I Finally Meet You

78 1 0
                                    

Prologue

Nasa Manila Ocean Park ako ngayon, araw ng Linggo.  Naghihintay na magsimula ang Sea Lion show. Bandang alas singko na. Hinahawan ko ang aking camera. Hindi para magvideo kundi para ihanda sa pagkuha ng papalubog na araw. Oo hindi sea lion show ang talagang pakay ko kundi ang sunset. Ngayon magsisimula ang pagtupad ko sa pangakong binitawan ko. Nang magsimula nang magliwanag ang langit at  nag-iba ang kulay nito. Ang langit ay napapalitan na ng gintong kulay. Pababa na ang araw. Mabilis kong kinunan ito. Alam kong magiging masaya na sya dahil dito. Una pa lang ito. Marami pang lugar akong pupuntahan para lang makuhaan ang magagandang sunset. Pangako ko yan.

Pero bago ko yan gagawin, manonood muna ako ng Sea Lion Show. Balita ko kasi gwapo daw ang trainer  at nakakatuwa talaga ang mga sea lion. "Hmmmm, tapos pag-uwi ko NBA naman! " Napangisi na lang ako sa mga iniisip ko. At bago ko pala makalimutan ako pala si Elle Reishen Lee. Magulo ako pati na ang buhay ko pero dati yun, nagbago na kasi ako, bakit? Malalaman nyo rin yun!

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------Mayee Xin

Thanks for Reading!

Please like, vote and comment!

Sa susunod na ako magsasalita ng marami..Hahaha...

Chapter 1- NBA

Nanonood ako ng NBA. Paborito ko talaga ang Miami Heat! Adik pa nga eh! Hahaha, Mahilig talaga akong manood ng Basketball. Solid Supporter ako pramis. Napasigaw ako kasi nafoul ang idol ko. "Walang hiya kang Hibbert ka! Bat mo ginawa yun!"  Ako lang mag-isa sa condominium ko kaya kayang-kaya kong magsisigaw! Hindi naman nila kasi maririnig eh at parang past time ko na ang over magreact pagnanonood ako ng basketball. Sira ang araw ko pag natalo ang team ko pero sobrang ganda naman pagpanalo ito. Determinant of attitude Kung baga ang basketball sa buhay ko.

Napangisi ako, napasok ni Wade ang two free throws niya. Dikit ang laban at fourth quarter na. Hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko. 91-89 lamang ang Indiana at 58 seconds na lang bola pa ng kalaban. Nagdribol ng bola si George at binabantayan siya ni Wade. Crossing fingers na ako. " Nakawin mo Wade please, wag kayong magpatalo". Nang akmang magdadrive na si George ay tumunog ang cellphone ko at ang lakas ng ringtone. " Buwisit, asan ba ko ba yun nalagay" . Kapa ako ng kapa at ng Makita ko ito ay sinagot ko agad. " Hello Maam, good morning po!" Nang mapatingin ako sa TV ay 91-91 na. "Paano nangyari yun! " Sigaw ko, nakalimutan kong may kausap pala ako sa telepono. " Reishen, nakikinig ka ba sa akin? " Hala, patay na. " Amm, Maam, sorry po, nacarried away lang po, ano po ulit yun? " Ang sabi ko, gawan mo ng SWOT analysis ang bago nating client. Nagdadalawang isip kasi siya na papatok ang franchise na pinili nya. Naiintindihan mo? "

"Maam, sa tingin ko, alam ko na ang sagot diyan! "

" Ayoko ng theory lang Reishen! Gusto ko may proweba, anong sasabihin natin sa client? Na feeling mo hindi papatok dahil blah blah blah. We need facts and figures! Understand?"

"Yes Maam."

Yun po ang manager ko, si Ms. Perfectionist este, Ms. Maria Elena Merced. Highblood no? Palibhasa old maid, oppss, wag nyong sasabihin sa kanya na sinabi ko. Papatayin ako nun.

Nagtatrabaho pala ako bilang Account Specialist sa isang kompanya na nag-ooffer ng franchising. Marami kaming hawak na products na pwedeng ifranchise. From grocery store, to foodcarts, to restaurants, you name it, we have it! Pili lang kayo at ako nang tutukoy kong papatok ito! Challenging diba, iyan yung gusto ko sa buhay. May thrill at challenge. 

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Salamat pos a pagbabasa ng storyang sinulat ko!

Amm, ang sarap talagang mag-express ng saloobin! Hehehe, talagang sinama ko ang NBA dahil adik ako dun. At NBA finals na.. Miami Heat tayo guys ha?


I Finally Meet YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon