Chapter 1 [What is Love?]

83 2 3
                                    

........................................................................

What is love?
........................................................................


#HTTAGthebeginning

▪▪▪

Simula tanghali ay free cut na dahil dalawang araw mula ngayon ay araw ng mga patay. Pagbibigay daan para doon sa uuwi ng probinsya.

Nakaupo ako ngayon sa pinakatagong lugar sa library. Medyo madilim sa parteng ito. Simula ng nadiskubre ko na may mga lamesa at upuan dito sa likod ng bookshelves.

Dito na ako nagbabasa.

At ito rin ang paborito kong spot sa school dahil dito ang pinakatahimik hindi lang sa library pero sa buong university.

Gusto ko talaga sa tahimik na kapaligiran at lalo na kung maganda din ang tanawin.
Dahil naniniwala ako sa kasabihang...

PEACEFUL ATMOSPHERE + BEAUTIFUL SCENERY = PEACEFUL MIND

Peaceful mind means better logical thinking.

I'm really such a peaceful person just like my name, Serenity.

Kaya nakagawian ko na tuwing vacant time ay dito ako pumupunta.

Naging tambayan at tagpuan na rin ito ng barkada.

Ngunit ang katahimikang inaasam ko ngayon ay nawala ng dumating ang dalawang taong ito na ang tingin sa library ay isang park.

"BABE, pagawa ng assignment mamaya, ha?"

Ang bulong ng lalaking may kulay ang buhok sa babaeng medyo chubby habang yakap-yakap ito.

Bakit hindi ikaw ang gumawa?

Wala ka bang mga kamay?

"Oo na, hi hi hi, wag mo nga akong bulungan sa tenga. Alam mo naman may kiliti ako dyan."

Kunsintidor naman ang isang ito.

For goodness sake, don't do that infront of me!

Nakaupo kami sa pinakasulok ng area kaya natatabunan kami ng mga bookshelves. At nagkataon namang malapit ako sa kanila kaya kitang-kita ko ang paghaharutan nila sa harapan ko.

Kung bakit naman kasi nakaturnilyo sa sahig itong mahabang bangko na inuupuan ko. Hindi tuloy ako makatalikod sa kanila.

Nakakasukang tingnan.
Kaya hindi na ako nag-attempt na lingunin uli sila.

"Ha, ha, ha, ha. Di nga babe?"

"Oo babe. Seryoso nga ako."

Grrrrrr!

Kalma lang, Serin.

Kalma ka lang.

Remember...

Patience is a virtue.

"Ay! Wag dyan. Ang pilyo mo talaga."

"Ha ha ha ha ha."

Ahhhhhh!

Mga walanghiya!

Where is your decency?

Hindi ako makapag-concentrate ng dahil sa kanila.

Kanina pa yan.

Patience is a virtue.

How To Tame a Guy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon