All I Hear is Raindrops

15 2 0
                                    

<TImtim's Note: Hindi po ako yung nagsulat ng Story, Ate ko po , Pinost ko lang dito baka magustuhan niyo>

   Totoo pala yun noh, pwede din pala mangyari in real life akala ko kasi sa mga drama lang yun mapapanood. Parang for some time napunta ako sa ibang mundo, ewan ko kung naghahallucinate lang ako pero ramdam kong nagslow-mo ang mga tao tapos naging blurred yung paligid (hindi ko alam kung dahil lang yun sa malabo ang mata ko) tapos nung tinitignan ko sya at bigla syang tumingin sakin sabay ngiti parang tumigil bigla ang oras… parang wooooooooooh!What a smile, diretso ang tama sa puso ko:) Yun yung part na nakasama ko sya na siguro kahit 10 years na ang lumipas maalala ko pa din. Too good to be true kasi. Pero naexperince ko. 

Sinara ko na ang diary pagkatapos ko isulat yan, gusto ko pa sana dagdagan kaya lang napapagod na ko magsulat kaya binasa ko na lang ulit yung first page.

September 17, 2010

Whew! Buti naman okay na sya. Kinabahan ako dun, tamang-tama ang bili ko ng bagong notebook gagawin na lang kitang diary oks? Alam mo iba yung kaba na naramdaman ko nung nalaman ko na may nangyari sa kanya. Ang weird.

November 25, 2010

Hala ang tagal kitang hindi nasulatan, anong sense at ginawa pa kitang diary. Anyway may ikekwento ako sayo. Ang saya ko ngayon, feel mo ba? HAHAHAHAHAHAHA parang napunta ako sa magic land e. Parang… parang may nararamdaman ako na ang sarap sa feeling, alam mo yun? HAHAHAHAHA nagegets mo ba? Ang weird. Kanina kasi feeling ko ang malisyosa ko in a sweet way:P Pano ba naman lahat ng moves nya binibigyan ko ng malisya in a sweet way pa din hahahaha kasi coincidentally nagkita kami at nagBONDING. Ohh la la la la so okay fine, KINIKILIG AKO.  

November 30, 2010

Sorry ha, hindi pa din kasi ako makamove on e  hahaha five days na pala ang lumipas ng hindi kita nasusulatan. Inaabot kasi kami ng madaling araw na magkatext tsaka minsan magkachat din. Astigggg! Ayun ibabalita ko lang sayo, na inlove na ang lola mo HAHAHAHAHA sinigurado ko kasi muna sa sarili ko para official:). Nakakatakot lang kasi kaibigan lang ang tingin nya sakin:( yup! Aware naman ako dun pero paki ko ba sa kanya hahaha basta ako ineenjoy ko muna yung nararamdaman ko ngayon para pag dumating na yung time na mawawala na to at least naenjoy ko kahit konti. Ay! Erase erase ang nega nun;)

January 1, 2011

Alam mo ba yung myth na kung sino ang kasama mo sa new year ay makakasama mo the entire year? Technically hindi kami magkasama cause nasa kanya-kanyang bahay kami nagcelebrate but we call each other naman so pwede na din icount yun diba? Sige na. Sige na. Ha? Ha? Ha? Para magkasama kami the whole yeaaaaaaaaaaar. How’s that sound? :)

January 27, 2011

Not all good things last longer.

May 17, 2011

Nagtext sya na magkita naman daw kami. Ang tagal na nga naman naming hindi nag-uusap kaya pumayag ako pero sa totoo lang may tampo ako sa kanya. Ang epal kasi e ilang months nya akong natiis! Hay ang assuming ko lang. Pero ayun namimiss ko na din sya so igagrab ko na din tong opportunity. Let’s go!

May 18, 2011

Totoo pala yun noh, pwede din pala mangyari in real life akala ko kasi sa mga drama ko lang yun mapapanood. Parang for some time napunta ako sa ibang mundo, ewan ko kung naghahallucinate lang ako pero ramdam kong nagslow-mo ang mga tao tapos naging blurred yung paligid (hindi ko alam kung dahil lang yun sa malabo ang mata ko) tapos nung tinitignan ko sya at bigla syang tumingin sakin sabay ngiti parang tumigil bigla ang oras… parang wooooooooooh! What a smile, diretso ang tama sa puso ko:) Yun yung part na nakasama ko sya na siguro kahit 10 years na ang lumipas maalala ko pa din. Too good to be true kasi. Pero naexperince ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

All I Hear is RaindropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon