Unang Kabanata: Ang lapis at ang bolpen

201 0 0
                                    

Nakatingin si Claudia sa monitor ng kaniyang laptop at ang pawala-wala na cursor nito. Wala. Wala pa siyang nailalagay. Wala siyang maisip na orihinal na kuwento. Pero bakit pag nagsisinungaling siya, ang bilis niyang maka-isip ng kuwento? Kapag nagdaday-dream siya, sobrang layo ng nararating ng kaniyang imahinasyon. Nakakunot na ang kaniyang noo sa kai-isip ng isang kuwentong may magandang istorya, na mapapa-wow ang kahit na sino mang makakabasa nito. Gusto niyang matulad sa mga sumusulat ng mga telenobelang ina-abangan ng kaniyang nanay gabi gabi sa mga istasyon ng telebisyon. Ang galing galing nilang mambitin. Kahit minsan, napakababaw na ng mga kuuwento, nahahakot pa rin nila ang kanilang manunuod. Siya, pinipilit niyang gawing malalim ang kaniyang mga kuwento pero walang nagbabasa nito. Napa-iling siya at napatingin sa kaniyang orasan. Ika-pito na pala ng gabi. Malapit na silang kumain wala pa siyang naisusulat. 

Pagkarating na pagkarating niya sa kaniyang tahanan galing eskuwela, dumiretso na siya sa harapan ng kaniyang laptop at nagsimulang magtype ng mag salitang bubuo sa kaniyang mahiwagang mundo ng imahinasyon. Pero binubura niya ito lagi. Hindi siya makuntento sa mga salitang lumalabas sa kaniyang screen. Dalawang oras na siyang bura ng bura hanggang wala na siyang maisip. Pagod na siya. Dati, pangarap niyang maging isang batang manunulat. Napakagandang pangarap. Naiisip niya lagi ang kasikatan niya sa kanilang eskuwelahan kung sakaling magkakatotoo nga iyon. Hindi ba madaming lalapit sa kaniya at magkaka-crush? Baka yumaman pa siya. At isipin mo ang mga katagang "Isa sa mga pinakabatang manunulat" na maikakabit sa iyong pangalan.

Ayan nananaman siya. Napakalayo na ng narating ng pangarap niya. Nakita niya ang kaniyang notebook na nakatabi malapit sa kaniyang mga libring pang-eskuwela. Binuklat niya ito at tinignan ang mga nakasulat na kung ano-anong bagay dito. Madami ay wala naman talagang importansiya, mga naisusulat niya kapag boring ang kanilang klase. Marami ring mga drawings at kung minsan ay mga comic strips pa na may mga stick figures. Napangiti siya. Ang dami na niyang nailabas sa kaniyang utak pero kahit isa, wala pa siyang matapos-tapos na istorya. Dumukot siya ng lapis sa kaniyang pencil case at nagsimulang magdrawing.

-0-

May isang samurai na naglalakbay sa isang masukal na kagubatan. Naka-itim na palda ito at nakasuot ng isang maputing damit na mahaba ang manggas. Sa kaniyang beywang ay nakabitin ang kaniyang matulis na samurai na may itim ring lalagyanan. 

Napatigil siya at nakinig. May hindi tama. Narining niya ang mga huni ng ibon at ang pagsibol ng hangin. Narining niya ang pagsayaw ng mga dahon ng puno, ang pag-galaw ng mga hayop sa kagubatan. Ngunit narining din niya ang mga dahan-dahang pagkilos ng mga kalaban. Nilagay niya ang kaniyang kanang kamay sa hawakan ng kaniyang espada at hinila ito ng kaunti. Tumigil ang mundo sa pag-ikot at dahan dahan siyang naglakad. 

Nangyari ang lahat sa loob lamang ng limang segundo. Sa ika-unang segundo, naramdaman niya na meron siyang tatlong kalaban. Sa ikalawang segundo, nasa likod na siya ng pinaka-unang sundalo ng Emperatista, ang kaniyang espada nakaturok sa leeg ng sundalo. Sa ikatlong segundo, ni-hindi pa nalalaglag ang wala ng buhay ng unang sundalo, nasa harap na siya ng ikalawang sundalo na wala ng ulo. Sa ika-apat, nakatanim na sa tagiliran ng ikatlong sundalo ang kaniyang duguang espada. Sa Ika-lima, nakalagay na muli ang kaniyang espada sa lalagyanan nito.

-0-

Masakit na ang mga kamay ni Claudia. Napagod yata siya. Naramdaman niya ang kaba at ang bilis ng kaniyang nilikhang karakter. Pero napa-iling nanaman ang batang manunulat. Gusto niya ng isang istoryang may kakatawanan at hindi puro madugong seryosong kuwento. Gusto niyang mag-enjoy ang mambabasa niya. Binaliktad niya ang kaniyang lapis at sinimulang burahin ang kaniyang maikling kuwento, kasabay ng kaniyang pagbura sa mundong hindi niya namalayang kaniyang nalikha.

 Sana hindi na lang niya ito binura. Baka magamit niya iyon sa susunod. Tinatamad na siyang ulitin ang istoryang yoon. Nagsisi siya. Sa bawat pagbura niya sa kaniyang mga gawa, parang may nawawala sa kaniya. Tila ba, nawawala rin ang isang bahagi ng kaniyang buhay. Nalulungkot siya. Siguro dapat hindi na niya burahin ang kaniyang mga naisulat dahil sino nga ba ang gustong mabura sa mundong ito?

Isinara na niya ang kaniyang notebook at napatingin sa kaniyang pencil case. Nandoon ang kaniyang bolpen. Sa susunod, bolpen na ang gagamitin niya para hindi niya na mabura ang kaniyang mga naisulat na. Isinara na niya ang kaniyang pencil case at isinara ang laptop, tumingin sa ilaw ng kaniyang kuwarto at humikab. Biruin mo, ika-siyam na ng gabi. Dapat ng matulog

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang ManunulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon