But we know the fact that in every experience there is always a first.
Lahat ng first time ay special at memorable. Lahat ng first experience ay unforgettable. At lahat ng ating first ay irreplacable.
Naalala mo pa ba ang pakiramdam noong unang beses mong sumakay ng bisekleta?
Natatandaan mo pa ba kung kailan ka unang nagbakasyon sa ibang bansa?
Ano ba ang pakiramdam ng unang beses kang bumili ng bagay na gustong gusto mo na galing sa iyong pinaghirapang ipunin na allowance?
Naaalala mo pa ba ang pangalan ng unang crush mo?
Sa tuwing pinag-uusapan ang tungkol sa mga first time ay hindi nalilimutang banggitin ang first love ng isang tao.
Malinaw pa sa aking alaala ang unang pagkikita namin ng unang lalaking aking minahal.
Hindi ko pinlano ang lahat.
Basta na lang iyon nangyari.
Sa hindi inaasahang pagkakataon.
Sa hindi na-i-schedule na panahon.
Sa hindi inaasahang lugar.
Sa elevator ng building B,
sa university na aking pinag-aaralan.Hindi ko maiwasan na sa tuwing
sumasakay ako ng elevator ay...
naaalala ko siya...Ang unang lalaking nakakuha ng aking atensyon.
Ang nag-iisang lalaking tumatak sa isipan ko.
Ang tanging lalaking nagpabilis at
nagpabagal ng tibok ng puso ko.At higit sa lahat ang lalaking
nagpabago ng pagtingin ko sa pag-ibig.Si Mr. Elevator boy.
Iyon ang tawag ko sa kanya ng mga
panahong hindi ko pa alam ang pangalan niya.Hindi ko malilimutan ang sandaling lumingon siya sa akin. Nawala ang ingay, tanging ang malakas na kabog lang ng dibdib ko ang aking naririnig at sa isang kisapmata ay naging slow motion ang lahat.
BINABASA MO ANG
How To Tame a Guy?
RomanceHow to tame a guy tips: 1. Remember, first impression lasts. 2. Play the mysterious type. 3. Know his weakness. Find his soft spot. 4. Steal a kiss from him and make him ask for more. /Seduce him. (OPTIONAL) _________________________________________...