(Wedding Bells Ringing)
Czarina's POV
Ikakasal na ba ako? Bakit nakadamit pang-kasal na ako? Sino ang magiging masuwerteng mapapangasawa ko?
"Czar, mag-lalakad na ako. Ikaw na ang susunod sa akin. Sumunod ka na." wika ni Shaomei na nasa tabi niya.
Nag-lakad na si Shaomei at sumunod na rin si Czarina. Nasa harapan na ni Czarina ang mapapangasawa niya na nakasuot ng white tuxedo ngunit hindi niya makita ang mukha nito.
Tumungo na si Czarina at ang mapapangasawa niya sa altar. Tumayo sila ng ilang segundo upang mag-dasal nang tumingin si Czarina sa kanyang kanan ay may nakatayo doon na naka-suot ng black tuxedo at may upuan rin ito na tulad sa upuan nila ng groom niyang nakasuot ng white tux.
Hindi na makapag-concentrate pa si Czarina nang dahil sa kanyang nakikita. Namalayan na lang ni Czarina na sinabi na ni Father ang mga katagang:
"You may now kiss the bride."
Hahalikan na sana ni Groom 1 na nakasuot ng white tuxedo si Czarina nang biglang hinila ni Groom 2 na nakasuot ng black tuxedo si Czarina at hinalikan ito.
Tumigil na si Groom 2 sa wedding kiss. Unti-unting nilayo nito ang mukha kay Czarina at unti-unting nakita ni Czarina ang mukha ni Groom 2.
Czarina's POV
WTF! What's the matter with this guy?! Fudge! I need to wake up. It's a disaster... a nightmare to be exact.
Dumilat na ang mga mata ni Czarina.
"Wahh! Halimaw!" Napabalikwas sa pag-kakahiga si Czarina.
"Ako? Halimaw?! Kailan pa naging halimaw ang isang gwapong tulad ko?"
"Ano ang ginagawa mo dito?" Binalutan ni Czarina ang kanyang sarili ng comforter.
Inisnap ni Jaeger ang kanyang daliri saka muling tinignan si Czarina. "Nakalimutan mo na ba? Ngayon na mag-sisimula ang consequence mo."
"Hindi ka ba makakapag-hintay?"
Nag-puppy eyes si Jaeger kay Czarina. "Kasi naman Hun, namimiss na kita."
"Umalis ka nga! Nakakapangilabot ka!" Tinulak ni Czarina si Jaeger upang umalis sa kwato niya.
"Hun naman.... Akala ko ba mahal mo ako? Bakit mo ako ginaganito? Sinasaktan mo ang puso ko." Hinawakan ni Jaeger ang dibdib niya.
"Ano yan kanta ni April Boy? Sinaktan mo ang puso ko nilagyan mo ng turnilyo... kaya ngayon nag-hihingalo."
"Hun, mali ata ang lyrics mo."
"Hun, your face!"
Jaeger's POV
Ang cute naman ng babeng ito kung matulog. Pinapanaginipan siguro ako nito. Teka... bakit nagpapout siya ng lips niya? Hahaha! Akala niya siguro hinahalikan ko siya.
"Wahh! Halimaw!"
What?! Halimaw ako? Itong kagwapuhan ko, magiging halimaw?! Is she crazy? I'm sure na maiinis ko na naman siya. She's so cute. Hindi na ako makakapag-hintay pa na sabihin sa kanya na Girlfriend ko na siya simula ngayon.
Czarina's POV
Damn it! Ang kulit niya sobra. Mas makulit pa siya kay Mama't Papa. Argh! Tumataas ang dugo ko sa lalaking ito.
"Jaeger, pwede bang manahimik ka? At bakit ba dito ka nakaupo? Upuan ito ni Gabe."
"Simula ngayon magiging katabi mo na ako."
"Manahimik ka na nga lang!"
"Mananahimik ako pagkatapos kong gawin ang dapat kong gawin." Ngumiti si Jaeger.
"At ano na naman ang kabaliwan na gagawin mo?" Kinakabahang tanong ni Czarina.
Hindi na sinagot ni Jaeger si Czarina.
Tumayo si Jaeger at nag-punta sa harapan. "All of you who are listening to me, I have an important announcement to make, so better keep your mouth shut. Gusto ko lang naman sabihin na Girlfriend ko na si Czarina."
"Czarina?" tanong ng kaklaseng babae nila Czarina.
"You mean, Czarina Marie Sandoval?" pag-kukumpirma ng isa pa niyang kaklaseng babae.
"You've got it just right." sagot ni Jaeger.
"Prince Jaeger, why did you choose her?"
"I love her so better not to mess up with her. And now I want to dedicate a song for her." wika ni Jaeger.
NP: Owl City – Enchanted
"Czarina Marie Sandoval, I'll promise not to break your heart. I'll protect you and I won't make you cry. I love you." Tinitigan ni Jaeger si Czarina.
Tumayo si Czarina sa kanyang kinauupuan upang umalis ngunit mabilis na hinawakan ni Jaeger ang kamay ni Czarina upang iharap sa kanya at hinalikan niya ito.
Hininto na ni Jaeger ang pag-halik sa labi ni Czarina. Samantalang si Czarina naman ay tumakbo palayo kay Jaeger. Tumakbo siya ng mabilis ng hindi niya namamalayan na sinundan siya ni Gabe.
Czarina's POV
He's a freak. A retard. A shit. A dumbass.... Why did he do that? If he wants to take a revenge, I'll take it, but not like this.
Jaeger's POV
Why did I do that to her? I didn't mean to kiss her but...
Tumakbo si Jaeger matapos tumakbo ni Czarina at sinundan ni Gabe. Hahanapin niya ito upang manghingi ng tawad.
Takbo ng takbo si Jaeger upang mahanap si Czarina.
Jaeger's POV
Why am I feeling this way? Nang nakita kong may tumulo na luha sa mata niya, parang gusto ko siyang protektahan.
BINABASA MO ANG
When the Princess in Disguise Meets the Arrogant Prince (EDITING)
Roman pour AdolescentsWhat will happen if the Princess in Disguise meets the Arrogant Prince and they are the opposite of each othe? Will they be attracted to each other? Will they believe that opposite attracts?