Mula sa May-akda

22 1 0
                                    


Disyembre 26 ng madaling araw (hindi ko matukoy ang oras, ngunit alam kong madaling araw na sapagkat ang aking asawa na tig alas 12 na matulg sa pagbabantay ng computer shop ay ilang oras na rin naming katabi ng aming anak), 2017 ng bigla akong magising mula sa isang nakakarimarim na panaginip. Tungkol ito sa isang taong nagngangalang Leo. Masaklap ang sinapit niya at hindi ko lubos-maisip kung bakit ganoon ang aking napanaginipan. akin lamang ipanagdarasal na sana ay hindi ito naganap o nangyari na sa totoong buhay.

Mahirap ikuwento sa pamilya ko ang aking panaginip sapagkat naglalaman ito ng mga maseselang eksena, bukod pa sa kamamatay lamang ng aking biyenang lalaki at sila ay abala sa mga bagay-bagay na hinggil dito. Kaya ginawa ko ang dapat gawin: Ibinahagi ko ito sa Wattpad.

Marahil ay napanaginipan ko ito dahil sa aming usap-usapan na ang isa sa anak ng aming kapitbahay ay nang-rape ng anak ng kanyang asawa. 12 anyos lamang ang bata, at habang ako ay nagpapahilot kagabi ng aking masakit na balikat. ay nabanggit ko kay Aling Daday (na manghihilot ) na natatakot akong magkaroon ng anak na babae dahil sa mga panlalapastangang tulad ng aming napag-usapan. Nabanggit ko rin na kahit paman batang lalaki ay hindi rin ligtas sa pang-aabuso.

Nawa'y kapulutan ng aral ang kuwentong ito, bukod sa dalang hilakbot ay ating maintindihan ang mga struggles na kaharap ng ating mga kapatid na LGBT, na nakaranas ng diskriminasyon, pang-aabuso, atbp., at nawa'y di nila sapitin ang sinapit ni Leo sa panaginip ko.

Disclaimer: Hindi po ako nakaranas ng sekswal na pang-aabuso, at hindi rin po ako miyembro ng LGBT, ngunit lubusan ko pong pinaniniwalaan na ang lahat ng tao ay dapat igalang.

LeoWhere stories live. Discover now