Chapter 1: Transferree

56 9 0
                                    


Chapter 1: Transferree

Sky's Pov

Papasok ako ngayon sa bagong school ko at dinig na dinig ko ang mga kwentuhan ng mga schoolmates ko tungkol sa bagong irerelease na game next week.

"Oy tol, excited nako sa bagong game na irerelease" boy1

"Oo nga tol, tiyak kong mag eenjoy tayo dito. Sabay na tayong bumili ha next week." boy2

"gusto ko ng mag next week! woooo !" boy1

"balita ko maganda daw ito at tayo mismo ang player dito at mararamdaman daw natin ang sakit dito ng 20%" boy2

"cool! astig tlaga ng game nato!" boy1

Tumuloy nalang ako sa paglalakad ay di ko nalang sila pinansin , diko namn alam yung mga sinasabi nila eh dahil di rin naman ako mahilig maglaro ng mga ganun. Hinanap ko nalang ang magiging classroom ko at malelate nako. patay ako neto, first day of school pa naman.

"Room 109" basa ko dun sa taas ng pinto ng isang room. Sa wakas at nahanap ko na rin ang room ko. Kumatok muna ako bago pumasok ng room . Nagulat ako at may nagbukas na isang magandang babae. Wow mukang gaganahan ako mag aral ngayon ah.

"Goodmorning. Is this section 1a1?" sabi ko kay maam. "Yes. So you are the transferee student ?" sabi nya. Tumango naman ako sa kanya. "So you may now go inside the room" pagkasabi nya nun ay hinila nya ako papasok sa room.

"Okay class quiet! We have new transferree student and he will be your classmate this school year." pagkasabi ni maam. biglang tumingin sila sakin na parang nandidiri at parang ayaw nilang maging kaklase ako . kaya yumuko nalang ako at di sila pinansin. Sanay naman ako dyan sa mga mayayamang mga 'judger' , oo judger ang tawag ko sa kanila dahil mapanghusga sila sa tulad kong mahirap. Scholar lang kasi ako dito eh kaya nakapasok ako dito sa mamahaling paaralan na ito eh kaya pagtitiisan ko nlng sila . Para ito kay mama kakayanin kong makapagtapos ng pag aaral dito para maiahon ko sa hirap ang pamilya namin ni mama dahil kaming dalawa nalang ang nagtutulungan para mabuhay dahil wala na si papa, ni hindi ko manlang nakita ang kanyang mukha dahil sabi ni mama patay na daw si papa.

"Okay. Please introduce your self now." sabi ni maam.

"Hi. I'm Skyler Red Forrester. Nice to meet you." hindi ko na masyadong hinabaan ang pagpapakilala. "Okay Mr. Forrester, you may now seat besides Mr. Hernandez" pagkasabi nya nun ay pumunta na ako dun sa lalaki sa lalaki na kumakaway dun sa hulihan . siguro sya yung sinabi ni maam na katabi ko kaya umupo nako dun sa tabi nya.

Pagkaupo ko ay nag introduce lng si maam sa amin ng mga lesson na ituturo nya pagkatapos nun ay umalis na sya next meeting nlang daw sya magsstart ng klase.

"Alex Hernandez nga pala tol" biglang pakilala ng katabi ko. Nagnod nalang ako sa kanya baka sabihin pang masama ugali ko kapag di ko pinansin, alam nyo nman mga mayayaman mga judger! "Tol, bago lang din ako dito so pwedeng makipagkaibigan sayo ?" sabi naman nya. "ah okay" sabi ko nman at buti nalang nagkaron din ako ng kaibigan wala kasing nakikipagkaibigan sa akin eh, lagi lang nila akong binubully.
"Oy tol alam mo ba yung bagong laro na irerelease next week, yung Virtual Reality World ?" sabi naman nya sakin "ah hindi eh, hindi naman kase ako mahilig maglaro ng mga ganyan eh at tsaka wala naman akong pera pambili ng mga ganyan" tama naman eh wala akong hilig sa mga ganung laro. "ah sayang tol, maganda pa naman yun. Alam ko na bibili nalang ako ng dalwang set para makapaglaro ka din nun" mukang mabait to ah kahit mayaman pero wala talga akong hilig maglaro ng mga ganun eh "pasensya kana tol, wala talaga akong hilig sa ganyan eh at tsaka wala akong time para maglaro nyan dahil tinutulungan ko si mama sa bahay" pagpapaliwanag ko sa kanya. "ah okay tol. pero pag nagbago isip mo ha sabihan mo lang ako." sabi nya. "okay" yun nalang nasabi ko dumating na kase second teacher namin .

Virtual Reality World Online Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon