Chapter 1

6.3K 174 11
                                    

"HOY bilis nandiyan na siya!"

"Tiningan mo, ang panget pa rin niya 'no?"

"Lagi naman, e. Hindi iyan magbabago."

"Tumahimik nga kayo! Baka marinig pa kayo! Lagot talaga kayo!"

"Omy! 'Di ba dito mag aaral ang mga anak ng owners ng school? Kapag mga warfreak sila, paniguradong war na 'to!"

"Oo nga 'no? Naku, baka malay natin mawala na 'yan dito!"

I heard some whispers when I was walking in the hallway. It's not my first day here... its just my day was always like this. Bulong here, bulong there, bulong everywhere. Well, they also look like insects.

"Kumalma ka lang, Syranah. Hindi ka pa mamamatay sa bulong nila," paalala ko sa sarili ko. Tinungo ko na lang ang classroom ko.

After a few minutes na paglalakad ay nakarating din ako sa classroom. Nang makapasok ay umupo ako sa pinakadulong bahagi ng room kung nasaan ang upuan ko. May bakante pa rin namang upuan sa likuran ko.

Nang makaupo ay agad kong binuksan ang librong dala ko at nagsimulang mag-review. May test kami ngayon sa subject namin na science.

Eighteen years na akong nabubuhay sa mundo pero hindi ko alam kung bakit ayaw ng iba sa akin. Well, I was a little blessed dahil I am living with Travious Merdz who adopted me when I was three years old. I have no parents at all.

Sa school na ito, ako lang ang nag-iisang nerd daw. Nerd na cheap, panget, tahimik, laging nagbabasa ng libro, at walang kwenta. Hindi naman talaga ako pangit. Everyone of us are beautiful because each of us are unique. Ayaw lang kasi nila sa buhaghag kong buhok na laging nakalugay, itim at malamig kong mata na may laging suot na eyeglasses na hindi naman kalakihan, matangos na ilong, at black beauty na balat. Hindi ko alam kong matutuwa ba ako dahil ako lang yata ang nerd na kinatatakutan sa school na ito. Weird.

Yes, I'm a nerd pero lahat sila umiiwas sa akin dahil natatakot sila. Hindi nila ako matingnan sa mata dahil sa nakakatakot daw ako. Well, it's okay at least they are not bullying me, instead, they help me sometimes. Not all of them are bad. Takot ang iba pero malakas ang loob nilang paringgan ako at chismisin.

Minutes had passed, almost twenty minutes pa bago mag-umpisa ang klase pero kompleto na kami sa classroom. Tahimik rin sila na nagbabasa ng libro.

"Hi? Syranah, right?" rinig kong boses sa gilid ko.

"Hello," maikli kong tugon. Malamig ang boses ko kaya siguro takot ang iba sa akin. Malamig talaga kasi ang boses ko. Kahit anong gawin ko hindi ko alam kung paano mababago iyon.

"Uhm, gusto ko lang sana na i-remind ka mamaya. Gagawa tayo ng report if ayos lang... sa bahay sana namin gagawin?" She asked na parang nahihiya. I didn't bother to look at her.

"Okay."

"Really? So sabay tayo mamaya? Hihintayin kita sa gate," masaya niyang sabi. Tinuon ko na lang ulit ang ang utak ko sa pagbabasa.

"I'm Shandie Bouria by the way," rinig kong dugtong niya at bumalik na sa upuan niya.

I know her.

She was the daughter of the owner of this school. Mabait siya at hindi ko alam kung mabait rin ba ang kapatid niya na nasa lower grade. Magbabasa na sana ulit ako kaso biglang bumukas ang pinto at iniluwa roon ang apat na lalaki. Napatingin lahat sa kanila except sa akin na nagbabasa pa rin. Paano ko nalaman na apat sila? I can sense them. Malakas kong isinirado ang libro dahilan para mapatingin sila sa akin.

"Patay."

"Lagot."

Rinig na rinig ko ang mga bulong nila. Ang ayoko sa lahat ay ang sinusuway ang rules ko.

I'm a Slayer [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon