3

45 29 21
                                    

Pagka-uwi namin, inihatid muna ako ni Skyler sa dorm ko.

"Goodnight." I smiled at him and waved as my response.

Pumasok na ako at nakita kong naka relax sina Grey at Zera sakanilang mga kama. Nakita kong wala pa si Blayke. Tumayo si Zera sa kama niya at lumapit saken.

"So, nag try ka rin sa magic gauge? Don't you?" Bungad niya sa akin. Sabay tingin sa bit-bit kong paper bag na may lamang bear. Heto nanaman! Hindi ako umimik at dumeretso ako sa kabinet ko para ilagay yung bear sa may malapit na table at kumuha ng mga damit para pangpalit.

"Tsk, are you trying to ignore me?" Hindi ko ulit siya pinansin at dumeretso sa banyo but she hold my hand tightly.

"Bakit nakukulangan ka sa atensiyon? Kaya ka nagagalit pag hindi kita pinapansin? You know what? I'm trying to be kind for you, but then? Inaabuso mo lang. Bakit nadadala ka pa rin ba sa nangyare noon? Kaya ka nag kakaganyan?" Hindi ko na napigilan pang magtaray dahil sa inaasta nitong babaeng ito. Hindi siya nakapagsalita at dumeretso na ako banyo, dahil nangangamoy na ako.

Pag katapos kong mag palit, lumabas ako ng dorm para tawagan si granny.

"Hello? Minerva? Ba't ka napatawag? Is there's something wrong?" Sabi sa kabilang linya.

"Nothing granny. Kakamustahin ko lang po kayo granny kung okay lang po kayo?"

"I'm always alright, so don't worry about me. You should take care of yourself, hu?"

"Yes granny, goodnight. I love you so much and I miss you."

***

Kinaumagahan, maagang gumising sina Grey at Zera. Pero si Blayke, wala pa rin siya hanggang ngayon.

*Knock**knock*

"Hello, it's Vanessa."

"Come in." I said. Vanessa is a Dorm Facilitator. She has the magic of lighting.

"What is it?" I asked.

"Nag report kasi si Grey na may sira daw ang shower niyo. So, I will take a look." She answered.

"Hu? Okay pa naman yun ha? Kagagamit ko lang. Siguro nangtri-trip nanaman siya?"

"Arrgggh that kid--" Natigilan siya at napatitig siya sa teddy bear ko na naka display sa may mesa.

"Miss Vanessa? What's wrong?" I asked curiously.

"There's something inside."

"Ano yun?" I asked again.

"There's a weird circuit inside. Napansin ko lang." -Miss Vanessa.

"What?"

"So, hindi mo nakikita?"

"No. Hindi tayo magkaparehas ng magic power."

"In that case, mind if I break it up and take a look?."

"Um, okay." Kinuha niya yung scissor at sinira ito hanggang sa may makita siyang isang chip.

"It's some kind of transmitter." Sabi ko.

"No, it looks like tracking chip, someone's been tracking you." Oh! Sh*t! That man at the mall. Did he plant a tracker chip in all of the prizes? Kung linagyan niya ng tracking chip lahat ng prizes, so that means...... ganun din kay Grey? Anong kayang binabalak niya? Kaya pala may nakalagay na "SCORE OF 5+ CAN GET A PRIZE" and he's targeting high tiers.

"Minerva, you should be alert from now on. At kailangan mo ring ireport ito sa Headmaster."  She suggested.

The unknown group is getting closer.

"Okay I will." I said. Lumabas na siya at iniwan ako. Hinanap ko yung bear ni Grey. Nang mahanap ko ito agad ko itong sinira at tama nga ako. Kailangan kong masabihan sina Blayke, Zera at mas lalo na si Grey ngayun din.

Dali-dali akong lumabas ng dorm.

"Hey Minerva!" Sigaw ni Skyler. Natigilan ako sa pag lalakad.

"Nakita mo ba sina. Grey?" I asked.

"Hindi, bakit?"

"Pwede mo ba akong tulungang hanapin siya, meron lang akong importanteng sasabihin sakanya."

"Okay." Sabi niya.

"Sige, mag hiwalay tayo para madali natin siyang mahanap. Doon ka at dito naman ako." Nag simula na kaming mgpag hanap.

"Asan na ba sila?" I asked to myself. Bat ba kasi ang lawak nitong university na to? (University nga diba? Kaya malawak!)

Hindi ko pa rin siya mahanap, umupo muna ako sa isang bench na malapit sa may malaking puno. Balak ko sanang tawagan sila pero wala saken yung mga cellphone numbers nila.

"You look tired." Malamig na sabi ng puno. Wait... puno? No! Boses ng lalake. Linibot ko ang paningin ko, pero wala namang tao. May nahulog na isang papel galing sa taas ng puno. Tumingala ako at nakita ko si Blayke.

"Obviously?" I asked. He climbed down. I look at him seriously. Nakita kong meron siyang dalang isang bottled water, gusto ko itong inumin.

He opened the bottled water and he drink it. Habang iniinom niya ito, ako naman ay napapalunok. Natigilan siya sa pag inom.

"Why? Want some?" He offered. As if naman na iinomin ko yung nainuman na niya.

"No thanks, by the way asan ka pala kagabi? At hindi ka umuwi sa dorm?"

"Mind your own business." Sabi niya, akmang aalis na sana siya pero pinigilan ko ito. Tatanungin ko kung may alam siya dito sa chip na hawak ko.

"Wait? Did you know about this already?" Sabi ko at ipinakita sakanya ang mga chip na hawak ko.

"What's that small thingy? It's 'kinda tracker chip?"

"That's right."

"How did you get this?" He asked.

"Sa isang bear na stuff, kung saan natanggap ko ito sa magic gauge sa may mall. Sabi kasi dun if you get 5+ you can get a prize. Kailangan ko rin itong i-report sa principal para malaman kung ano ang gagawin, baka kasama kasi yung lalakeng nagbigay saken nito at kasali siya sa hindi pa nakikilalang grupo, target nila ang mga high tiers ngayon, and I think isa na din kami ni Grey sa mga target nila. Nakakuha rin kasi siya ng ganito. Pero iniwan ko yung chip doon. At kailangan kong mahanap sina Grey at Zera."

"Nasa cafeteria si Grey." He said coldly. Iniwan ko na siya at nag punta agad kay Grey. Nang makarating ako doon, agad ko siyang nakita dahil konti lang ang estudiyante ngayon. Mabilis ko itong pinaliwanag saknaya at hinanap rin namin si Zera.

Nang kompleto na kaming apat, tinawagan ko si Skyler at sabihin na nahanap ko na sila. Pumasok na kami sa office ng principal namin. I-nexplain ko sakanila lahat about sa chip at sa lalaking nasa magic gauge. Nakita kong masama ang tingin ni Zera saken, hindi ko nalang ito pinansin.

"So what are we waiting for? We need to investigate--" Putol na sabi ni Zera.

"No, ibang grupo muna ang ipapadala ko sa misyong ito."

"But--" Sabat naman ni Grey.

"Listen, You're the four of my most powerful students, so you need to be more careful. Lalo kana Grey and also Minerva."

"Yes, Headmaster." Sagot namin.

_____

A/N: Ito na nga po, hahahha sorry kung late at pasensiya na pala sa mga errors still editing palang po ito so don't worry. I hope you like it!😘😘😘

HILLSTONE VILLAGE: unordinary place of unordinary people! [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon