Forever Won't Do

0 0 0
                                    

Martin family is having a happy time together. Minsan lang sila magkaroon ng quality time kaya naman sinusulit na nila. Sa katunayan, ito ang unang pag sasama-sama nila sa taong ito.

Nasa loob sila ng sasakyan na minamaneho ng haligi ng tahanan na si Norman. Sa passenger's seat nakaupo ang pangalawang anak na si Quiel at sa back seat ang panganay na si Wendy, ang bunsong si Bryan, at ang ilaw ng tahanan na si Vina.

"Dad, feeling ko kumain muna tayo bago mag ice skating para may energy." Sabi ng panganay na anak na si Wendy.

"That's right." Pag sang ayon naman ni Quiel.

"Okay okay. You guys will decide." Sabi ni Norman. "Eh, san' naman tayo kakain?" Dugtong nito.

"Sa favorite natin nung binata't dalaga pa tayo." Kinikilig na sabi ni Vina. "Namimiss ko na don'." Nakangiti nitong dugtong.

Bahagya namang nilingon ni Norman ang asawa at sinabing, "Oh sige, honey."

Nang lingunin uli ni Norman ang daan ay nakita niyang ang kasalubong na truck ay mabilis ang pagtakbo at papunta ito sa destinasyon ng sasakyan nila. Alam na niyang magkakabanggaan ang sasakyan nila at ang truck ngunit hindi niya ito napigilan dahil masyadong mabilis ang mga pangyayari.
Nalaglag ang sasakyan ng pamilya Martin mula sa sky way. Ang truck na nakabangga ay hindi nalaglag pero isang ihip nalang ng hangin ay susunod na ito sa nauna.

Walang ibang nadamay sa insidente at gulat ang lahat ng nakasaksi.

Dahil mataas ang pinanggalingan, unconscious ang buong pamilya maliban sa panganay na si Wendy na kaunti nalang ay patulog na rin.

Wendy's POV:

Pinipilit kong hindi makatulog. Ano bang nangyayari? Napapagod na ko, gusto ko matulog. Maingay at mainit ang paligid. Blurry na lahat.

Nakaramdam ako ng physical touch mula sa isang nilalang. "Miss, wait. Ilalabas kita!" Tarantang sabi ng boses ng isang lalaki.

Minulat ko nang ayos ang papikit ko nang mga mata at isang butas ng ilong at tumambad sa akin. Hays.

Binuhat ako ng isang kuya papalabas ng sasakyan. Bigla akong natauhan. "Kuya, wait. Yung parents ko, mga kapatid ko. Wait! Wait! I said wait!" Ayaw ako bitawan ni kuya. Tumatakbo siya papalayo sa sasakyan.

Nilingon ko ang sasakyan namin at nakita ko sila. Nandun pa rin sila. Walang tumutulong. Pinapanood lang kami ng maraming tao sa malayo. Tila isang live play ang nasasaksihan nila ngayon. "Daaad!!! Mom!! Kuya, ibaba mo ko! Yung parents ko! Mga kapatid ko! Nasa loob pa sila! Please."

"Miss, kailangan nating bilisan!" Hingal niyang sabi.

"Kuya, kailangan ko silang ilabas!" Nag sisimula nang umapoy ang unahan ng sasakyan namin. "Sasabog na yung sasakyan!"

"Miss, mas mauuna pang malaglag yung truck sa itaas bago sumabog yung sasakyan niyo!" Itinaas ko ang mga tingin ko pero liwanag lang ng araw ang sumalubong sa mga mata ko kaya ibinaba ko ulit ito. "Isa pa..." Medyo malayo na kami sa sasakyan at wala nang magawa ang nangangatog kong katawan. Hindi ko rin pansin na kanina pa pala ako lumuluha. Wala rin akong energy mag pumiglas at mag salita. "... May saksak silang lahat sa mga parte ng katawan na kakailanganin upang mabuhay."

Hindi ko siya maintindihan. Gusto ko na muling matulog.

BAGGHHH!!!

Isang pag sabog at malalakas na sigawan ang huli kong narinig bago ako nakatulog nang tuluyan.

Nang magising ako ay puting ceiling ang sumalubong sa akin. Tahimik ang paligid. Inikot ko ang aking paningin. Puti ang buong kwarto, may dextrose at kung anu-ano pa. Confirmed, nasa hospital ako. Mag-isa.

Sinubukan ko tumayo pero masyadong masakit ang mga bahagi ng katawan ko at wala ako lakas.

Ilang sandali pa ay pumasok ang isang lalaki na may puting coat, I assume isa siyang doctor. "Pumunta lang ako dito para i-check ang kalagayan mo."

"I know. It's not like a doctor will visit a patient's room for something else." Mataray kong sabi na ikinadahilan ng pag buntong-hininga ng doctor.

"Listen. Kilala ko ang parents mo, and so kilala din kita. Matigas ang ulo mo, maldita ka, mataas ang tingin sa sarili, makasarili, at iba pang masasamang ugali. Ngayong wala na sila, sana mag bago ka na." Kalmado niyang sabi na parang magddiscuss lang ng business plan.

"Anong pinag sasasabi mo? What do you mean, wala na sila?! What do you mean kilala mo ako?!" Nakatingin lang siya sa akin. Itinaas ko ang upper body ko para makaupo. Medyo nahirapan ako kaya tinulungan niya ko.

"Can you please answer?!" Tanong kong pasigaw nang marealize ko na wala siyang balak sumagot.

"I'm Dr. Reyes." Sabay abot ng kamay niya for shake hands.

"Dr. Reyes?!" Pataka kong tanong. Hindi ko inaabot ang kamay niya. "Don't tell me, ikaw yung anak ni Dr. Tony Reyes, yung family doctor namin." Ininaba niya yung kamay niyang nag aalok ng shake hands.

"Yup. Ako lang naman yung nagpapakalma sayo nung bata pag iinject na sayo yung--" di ko na siya pinatapos.

"Hep." Pigil kong may pag taas pa ng palad to sign 'stop.' "Okay na. I remember." Sandali muna akong nanahimik. "So doctor ka na pala."

"Yes. And just so you know--" bahagya siyang napaginto. Para bang naisip niya na mali yung sasabihin niya. "--yung lalaking nag dala sayo dito ay lumisan na."

"Wait, where's my parents? And brothers?" Tanong kong hindi pinapansin yung sinabi niya.

Ramdam kong may gusto siyang sabihin pero naghhesitate siya.

"Sabihin mo na." Pag pilit ko.

"They're gone." Mahina niyang bigkas. "The nurses will tell you everything." Aalis na sana siya pero hinawakan ko yung braso niya para pigilan siyang makaalis.

"Samahan mo ko. Puntahan natin kung nasaan sila."

"Ms. Martin, Wendy Martin, I still have a lot of patients to visit." Tumalikod ma siya pero hawak ko pa rin yung kamay niya. Ibinubuhos ko na lahat ng natitirang lakas ko for that. Di na ko makapag hihintay hanggang mamaya. I want to see them NOW.

Bumuntong-hininga siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Saved By A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon