaano ka WOW si Ian. Epal neto ni Ate eh!

"Hi sir bumili pala kayo dito, wow bagay bagay si inyo sir" narinig kong sabi nung malanding sales lady, at eto namang si Ian pinapatulan pa. May pa ngiti-ngiti pa silang nalalaman. Lumapit ako sakanila at bigla namang napatingin saakin yung malanding babae, nawala yung smile niya at parang nagtataray pa yung mukha saakin. Hmp!  Eh kung ereklamo kitang malandi ka leche!

"Ay! Ano pong kailangan niyo?" tanong niya saakin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ian, ano paghihintayin mo ako tapos makikipag landian ka lang sa babaeng yan, aba hoy! may bibilhin pa po ako!, sinasayang mo oras ko, bwisit" sabi ko at tinignan siya sa mata. Bigla namang sumabat yung malanding gurlalo.

"Miss sino ka ba?" aba feeling neto ah!.

"Hoy!  Wag kang makisabat dito, hindi kita kilala, sino ka ba? Feeling close ka din eh. Bakit dahil gwpao si Ian didikit dikit ka?, excuse me lang miss hah kung pwede bumalik ka don sa lunga mo, bwisit ang landi landi mo!" sabi ko at inirapan siya, aba ano akala niya pwede siyang sumabat sabat, hindi nga namin siya kilala.

"Che!" sabi niya at inirapan ako at tumalikod na. Susugurin ko na sana ang bwisit na babaeng yun pero pinigilan ako ni Ian. Hinawakan na naman niya yun kamay ko at hinila palabas.

"Yaya naman, wag ka nang magselos, sayo parin naman ako uuwi" sabi niya ngumisi. Aba isa din to eh. Pero Dai! Ang gwapo niya talaga syete.

"Anong pinagsasabi mo, naiinip na kaya ako kakahintay sayo tapos makikipag chikahan ka lang don sa babaeng yun, aba ayos ka din eh, sinasayang mo na nga oras ko, feeling ka pa"
Sabi ko aaktong tatalikod na nang pigilan na naman niya ako.

"Look I'm sorry okay, alangan namang hindi ko siya pansinin, that would be rude" sabi niya at hinarap ako sakanya.

"aba buti pa sakanya mabait ka, ini-isip mong nagiging rude ka. Pero sakin ba naisip mo din yan?" tanong ko sakanya. Damn! Ano to nagiging Drama. The hell.

"Oo naman, pero masarap ka lang talagang asarin, HAHAHA" sabi niya saka tumawa ng malakas. Edi Wow okay na eh, tumawa pa siya.

"Ano ba kaasing bibilhin mo?" bigla niyang tanong saakin.


"Ah Foundation at Concealer"
Sabi ko at tumingin sa kanya. Kasluku an kaming naglalakad papunta sa make up section.
Sabi niya kasi sasama siya kasi daw bored siya at walang Magaw, wala din naman akong magawa kung sumama siya sa ayaw at sa gusto ko.

"Teka yan ba yung nilalagay para sa mukha?" tanong niya na ikinatawa ko.

"Oo naman, alangan namang sa paa ilagay yan, ano paa mo yung mag me-make up" sabi ko at tumawa ng malakas. Pano ba naman, para siyang batang walang alam sa mundo.


Nagpout lang siya at Nagpatuloy kami sa paglalakad.
Ang cute niya. May ganito pala siyang side. Nakabot na kami sa MAC, dito ako usually bumibili ng Foundation at Concealer. Maganda kasi ang product nila.


"Paano ba nilalagay yang Concealer?" sabi niya saakin, tatawa na sana ako pero pinigilan ko.



"Nilalagay yan sa ilalim ng mata mo para mawala ang eyebags, sa taas ng ilong at sa baba ng cheekbone mo after mag lagay ng contour" pag eexplain ko. Tumango tango lang siya at nagtingin tingin sa mga lipstick doon. Hahaha. Ang cuye niyang tignan.


Natapos na akong bumili ng kailangan ko. Naglalakad na ulit kami, of course.


"Kain muna tayo nagugutom ako eh, promise libre ko" bigla niyang pag aaya. Gutom nadin ako kaya pumayag ako. Hinila na naman niya ako papasok sa Greenwich.


Ako ang um-order ng pagkain namin at ofcourse it is Pizza.
Tapos na akong ibigay ang order namin kaya bumalik na ako sa table namin. Ang awkward ng feeling ko.


Bigla naman siyang nagsalita.
"Anong oras ka pupunta sa Ball mamaya?" tanong niya kaya tumingin ako sakanya.

"Uhm, siguro 5, para hindi na ako maghintay pa na mag atart ang ball" sabi ko sakanya. Tumango lang siya.

Dumating na yung pagkain namin, at agad na kaming kumain.

Natapos na kaming kumain. Lumabas na kami ng Greenwich.
Naglalakad na kami palabas ihahatid niya daw ako pauwi. At sino naman ako para tumangi. Habang naglalakad kami pinagtitinginan kami ng nadada-anan namin. Kanina pa kami lakad lakad ngayon lang kami pinagtitinginan ah,  ano to artista na agad kami dahil lang sa pag lalakad.

Bigla naman akong inak-bayan ni Ian, at hinila papalapit sakanya. Nakangiti lang siya habang nakatingin sa malayo. Anong meron?

"hoy bitiwan mo nga ako" sabi ko sakanya.

"Wala kang magagawa" -_- yun lang sinabi niya saakin. Wala talaga akong maagawa. Alila ako ng mokong na'to eh.

Sa gitna ng paglalakad namin may matandang couple ang lumapit saamin.

"Ang sweet niya naman iho, dapat palagi kayong ganyan para magtagal ang inyong relasyon" sabi nung matandabg babae tapos nag smile at umalis na sila.

O-O ano daw! Sweet. Bigla ko namang naalala yung arrow sa damit niya tinignan ko yun at ngayon ko lang napansin na may maliliit itong hearts sa gilid. OMG ang tanga ko. Tapos nakaturo pa ito saakin at naka akbay si Ian saakin. God!.

Lumayo ako sakanya at nag simula naman siyang tumawa. Aba gagong to.

"Hoy!--" habang hindi ko siya nasisogawan hinila na naman niya ako palabas at papunta sa sasakyan niya. Ang bilis niya tumakbo.

"Pasok kana" sabi niya at ngumiti. Para namang natunaw ang puso ko sa ngiti niya. Oh My God! Am I attracted to him. OH HELL NO! 

"Hey, you commin'or what?" tanong niya kaya bigla akong natauhan. Pumasok na ako sa loob ng sasakyan at pinaandar na niya ito. Deri-deritso siya papunta sa bahay namin...





*****************************

Next chapter na ang Ball.
I hope you continue to read!
:)


Comment and vote!!!
👇👇👇👉👉👉👇👇👇

I'm Inlove with The Player (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon