Chapter 6 (Reason/FLASHBACK)

578 21 14
                                    

SANDY'S POV

"Best, punta ko sa apartment mo??" Biglang sabi ni Marie saken habang nag aayos ako ng gamit ko, katatapos lang kase ng klase non. Bilang tugon sa tanong nya ay hindi ako umimik at isinakbit lang ang bag ko sa balikat ko . Pagod ako at gusto kong matulog -_-. Tatalikod na sana ako ng bigla ako nitong hawakan sa magkabilang balikat at yug yugin ako.

"BEST! Please naman! Nabobored ako! Alam mo naman pag bored ako kung ano ano ung ginagawa kong trip ehh baka magaya nanaman date na bigla nalang ako pumuntang zoo tas chinika ko ung mga snakes! SHOCKS! nakakahiya yon! ayaw ko ng maulit yon!!" Sigaw nito saken. Inalis ko lang ang kamay nya sa balikat ko sabay hawi ng bangs ko. Saket sa bangs grabe.

"Punta ka sa luneta. Don, malaya kang makapaghahasik ng lagim." Sagot ko dito. BUSET! Ano ba kase akala nya sa apartment ko? tambayan? aba nawiwili na sya ahh!!

Napakunot ang noo nito sabay pout. Tss gara ni best mukang bulldog -_-

"Anong gagawin ko don? Wala naman akong jowa!" Nagmamaktol na sabi nito.

"Jowain mo si rizal o kaya naman magpanggap kang rebulto at nang maraming mag papicture sayo tutal mahilig ka namang mag selfie." Sincere na suggest ko dito.

  Sasagot pa sana ito ng may tila mahagip ang mga mata nito na interesanteng bagay at bigla nalang nito hinatak iyon. Sumama ang mukha ko ng makilala kung sino iyong hinatak ni Marie. GREAT! IT'S LOUIE. --_--

Speaking of Louie. It's been a month simula ng bulabugin ng walangyang to ang college life ko, akala ko pa naman e mapapakinabangan ko sya sa pakikipaglapit sa sinta ko but it turns out.. HECK! She's making me crazy! Araw araw akong binubuwisit!

Imagine? ARAW ARAW pag uupo ako sa chair ko e aalisin nya yon dahilan para masadlak ang pwet ko, minsan titingin muna ko sa kanya bago umupo kase baka hatakin nya ulit yong upuan saka ko uupo pero nasasadlak pa din ako! pag titignan ko sya ay nakangiti lang sya saken na lalong nakakapag painit ng ulo ko. Then, kapag may quiz kame at hindi ako nakapagreview sasabihin nya ung mga sagot pero it turns out na balibligtad yon ng numbering! nakakazero tuloy ako! ARRRGGHHH! Sinubukan ko na nga tumawag sa tulfo brothers para masolusyonan na ung problema ko sa babaetang to e kaso mababaw daw ung problem ko. Hinamon ko pa nga sya ng suntukan pero tinawanan lang ako! POTEK!

Pero may naidudulot din naman syang maganda PAMINSAN MINSAN. Ung pag tukso nya saken sa pinsan nya :')) ayiee hihi.

"Louie, nagyaya si Sandy sa apartment nya tambay daw tayo don." Sabi ni Marie. NYAHAHAHA akala ata ng batang to porket andyan si Louie papayag nako. AT BHAKET? sino ba si louie??

"Talaga? Great! Wala kameng mapag tambayan ni Evans e." Sagot ni Louie tas kumindat saken.

Kumibot kibot ang tenga ko sa narinig ko. Evans??

"Tara na nga Louie ayaw ata ni Best.." Malungkot na sabi ni Marie at akmang hahatakin si Louie ng biglang tumili ako.

"TARA SA APARTMENT KO! MAG PARTY PARTY TAYOOOOOOOO!" Sigaw ko habang tumatalon talon at nakataas ang mga kamay ko.

--------------

APARTMENT NI SANDY

"Best ang popogi naman nitong nasa photo album mo. Mga EX mo ba re??" Tanong saken ni Marie habang hinahalungkat ang album ko at nakasalampak sila ni Louie sa lapag ng sala.

Umirap lang ako sa kanila. Mga bwisit tong mga re mga dakilang paasa, akala ko pa naman malalandi ko si Evans dahil sasama sya samen nakalimutan ko na may praktis nga pala yon lage after class. Naisahan nila ko BUSET!!

"Parang mga bading." Komento ni Louie sa mga pictures na nandon sa album. I stunned at nanlamig ako. H-how the heck she know about t-that?? Napalunok ako.

Hinampas ni Marie si Louie ng malakas. 

"Ang sama mo naman! Paano mo nagawang sabihing mga bading tong mga kay gwagwapong mga nilalang na re ha?!" Pagtatanggol ni Marie sa mga 'Crush' daw nya na sa picture lang naman nya nakita.

Nag shrug lang ng shoulder si Louie at tumingin saken. Napa buntong hininga ako.

"Tama si Louie best. Mga EX CRUSHES ko yan date and.. lahat pala sila.. charing.." Nakangiwing sabi ko. Napanganga si Marie saglit then tumawa ng malakas.

----_____---- ere na nga ba sinasabi ko e. OO GUYS TAMA KAYO NG BASA. Ako na ata ang pinaka favorite ni cupid dahil lahat ng nagiging crush ko ehh bading pala. Tuwang tuwa tuloy ung stepsister ko na bwisit sa buhay ko ang mamacho kase ng mga bf nya ako NBSB na bading pa ung mga type -_-

Buti nalang at si Evans e machong macho ung dating. Alam kase ng papa ko na may crush ako at chinecheck nya sa fb hahahaha weird no??

RING 5X

"Hello?" Sagot ko sa tawag ni Papa. Si Marie sinenyasan kong tumigil sa pag halakhak si Louie naman tahimik na nakatingin lang saken.

>Hello anak? Kamusta?

"Okey naman po pa, kayo po??" Napangiti ako nung narinig ko ang boses ni papa. 

>Okey lang din naman. Nga pala pupuntahan kita dyan ahh? hindi ko makita sa fb ung crush mong si Evans ba yon? titignan ko nalang. dont worry wala kong gagawing masama.

"Papa naman, kahit hindi na. Hindi ko naman yon bf ehh crush lang.." Nahihiyang sabi ko. Nakita ko si Marie na nagpipigil ng tawa naka loud speaker kase to samantalang si Louie seryoso lang napataas ung kilay ko anong problema nito??

Mahaba pa ung pinag usapan namen ni papa bago ko binaba ung phone pero di ko talaga sya mapigil sa gusto nya. Pupunta talaga sya dito next week. -_-

Biglang lumapit saken si Louie at may biglang sinabe.

"Sandy.. S-si E-evans.." Nauutal nitong sabi.

Kinabahan ako bigla. Anong meron??

"B-bak--- He.. He was a gay.." Sabi ni Louie nawala ung kaba ko at naningkit ang mata ko.

"GET OUT!" Sigaw ko. 

"Sand--" Si Marie.

"GET OUT!!!" SIGAW KO ULET SA KANILA.

Expect The Unexpected Love (GirlXGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon