Chapter Nine

45 2 0
                                    

[Chapter Nine]

~Sophia's POV~

Kakatapos lang ng practice. Sobrang nakakapagod. Bukas na nga pala yung performance namin sa IRRI kaya puspusan ang pagpapractice. Saktong late pa ko ng 15 minutes. Buti na lang mabait ang aming teacher. SIya pa! Ang ganda na nga, magaling pa sumayaw! San ka pa? Parang ako lang eh! HAHAHA! :DDD Kapal much!

Though, nahihiya pa rin ako,why? Kasi president na president late ka sa practice!! Buti na lang yung pinapractice nila nung dumating ako eh, hindi ako kasama, kundi, NAKOW!! Lagot na! What an irresponsible president! GREAT LANG! -_-

Gusto niyo ba malaman kung anong nangyari sa'min ni Kevin pagkatapos niya ko kaladkarin papuntang kotse niya?

Wag na lang kaya? Hahaha!

Syempre joke yon! Eto na, eto na!

FLASHBACK:

"Pasok na. Dali. May try-outs pa sa volleyball mamaya. Malalate din ako!"

Imbis na makipagtalo, pumasok na rin ako. AT AT AT! Ang gentleman grabe ah!! Di niya ko pinagbuksan ng pinto. Pagkapasok ko muntik na kong mahulog kasi hindi ko pa nasasara yung pinto, bigla ba namang humarurot paalis! Asar lang!!

"ANO BAAA!!! GUSTO MO BA KONG PATAYIN??!"

"PAG DI KA TUMIGIL KAKAREKLAMO DYAN, BAKA GAWIN KO!"

Natakot naman ako, masyado kasi siyang serious. Di ko keri! nagpaka-good girl na lang ako. Baka mamaya kasi pag nagsalita ako, itulak ako nito palabas eh. NAKAKATAKOT!!

"Malalate ka na nga kaya ko binibilisan magrereklamo pa. Tss.." Bulong niya yan sa sarili niya.. Akala niya siguro di ko rinig!! HAH! Di na lang ako umimik, pagod na rin kasi ako kakasigaw. IKAW KAYA MAKIPAGTALO SA LALAKING 'TO?!

Di ko namalayan nandito na agad kami. 10 minutes lang yung byahe. SA SOBRANG BILIS BA NAMAN MAGPATAKBO EH! 15 minutes akong late. 2:35 na rin kasi kami nakaalis ng school. Since nagmagandang loob siyang ihatid ako dito, if that's what you called magang loob, nagpasalamat naman ako.

"HEY!! Thanks!" nagsmile na lang ako sa kanya. HOY! Mind you, sincere ako sa pagthank you at pagsmile sa kanya. Walang bahid yan ng kaplastikan.

Umiwas siya ng tingin bago magsalita, "Sige! Anong oras na oh! Late na ko sa Try-out! Kainis ka!" Ako pa talaga sinisi nito!! 

"HOY!! Ang kapal naman ng mukha mo!! SINO BANG NAGPRISINTA NA IHATID AKO DITO? IKAW DI BA? EH BAKIT KA NAGREREKLAMO?? Bwiset! Nagpapasalamat na nga eh!!" binagsakan ko siya ng pinto ng kotse niya. Kahit pa maganda yang kotse mo, wala akong pake kahit masira yan.

Narinig kong tinawag niya ko, "SOPHIA!"

Humarap naman ako sa kanya, "WHAT??!!"

"Wala akong sinabi na ayaw kitang ihatid. Do you remember what we are?"

"Uh, tao?!"

"G@ga! PARTNERS!! Partner kita, partner mo ko, kaya you're my responsibility, got that?! O sige pano ba yan, una na ko! Bye partner! Sana maiwan ka ulit ng jeep mamaya! HAHAHAHAH!!!!!"

Na-froze ako sa kinatatayuan ko. As in froze. Naulit na naman, ayan na si kilig eh. INASAR PA KO SA HULI!! @SSHOLE TALAGA! 

END OF FLASHBACK

Buti na lang hindi ako naiwanan ng jeep gaya ng sinasabi niya. Bumalik pa ko ng school, nandun pa kasi sa locker yung ibang gamit ko and promise sa'kin ng magagaling kong bestfriends na sabay-sabay kaming uuwi.

4 pm pa lang, sa pagkakaalam ko, may meeting pa yung dalawa. Saan naman ako tatambay??

After a long time of thinking, dumeretso yung paa ko papuntang gym. Di ko rin alam kung bakit ako nandito. Nakita ko na lang na may try-outs ang Volleyball team ng boys. Of course, as a Volleyball team captain ng girls, nanuod na rin ako. Minsan kasi humihingi si Coach ng opinion sa'kin. Ako pa! Magaling yata to sa Sports! *smirk*

I Do Believe in DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon