Chapter 2:

28 2 0
                                    

"Ok class, pass all your Projects One by one."

One by one? @#$%&

Lumaki tenga ko ng marinig ko yun. Si Maam Filipino na Inglesera!

Parang lalagnatin ako sa narinig ko. Sana bumuka ang lupa at lamunin ako pailalim o di kaya

sana may dumating na superhero na galing sa kung saan para iligtas ako dito.

KAABBOOOMM !!!

Nagulat nalang ako ng bigla kaming makarinig ng pagsabog sa may pader sa gilid ng kwarto namin kasabay ng sigawan ng mga kaklase ko.

Napatingin agad ako.

Ang kapal ng usok, tumutunog ang School Bell at patuloy na nagsisigawan ang mga kaklase ko. Lahat ay nagpapanic at hindi mapakalma ni Ma'am Filipino ang mga kaklase ko.

"ANONG NANGYAYARI?!" pasigaw kong tanong.

"Sino si Biboy?"

Napatigil ako ng marinig ko ang boses na malalim. Napatingin ako sa direksyon kung saan may malaking anino na nakatago sa makapal na usok.

"Ako si Biboy? Anong kailangan mo?" napatayo ako bigla.

Napanganga ako nang mawala ang usok at biglang lumitaw ang lalaking nasa likod ng usok..

si.. Si Peter Pan!

Whoah!

Nananaginip ba ako ha?

Totoo ba 'to? Pakisuntok nga ako!

"P-Peter Pan?! Anong ginagawa mo dito? Anong kailangan mo sakin?"

malakas na tanong ko sa kanya.

Ang teacher at mga kaklase ko? Ayun natulala sa nakikita.

Lumakad sya papunta sakin.

Binuhat niya ako!

"Sumama ka sakin."

"T-teka! Bitawan mo ako! Saan mo ba ako dadalhin!!?"

nagpupumiglas ako sa kanya para makawala sa pagkakabuhat nya pero sobrang higpit ng hawak nya sakin!

"Wag ka nang magtanong basta sumama ka nalang."

At biglang lumipad kami gamit ang magic niya na gintong alikabok! Bigla kaming napunta sa isang warpzone!

"Saan mo ba ko dadalhin ha?!" tanong ko kay Peter pan habang buhatbuhat niya ko.

"May malaking malaking problema, kaiangan ka namin. Ikaw lang ang makakatulong samin para mailigtas ang Far Far Away.."

"T-teka! teka! Bakeit ako?! Saka anong problema? Bakit di ninyo resolbahin 'yan nang mag isa! Ba't kaila--"

Naputol ang pagdada ko ng bigla niyang tinakpan bibig ko ng magic niyang mala-usok!

***Naghahallucinate na ko!

"Kalma ka lang bata. Andito na tayo." sabi ni Peter Pan.

Namangha ako ng makarating kami sa sinasabi nyang Far Far Away.

Totoo ba to? Hindi ba ko nanaginip huh?

Lumapit ako sa isang malaking bato, tapos bigla kong sinipa.

"AAAARRAAAYYYYY!!!!"

napasigaw ako sa sakit!

Totoo nga hindi ako nananaginip.

Biboy: The Far Far Away AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon