Ang Panaginip

14 1 1
                                    


Nakita ko si Leo, sa taas ng hagdan, nakasuksok sa gilid kung saan nagtatago kami ng mga abubot. Para siyang manika, matigas, maputla, at higit sa lahat-pulang-pula ang dilat niyang mga mata.

Alam kong hindi na buhay si Leo. At sa bahaging ito ng panaginip, ako ang kanyang nakakababatang kapatid na babae.

Nanghilakbot ako sa aking nakita. Ayaw kong dumaan sa may hagdanan pababa sapagkat nandoon ang kayang bangkay.  Usap-usapan sa labas ang kanyang pagkamatay, bagamat napakalayo ng aming bahay sa iba. Sino daw ang may-gawa noon kay Leo? Ewan.

Tinawag ako ng mag kaibigan ni Leo. May bakla rin tulad niya, at may lalaki. Pinakukuha nila ang kanilang mga bag sa akin. Nalaman ni Itay na nariyan sila kaya di sila makalapit. Galit ang itay sa mga kaibigan ni Leo.

Sa hindi inaasahang pangyayari, bumagsak ang bangkay ni Leo mula sa kinalalagyan nito. Imbis na nsasa taas ng hagdanan ay nasa baba na. Hindi ko ginamit ang hagdan upang makababa. Umakyat ako palabas ng aming bintana dala-dala ang mga bag ng mga kaibigan ni Leo.

"Umalis na kayo! Hindi kayo sasantuin ni Itay pag kayo'y naabutan niya", wika ko pagkabigay ko sa kanilang mga bag.

Takot silang lumayo, palayo sa aming bahay na nasa gitna ng palayan.

Pagbalik ko'y nakita ko ang bangkay ni Leo, nasa hapag. "Tay, anong ginagawa ninyo? darating ang mga pulis, huwag ninyong galawin ang ebidensya," ani ko. Ang aming tatay ay malaking tao, nasa sisenta y singko ngunit matipuno pa rin at mabilis pang kumilos. 

May dalang itak ang Itay at nakita ko kung paano niya tinaga na parang hayop ang bangkay ni Leo. Pinutol niya ang kaliwang hita nito. Nakapagtataka ang itsura ng katawan ni Leo. Parang naging daing-tuyot, brown na tila binilad.  May ibinulong pa siya na "kakainin".  Patakbo akong lumabas.

Sa sunod na bahagi ng panaginip, hindi na ako isang batang babae. Ako ay ang kasintahang lalaki ni Leo. Umakyat ako sa puno ng makita ko ang tatay ni Leo, kasama ang albularyo. May dala silang sulo.

Nilalanggam ng pula ang buo kong katawan. Sabi ko, bababa ako, pagalingin nyo ako. Bumaba ako. Sinilaban ng albularyo ang aking damit-nagliyab ako. Sumubsob ako ng pilit sa lupa na may tubig upang mamatay ang apoy. Doon ay nakita ko ang nakaraan n Leo.

Nakita ko ang tatay ni Leo, sa isang tindahan, gabi noon. May babaeng kayapos at tuwang-tuwa sila. May babaeng lumapit, at nagsabing, "_____, tingnan mo ang anak mong si Leo, nagdamit babae!" 

Naabutan si Leo ng kanyang ama, nagsusuklay ng buhok niyang mahaba sa harap ng salamin, nakabestida. Mga walo hanggang sampung taon pa lamang si Leo sa tantiya ko. Galit na galit ang kanyang ama. Dinala siya sa palayan, sinubsob, binugbog. At bilang parusa, ginalaw sa paraang hindi nararapat sa pagitan ng  dalawang lalaki. "Dahil iyan naman ang gusto mo", narinig ko na sabi ng kanyang ama. Paos na ang tinig ng bata, nagmamakaawa.

Wala  na akong nakita ng sumunod. Narinig ko na lamang ang nagsusumamong tinig ni Leo (na malaki na) na nagsasabing, "Tay, di niyo pa ba ako napapatawad?" Si Leo pala ay regular na binababoy ng kanyang ama. Ginagahasa. Narinig ko rin ang tugon na, 'Ipinagdadamot mo ba ang oras mo sa iyong ama?" kasabay ng iyak ng isang kaawa-awang bakla.

Bumalik ako sa aking pagiging batang babae. Yung kapatid ni Leo. Naisip ko....ngayong wala na si Leo...at tila sumuklob ang napakalamig na hangin sa akin. Ako na yata ang isusunod ni Itay.#

LeoWhere stories live. Discover now