Pwede Ba? Ako Naman!

1.5K 68 23
                                    


A/N: habang nag-iisip ng update sa "Ang Clumsy Kong Pag-ibig".. another story one shot story for all of you.. (naks.. english yun ah..) ahahahaha.. sana po magustuhan.. ^_^ salamat.. 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Waaaaaaaaaaaaaaaa." malakas kong palahaw.. "Bakit ganoon? Bakit niya ginawa yun?" iyak ko sa kaibigan kong si Rico.. Narito kami ngayon sa kwarto ko.. Inaalo niya ako.. Iniwan kasi ako ng boyfriend ko.. Ipinagpalit ako sa iba.. Ang sakit kaya.. 

"Tumahan ka na nga dyan." sabi ni Rico na tila naiinis na sa pagpalahaw ko.. "He's not worth your tears, Iyana." hinagod-hagod niya ang likod ko.. Nakadapa kasi ako sa kama..

"Mahal ko siya, Rico." patuloy ako sa pag-iyak..

Nahuli ko kasi ang boyfriend ko na may kahalikang babae.. I-confront him.. Wala ng palipaliwanag.. Basta na lang siya nakipagbreak sa akin at sinabing hindi niya ako mahal at hindi kailanman minahal.. Ang sakit di ba? Akala ko mahal niya ako.. Akala ko minahal niya ako.. Hindi pala.. 1 year din ang itinagal namin.. 1 year na puno ng kasinungalingan.. 1 year ng lokohan.. 1 year na ako lang pala ang nagmahal..

"Mahal mo nga. Hindi ka naman mahal." sabi niya na parang wala lang kung nasasaktan man ako.. 

"Pambihira ka naman, Rico eh. Nag-eemote ako dito." reklamo ko sa kanya.. Bumalikwas ako ng bangon at pinaghahampas siya ng unan.. "Ipapamukha mo pa sa akin na hindi niya ako mahal."



"Aray ko!" reklamo naman niya.. "Tumigil ka na kasi sa kakaiyak. Papanget ka. Hala ka." sabi niya.. Alam ko naman na pinapagaan lang niya ang loob ko..

"Heh." sabi ko.. Muli akong dumapa sa kama at pumalahaw ng pagkalakas.. "Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa. Bakit mo ako pinagpalit? Bakit mo ako niloko?" sabi ko na parang kaharap ko lang ang lalaking gusto kong sabihin ng mga salitang yon..

"Tumigil ka na sinabi." tila asar namang sabi ni Rico.. Naramdaman ko ang pag-alis niya sa kama ko.. "Malilintikan ka sa akin ih." sabi pa niya..

Tumayo ako at hinarap siya. "Bakit ka ba ganyan ha? Nasasaktan na nga ako. Parang wala langsa'yo." sabi ko na nakapamewang.. "Dapat dinadamayan mo ako."



"Bakit kita dadamayan?" sabi niya.. Aaaahhh.. Nakakainis talaga 'tong lalaking 'to..

Pwede Ba? Ako Naman!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon