Chapter 3

3.7K 114 1
                                    

NAALIMPUNGATAN ako dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa labas ng bintana ng kubo na bahay ni Nanay Elley kung saan ako nagpalipas ng gabi.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at tiningnan ang orasan na nakadikit sa may dingding ng kwarto. Alas-sais na ng umaga. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinawagan si Mike. Matapos ang isang ring ay sinagot naman ito ng kabilang linya.

"Hello? Syranah? Akala ko ba babalik ka agad?"

Napabuntong hininga naman ako.

"I have to fix something. By the way, I called because the Dean texted me na walang pasok whole day."

"Really? Bakit daw?"

"Meeting ngayon ng teachers and after lunch, meeting naman ng lahat ng classroom Officers."

"Ah okay, that's better. Naipaliwanag ko na sa dalawa ang lahat... at nag-iisip na sila ng kung ano-ano. I can't handle them long, Syranah."

"Okay, I'll be back before lunch. Gotta go."

Pinatay ko na ang tawag at muling humiga at ipinikit ang mga mata.

Ilang sandali lang ay napamulat ako nang makarinig ng kaluskos sa may kusina. Pamilyar na ako sa mga sulok ng bahay kaya alam kong sa kusina nanggaling ang kaluskos na 'yon. Bumangon ako at tinungo ang kusina para tingnan kung sino o ano ang nandoon.

Napasandal ako sa pintuan ng kusina habang nakatingin sa isang nilalang na nagluluto.

"Are you Nanay Elley's grandson?" tanong dahilan para mapalingon siya sa banda ko.

Gulat niya akong tiningnan.

"Ahh o-oo... gising ka na pala."

Napakunot naman ang noo ko, I saw a tattoo on his hand. It's a form of metal na hugis puso? Napatingin naman siya sa tinitingnan ko. Nang makita niya na ang tattoo niya ang tinitingnan ko ay agad niyang tinago ang kamay niya.

"Ako nga ang apo ni Lola Elley, ako nga pala si Jed," pagpapakilala niya. Tinanguan ko lang siya at umupo sa may upuan.

"Naghanda ako ng almusal," seryoso niyang sabi. Hinain  niya ang niluluto niya sa harap ko. Sabay kaming kumain. Wala naman sa mukha niya ang manglason kaya kumain na lang ako.

"Nakuha ko na ang libro sa kwarto ni Lola Elley. Ikaw si Syranah 'di ba? Palagi kang binabanggit ni Lola sa akin," sabi niya habang sumusubo ng pagkain. Napahinto ako sa pagkain at tiningnan siya ng seryoso.

"Paano mo nakuha ang libro?"

"I used my speed ability," sabi niya habang sumusubo ng pagkain. Sa kwarto ako ni Nanay Elley natulog. Kaya pala hindi ko siya nakita agad na pumasok.

"I know that you also have an ability, I can sense it," dugtong niya.

"Anong balak mo?" pag-iiba ko. Huminto siya sa pagkain at tumahimik sandali.

"Pupunta ako sa mundo ng mga werewolf, alam ko na may dahilan kung bakit sila biglang umatake. I need to find it out," seryoso niyang sabi.

"Paano mo nalaman na werewolf ang pumatay sa Nanay Elley mo?" nakakunot noong tanong ko.

"Sinabi mismo ni Nanay Elley sa akin." I sighed.

"You can't do that kid," malamig kong sabi.

"What? Ako? Kid?! Hindi na ako bata! And I can do it," galit at may diin niyang saad.

Nagagalit siya kapag tinatawag na kid? Napatingin naman ako sa kamay niya nang umilaw ito. Ang tattoo sa kamay niya ay umilaw at biglang naging metal ang mga kamay niya.

I'm a Slayer [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon