Chapter 5 Meet my Kuya and my Crush

13 0 0
                                    

Chapter 5 Meet my Kuya and my Crush

            Nasa hospital ako. Alam ko nagtataka kayo kung bakit ako nandito, dapat, nasa bahay na ako at nagpapahinga, bukas na kaya ang dating ni Mr. Anderson! Pero hindi, kailangan ko munang magpaalam sa kanya, sa kuya ko. Nasa isang Mental Hospital ako, gusto kong ibahagi ang magandang balita sa kanya, magiging tour guide ako, meaning, makakapunta ako sa iba't ibang lugar at makakakulekta ng maraming sunsets! Mapapangiti ko na sya!

Dumating ang Doctor na tumitingin sa kapatid ko, sa bawat araw na pumupunta ako dito ay wala syang pagbabago, nakatunganga lang sya, wala syang nakikita o naririnig. Minsan, ay nagiging marahas sya. Sabi ng doctor, malaki ang epekto ng aksidente sa kanya at yun ang dahilan ng breakdown nya. Sana, maging ok na ang kuya ko, yun lang talaga ang gusto ko.

"Ms. Lee, magandang gabi" At ngumiti ang batang Doctor. Siya is Doctor Rafael Buencamino. Gwapo at simpatico, matiyaga talaga sya sa kapatid ko.

Ngumiti ako. "Hello Doc! Kumusta?"

"Ang ganda yata ng ngiti mo ngayon Reishen? May maganda ka bang balita sa kanya?"

" Ou eh, kumusta na si Kuya, Raf?" Close kami no, halos magkasing edad kasi kami. Tapos naging friends na kami, halos two years na kasi syang may hawak sa kapatid ko. Pero wala talaga. Textmate kami nito. Pero kung tatanungin nyo kong nanliligaw sya, sana no? ipagpray nyo! Crush ko kasi sya. Pero nag-iisang secret ko to. At hinding hindi ko sasabihin.

"Ginagawa ko talaga ang lahat Shen" At bumuntong hininga. Kilig ako. Siya lang tumatawag sa aking "Shen".

"Baka hindi, kasi ayaw mo akong hindi Makita" biro ko.

"Hahaha, sana nga eh, pero talagang ayaw magcooperate ni kuya mo. Lately, nagiging marahas na siya. Tapos malayo ang tingin. And as I assess him, may mga recurring dreams siya. Siguro, mas lalong bumabagabag sa kanya yung aksidente." Sabi nya.

Ngumiti ako at umakbay pa sa kanya, tsansing no?

"Doc Raf, positibo ako, magiging maayos ang kuya ko. Fighter kaya si Kuya Jayson ko!"

"Alam ko, halika na, puntahan natin sya. Baka bumuti sya pagnakita ang magandang mukha mo. Tumitig  siya sa akin. "Parang pagod ka"

Naglakad na kami sa aisle ng hospital. Room 220 si kuya Jayson ko. Matagal ko na talagang tumaya sa lotto sa number nato, baka sumwerte eh.

"Uy concern, hehehe, dami kong trabaho Doc, kailangan kong mabayaran ang bill ng hospital tapos professional fee mo pa. Pangit naba ako?"

Ang kapal ko! Wag na wag mong sadabihing "oo" talagang masasaktan ako. Please lang.

Umaktong nag-iisip si Doc. Rafael bago sumagot.

"Saan ba ako magsisimula. Sabi ko naman sayo, huwag mo ng problemahin ang professional fee ko. Libre na yun. Ang gusto ko lang gumaling sya. Saka na ako magpapabayad pag gumaling na sya. Iba kasi ang gusto kong bayad." At ngumiti ng nakakaloko. Kinabahan ako dun ha.

"Doc Naman, bad yun. Alam ko ang feeling ng nagtatrabaho, hindi pwedeng pro bono no."

"Shen, tanggalin mo na yang Doc, ang sagwa, tumatanda ako"

Napangiti ako. Mayroon talagang sense of humor si Raf.

"Andito na tayo Shen, sana matulungan natin syang gumaling". Tapos binuksan nya ang pinto. At pinauna akong pumasok pero bago kami makalapit sa kuya ko ay may binulong siya.

"Hindi ka pangit, at kahit kailan, hindi ka magiging pangit." Tapos lumapit sya sa kuya ko para kuhanin ang atensyon nito. Hindi ko alam anong gagawin ko, ang lakas ng tibok ng puso. Paano ba aaktong cool sa harap niya.? Breath in, breath out, kaya mo to Reishen.

"Hi kuya! " At niyakap ko sya ng pagkahigpit. Hindi man lang sya gumalaw. Malayo pa rin ang tingin, parang wala kami sa loob ng kwarto. Gusto ko ng maiyak sa nakikita ko. Asan na yung kuya kong masayahin? Yung nagtuturo sa akin ng assignments ko? Yung nagagalit sa akin pag may ginawa akong mali? Kailangan ko syang ibalik! Hindi pwedeng ganito na lang sya habang buhay.

Hinawakan ko ang kamay niya.

"Miss na miss kita kuya. Sina mama at papa miss ka na din nila. Luluwas nga sila sa susunod na buwan para bumisita sayo. Alam mo kuya, sinimulan ko ng tuparin ang promise ko. Nagpunta akong Ocean Park nung isang araw! At hulaan mo! Nakakuha ako ng picture ng sunset! Ang ganda kuya, ipapakita ko sayo!"

Sabay kuha sa mga larawan sa envelop na dala ko. Iwinagayway ko sa mukha niya yun larawan."

"Tingnan mo kuya o, eto na o, first sunset pa lang to. Marami pang susunod, nakakuha ako ng raket, makakalibot ako sa ibat-ibang lugar, makukuhanan ko ng sunset ang iba't ibang lugar. Maraming marami kuya. Tapos pag gumaling ka, pupuntahan natin yung mga lugar na yun at sabay tayong manood ng sunset. Gusto mo ba yun?"

Maluha-luha na ako, mali, umiiyak na ako.ang sakit talagang Makita syang ganito. Kuya naman eh, magpagaling ka na! Lumapit naman si Rafael para aluin ako. Niyakap nya ako. Ang sarap sa pakiramdam na may taong umiintindi sayo at humahawak sayo sa oras na pakiramdam mo, hindi mo na kaya. Yun si Raf.

Umiiyak parin ako pero nagulat ako. Gumalaw ang kuya ko ito pinulot ang mga nagkalat na pictures ng sunset sa sahig at tinitigan lang ito. Kumalas ako kay Raf. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko. Gumalaw sya at hindi lang basta basta gumalaw. Tinitingnan nya ang sunset. ANg sunset ang makakatulong sa kanya!

"Kuya, pagbalik ko. Mas marami pang sunsets ang dadalhin ko. Pagaling ka ha? Puntahan natin lahat yan.

================================================================================

Thank you for reading!

It's been so fun here!

Please like, comment and share!

I Finally Meet YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon