Jeje and I ( One - Shot )

466 18 3
                                    

Naglalakad ako ngayon papunta sa e skwelahan na pinapasukan ko. Tutal mamaya pang 12pm ang klase namin. Nang biglang may sumipol sakin.

"Witwew miss pahinge number mo " Sabi nun lalaking na nasa tabi. Hindi ko siya pinansin sa halip mas binilisan ko ang paglalakad. Like duh! Nakakaturn off talaga yung mga lalaking ganun.

Nagpatuloy ako sa paglalakad may nakasulobong ako mga grupo ng kabataan nagsusuot ng varsity jacket. Seriously? Varsity jacket sa ganito ka tirik na araw? Maygawd! Yung iba hindi nga nakasuot ng varsity jacket, pero Never Give Up at Just Do It naman ang tatak sa t-shirt nila. May suot pa silang Jeje cap.

Umagang umaga nabwibwiset na ako sa paligid. No offense mga jeje ha? Pero inis na inis talaga ako sa katulad niyo. Bakit ba hindi kayo kayang sumabay sa uso? I mean ano bang natira nyong para mag varsity jacket sa ganito ka tirik na araw? Bakit di nalang kayo mag suot simpleng t-shirt man lang?

Nang makarating na ako sa unibersidad na pinapasasukan ay agad kong nakasabay sa pag pasok si Tyler Valdez. Siya yung Gwapo,Sikat at Supladong lalaki.

Lahat ng babae sa unibersidad na pinapasukan ko ay naglalaway sa kanya. Yes, lahat, including me pero hindi naman yung lantaran ang landi. Yung pasimple ko lang siyang tinignan ay buo na araw ko. Contented na ako sa sulyap, kasi ayaw ko ring umasa ‘noh. Simpleng crush ko lang. Yun lang.

Pumasok ako sa klase ‘ko ganun din siya. Magkaiba kasi kami ng section. Pagkatapos 'nun ay hindi ko na namalayan ang oras at uwian na pala. Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko ulit si Tyler. Tumingin ako sa kanya at sa di inaasahan naka tingin rin pala siya sakin kaya agad akong nag iwas ng tingin. At binilisan ko lang ang lakad ko.

Pagkatapos kong ilagay ang gamit ko sa locker ko ay isinara ko 'yun kaya laking gulat ko na nasa gilid pala si Dave.

Siya si Dave, kaklase ko kaso di ko masyadong pinapansin dahil napakajologs niya. Oo namimili ako ng kaibigan, ayaw ko talaga 'yun lalaking swag. Gusto 'yung katulad ni Tyler na may class. Gusto ko 'yun.

"Hi Meredith! " Sabi niya sakin ko kumindat sakin. Ew gross! Kinakalibutan ako. Hindi ko siya pinansin at sa halip tinalikuran ko siya.

Kaso sinundan niya parin ako at pinagtitinginan na kami ng tao. Nakakahiya.

" Pwedi bang hingin ang number mo? " Tanong niya habanag nakangisi. Argh! Nakakainis na.

"No! " Diretsahan kong sagot nang hindi man lang siya tinitignan.

" Awts! " Daing niya kunwari ay nasasaktan siya at may pahawak hawak pa siya sa dibdib niya. Napailing nalang ako sa ginawa niya. Ang oa niya.

" Saan ka ba nakatira at e ihahatid na kita " Tanong niya habang inayos ang jeje nyang cap. Argh! Hindi ba siya na iinitan? Naka cap na nga siya naka varsity jacket pa, na nabibili sa divisoria. Hinarap ko siya habang nakataas ang kilay.

" Pwedi ba tigilan mo nga kakabuntot sakin " Sabi ko at inirapan siya saka naglakad papalabas ng campus.

Nang makauwi na ako sa bahay ay agad akong nag shower dahil ang lagkit lagkit ng katawan ko. Nang matapos na ako ay agad akong nagbihis at humilata sa kama ko. Bigla namang tumunog ang cellphone at may text na number lang ang nakalagay. Kumunot naman ng sobra ang noo ko nang mabasa ko yun.

From: 0906********

Ey0w p0ewszx

Agad kong denelate ang message. Argh! . Pero mayamaya may nag text naman. Same number pa rin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Jeje and I ( One - Shot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon