Chapter 2 - Persuation

12 0 0
                                    

Russ Alexiel POV

"Are you sure you want to do this anak? " hindi ko na mabilang kong ilang beses ng tinanong ng mama ko to.

"Yes ma, I've thought about this over and over again. I want to do this, it's about time. "

Bago pa saan umabot ang iniisip nyo. Sasabihin ko na. I'm Russ Alexiel Anderson. I am the Executive Vice President for Planning ng chain of hotels na pinamamahalaan ng daddy ko. At ang pinag-uusapan namin ng mama ko ay kung gusto ko ba talagang magbakasyon sa Pilipinas. Opo, sa Pinas, maraming maganda at mapapait na alaalang idinulot ng Pilipinas sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit bigla bigla ay naisipan kong magbakasyon doon. Nasa New York na kami nakabase ng pamilya ko. Basta, may bumubulong sa akin na pumunta doon.

Bumuntong hininga ang mama ko " Anak, her memories are there, we left there to move on. If you'll comeback, you'll remember all the pain that it caused you. We had a hard time; I don't want you to go back to that pain."

Hinawakan ko ang kamay ng mama ko, " Ma, I know, but I have moved on. And I want to see her tomb. Kahit pa sabihin nating may nag-aalaga doon. I want to personally see it. Ayokong isipin ni Alaina na kinalimutan na natin sya. She deserves to be visited. Feeling ko ang sama-sama kong kapatid. Oo, nabigyan natin sya ng hustisya pero iniwan naman natin sya."

"Anak, your hurting me" ganito na naman to. Nagpapakonsensya si mama.

"Ma, it's final. Next week na ang flight ko. I have my ticket and hotel accommodation booked. Hindi mo na ako mapipigilan. So please, support me on this. Hmmmm?" At nagpuppy face ako, yung ayaw na ayaw ni mama. Kailangan ko syang kumbinsihin. I really need a break. Bakit? Kasi po, narining kong may napupusuan ang papa ko na ipapakasal sa akin. Isang Real Estate Heiress. And I don't like it. Walang makakapagsabi kung sino at kanino ako ipapakasal. Ako lang. In short, tatakas muna ako. Magliliwaliw sa Pilipinas at oo, bibisitahin ko rin ang kapatid kong namatay ng dahil sa aksidente. Napakadilim nun na panahon sa buhay namin. At I'm not ready to open up. 

"Ok, ok" Sabay taas ng kamay. Napangiti na ako sabay yes sa loob loob ko. " But, I want to know the real score why you are doing this. This is more than just visiting Alaina. I know son, there's more to it. And I need the truth or else..." Tapos binitin nya ang sasabihin sabay tingin sa akin ng nanunuri.

Ang mama ko talaga, sobrang galing sa pagbabasa ng tao at hindi ako handa. Wala akong maisip na dahilan para mapaniwala sya. Bumuntong hininga ako. "Ma, it's just Alaina, that's all and besides, I'm too stressed out. I need a break". At ngumiti ako.

Umiling iling naman sya. Kainis! Ano ba ang tamang dahilan para mapaniwala sya! And in split seconds ay parang may nagliwanag na bombilya sa utak ko. Ting, bright idea! "Ok mama, I will tell you the truth" tapos binitin ko.

"Ano yun?"

"I found the girl that I want to get married" I said it in very normal tone. As if it is no big deal.  And her jaw literally drops.

Gotcha. Sa loob-loob ko.

Reishen POV

Nasa coffee shop slash restaurant akong pinagmamay-arian naming magkakaibigan. Mga kapwa kami magaganda kaya click kami hahaha. Sina Alyssa Rose Roxas, Coreen Angela Soriano at Chriss Arianne Guison ay mga kaibigan ko simula pa noong high school. At nagpasya kaming magtayo ng negosyo para mastrengthen pa ang pagkakaibigan namin.

"Reishen, bat ngiti ngiti ka diyan? Anong meron" Si Coreen

" Alam na, panalo na naman ang Miami Heat mo no? Si Alyssa Rose

"Buti kung pumusta, hindi naman" Arianne

"Manahimik nga kayo, anong bang pinunta natin dito? Diba tungkol sa coffee shop natin? Wag nyo akong pakialaman."

" Opo maam, monthly meeting, alam na." Arianne

Ngumiti ako. "At sa sinabi ko rin sa text, may bago akong gimik na tiyak kong papatok." Nagsitinginan silang lahat sa akin at sabay pang nagsabi ng "ano yun?"

"Nagresearch ako", panimula ko, "May bagong trend sa market ngayon regarding coffee shops. It is called Cat Café". Kumunot ang kanilang mga noo. Tumayo ako at binuksan ang aking Laptop, ginawan ko talaga ng presentation to para lang makakuha ng atensyon nila. Ako ang utak ng "Café Selena" ako mismo ang bumuo ng konsepto ng café slash restaurant pati na mga menus at down to the design. Ginawan ko ng Feasibility Study, Market Analysis para lang masiguradong magtatagumpay ito.  And true enough, it has been the hang-out place in the metro. Cozy kasi ang ambiance. It has a Mediterranean design na fusion ng throwback ng ibat-ibang ships. We made sure na ang mga paintings  ay talagang nakakakuha ng atensyon. At it did wonders. Maraming parokyano ang nagpupunta dito hindi lang dahil masarap ang  pagkain kundi sa ambiance mismo.

"So, Ano na?"  Si Arienne.

"Gusto kong gawin din natin yun".

"Gusto mong e convert ang Cafe Selena as a cat cafe? Sigurado ka ba diyan? " ani ni Coreen

" Not exactly e convert. I'm thinking of expanding. Diba nga wala nang umuupa diyan sa tabi natin? Tayo ang kukuha ng space at idadag natin siya as amenities. We don't need to get so many cats, maybe three or four. Di naman kalakihan ang space. It's just for specific market."

Nagsalita na rin si Alyssa " kung ako ang tatanungin, maganda ang idea mo. Magandang gimik siya. And not much capital ang needed since we both have cats. We can just bring them here. So, botohan na lang tayo. If we will proceed. I'll say "yes".

Reishen. " Coreen? Arienne?"

Sabay ang dalawa na sumigaw ng "YES".

Nakahinga ako ng maluwag.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nabasa ko lang tong Cat Café na ito at nagkainteres ako.

Nagustuhan nyo ba?

Comment, Like, Share!

Salamat sa pagbabasa!


I Finally Meet YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon