Chapter 2: Mystery Box

46 9 2
                                    


Chapter 2: Mystery Box


Sky's Pov

Mabilis na lumipas ang isang linggo at ngayon ay lunes nanaman. hayss pasukan na naman!
Habang ako ay naglalakad papasok ng school, napadaan ako sa isang shop. Andaming nakapilang tao dun sa shop kaya naisipan kong tingnan kung ano yung pinagkakaguluhan nila.

" Do you want to escape the reality ? Do you want to experience magics and powers and to have friends ? Now, presenting the latest game that every gamers would dream. Enjoy, Explore, and Solve the Mysteries in 'VIRTUAL REALITY WORLD ONLINE' .
Be the Best among the rest, to complete dungeons, tasks and quests!

Now Available Worldwide! "

Basa ko dun sa poster na nakalagay sa labas ng shop. Kaya pala madaming tao dito ay pinagkakaguluhan nila yung larong yun dahil release na ito ngayon.

Umalis nako dun sa shop pagkabasa ko dun sa poster. Wala naman akong pambili nun eh ang mahal kaya tsaka wala akong interes sa mga ganung bagay kaya dumiretso nalang ako sa school.


Pagkadating ko sa room namin ay konti palang ang tao. bakit kaya ? 


"Oy tol grabe haba ng pila kanina sa shop mamaya nalang tayo bumili pagkalabas ng school" guy1

"kaya nga tol eh. sabi ko na nga ba pagkakaguluhan to ng mga tao pag na release na tong game na to" guy2

"Kaya nga eh first time kasi na magkakaroon sa buong mundo ng gantong laro isang Virtual reality!" guy1

" excited na talaga ako makapaglaro !!!" guy2

ah yun pala siguro kaya konti pa lang tao dito sa room. siguro yung iba ay nakikipagsiksikan sa mga shop makabili lng ng larong yun. hayssss ano bang meron sa larong yun at tila halos lahat na yata ng tao ay gustong makapaglaro nun. hayy bahala sila sa buhay nila .

dumating na yung teacher namin at pansin ko wala parin pala yung katabi ko si alex. siguro bumili din sya ng larong yun.

Habang nagkaklase yung prof namin ay biglang bumukas yung pinto. Nakita ko si Alex pawisang pawisan tinakbo yata itong room na ito.

"Mr. Hernandez why are you late ?!" sabi ni maam kay Alex na nadun parin sa pinto pagod yata katatakbo. "Sorry maam, I wake up late this morning. Sorry again maam." pagdadahilan ni Alex pagkatapos ay umupo na ito sa katabi ko. Pinagpatuloy naman ni maam yung pagtuturo nya at pinalampas nalang ang pagka late ni Alex.

Virtual Reality World Online Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon